Pinatunayan ni Kenjie sa akin na ako nga ang kan'yang priority.Wala na talaga mahihiling pa, sobrang saya ko dahil ipinakita niya sa akin at ipinaramdam na mahalaga ako.
Maraming nagbago sa buhay ko, sa mga buhay ng mga kaibigan ko.Lalo na sila Sheena at Zen.Nabalitaan ko na lang na sa ibang bansa na ang mga ito nagtatrabaho.
Yes, dalawang taon na ang nakalipas.Graduating na ako sa kursong nursing.Sa dalawang taon naming pagsasama ni Kenjie, maayos naman ang set up namin.Kahit laging wala at nasa ibang bansa ito palagi.
"Ma'am Mia, nandito na si Sir Crimson."ani ng katulong sa akin.
Agad naman akong lumabas sa aming silid at patakbong sinalubong ang aking asawa.
"Hey."nakangiting saad nito.
Niyakap ko ito ng mahigpit.
"I missed you!"halos tatlong linggo ito sa ibang bansa.
"Missed you too baby, tara na sa silid."bulong niya sa akin.
Pagkapasok namin sa aming dali-dali nito hinubad ang mga saplot namin.
"I love you, Kenjie!"
Still hindi ko pa naririnig sa kan'ya ang tatlong salita na bawat pagniniig namin sinasambit ko ito.
I'm willing to wait.Alam ko naman matutunan niya akong mahalin.Saka masaya naman kami, wala naman kaming problema sa loob ng dalawang taon.Kahit bihira lang ito nagtatagal sa bahay dahil sa mga negosyo niya sa ibang bansa.
Si Kuya Dos, may asawa na siya.Samantala ang apat ko pang mga kuya, single pa rin.
"Kenjie, malapit na ang graduation ko, siguro its time na magkaroon na tayo ng baby."ani ko sa kan'ya.Nakayakap ako sa kan'ya habang balot ng makapal na kumot ang aming hubad na katawan.
"I'm not ready yet.Saka na natin iyan planuhin."seryosong saad nito.Parang ang lalim ng kan'yang iniisip.
Malungkot naman ako napatango.Malapit na rin akong mag twenty-one.
Bumangon na ito at nagbihis.
"Saan ka pupunta? Kararating mo lang ah."
"May pupuntahan lang ako saglit."ani nito.Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa labi.
"Ingat ka."pahabol na saad ko sa kan'ya.
Dumating hanggang gabi hindi pa rin umuuwi si Kenjie.Ang iniisip ko baka doon na natulog sa bahay ng kaibigan niya.
Pero dumating ulit ng ilang araw at linggo hindi na ito umuwi.Hindi ko matawagan ang kan'yang cellphone.
Nandito kami ngayon sa restaurant, kasama ko ang bagong kaibagan ko sa university.Simula kase na umalis si Zen at Sheena, nakilala ko naman si Margarette na nursing din ang kurso.
"Huwag masyadong dibdibin ang ginawa sa iyo ng asawa mo, parang hindi ka nasanay sa loob ng dalawang taon, minsan ka lang inuuwian."pagsesermon sa akin ni Marga.
Napakagat naman ako sa aking ibabang labi.
Ang hirap magpanggap, parang ako na ang dumadala sa relasyon namin.Tama si Marga, sa loob ng dalawang taon, umuwi si Kenjie sa bahay kung kailan niya gusto.Pero okay lang sa akin, atleast wala naman siyang ibang babae, naging abala lang ito sa mga negosyo niya.
Masaya naman ako kahit papaano.Kahit konting oras binibigay niya sa akin, kuntento na ako.Naging priority rin naman niya ako kahit papaano.Hindi lang maiwasan na kahati ko sa oras ang kan'yang negosyo.
Nasa gitna kami nakaupo ni Marga.Nakatalikod ako sa pinto.
"I've missed you so much Belle."
Napaangat bigla ang ulo ko nang marinig ko ang boses ng aking asawa.Parang nanigas ako bigla sa aking inuupuan.
