"Mia naman, kitang-kita ko talaga kung paano mo alagaan ang lalaking iyon!" "Tumigil ka nga Kenjie, syempre pasyente ko iyon!" naiiritang saad ko rito. Nagtatrabho na ako sa hospital bilang isang Nurse, kumukuha ulit ako ng kursong med course, balak ko ituloy ang kursong medisina. "Baby naman, maraming Nurse bakit ikaw pa ang nakatuka sa lalaking iyon!" Napahilot naman ako sa aking ulo. Araw-araw lagi na lang nagseselos ito sa mga pasyente ko. Si Allen Ivan Smith ang naging pasyente ko, kaya naman lagi na lang nagagalit si Kenjie. Paano ba naman makulit din si Allen. "Dalawa na ang anak natin, at meron na naman sa tiyan ko, gan'yan ka pa makapagselos! Naiinis na talaga ako sa iyo!" Tatlong buwang buntis ako. Isang taon pa lang ang Twins, nasundan na agad ang mga ito. Inis na tum