Lumingon ako.Nakita ko kung paano siniil ng halik ni Kenjie ang babaeng tinawag nitong Belle.Si Belle ang kaagaw niya sa puso ng kan'yang asawa.
Natigilan ako nang hinawakan ni Kenjie ang magkabilang kamay ni Belle at masuyong hinalikan ang mga palad.
"Belle, all this time I've been waiting for this moment to tell you how much I've missed you and when you're gone, I realized that I love you so much Belle......"
Tinapik ni Marga ang balikat ko.Rinig na rinig ko ang mga salitang lumalabas sa bibig ng asawa ko.Ang salitang na matagal kong hinintay na sasabihin niya sa akin, pero sa ibang babae niya sinabi.Kay Belle, ang babaeng mahal na mahal pa rin nito kahit dalawang taon na nakakalipas.
" Kenjie.. tumayo ka diyan... please don't cry Ken."nakita ko kung paano niyakap ng mahigpit ni Belle ang asawa ko na umiiyak.
Ang sakit! Sobrang sakit.
Sobrang sakit pala na harap-harapan mo naririnig ang salita na galing mismo sa asawa mo habang sinasabi ito sa babaeng mahal nito.
Umasa ako sa dalawang taon na akala ko ako lang.Umasa ako sa pangako niya.
Parang biglang nanlabo ang paningin ko.
At tuluyan na nandilim ang aking paningin.
"Hala Mia! Tulungan niyo kami!"
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
"Gosh..Mia!"agad na bungad sa akin ni Marga.
"A-anong nangyari?"
"Nahimatay ka!"
"S-sino ang nagdala sa akin dito sa hospital?"mahinang tanong ko kay Marga.
"Iyong magaling mong asawa, inihabilin ka sa akin at umalis na."galit na saad ni Marga.
"Uwi na tayo."mahinang saad ko.
Nabayaran na daw ang mga bills ko.
Lumabas muna si Marga at kinausap naman ako ng Doctor.
"Congratulations, your two weeks pregnant."nakangiting saad ni Doktora.
Napapikit ako.Ayaw pa ni Kenjie na magkaanak kami.
"S-salamat po."
"Ito iyong bibilhin mo sa botika, you need to take this medicine, ang baba ng dugo mo masyado.Anemic ka at sobrang putla mo pa."
Tumango na lang ako sa sinabi sa akin ni Doktora.
Bago ako umuwi bumili muna ako ng gamot na nireseta sa akin.Si Marga na rin ang naghatid pauwi sa akin.
"Dumating ba si Sir Crimson niyo?"tanong ko sa katulong.
"Yes Ma'am, nasa silid niyo po."
Dali-dali naman akong pumunta sa aming silid.Naabutan ko si Kenjie na nag-iimpake.
"K-Kenjie? Saan ka pupunta!"natarantang tanong ko.
"Sa condo muna ako."maiksing sagot nito.
"B-bakit? Kenjie please! Dahil ba bumalik na siya? Dahil ba sa kan'ya?"umiiyak na tanong ko.
Humarap ito sa akin.
"I'm sorry.Akala ko, nakalimutan ko na siya sa loob ng dalawang taon, hindi pa pala.Mahal ko si Belle, at babawiin ko siya."
Hindi ko napigilang humagulhol.
"P-Paano ako! Nangako ka sa akin na aayusin natin ang ating pagsasama! Ginawa ko naman ang lahat ah!"
"Mia please.It's hard to pretend that I'm happy with you, pinilit ko rin na ayusin ito, pero bumalik na si Belle, bumalik na ang babaeng mahal ko."
Napaupo ako sa sahig.
Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Take care of your self, okay."ani nito at lumabas na ng silid.
Bakit sobrang hirap na mahalin niya ako?
Anong meron si Belle, na hindi niya nakikita sa akin?
Tumayo ako at pumunta sa bintana.Sinundan ko ang tingin ng kotse na papalayo ito.
Hinayaan ko na dumadaloy ang mga luha ko sa aking pisngi.
Paano ang baby namin?
Alam ko magagalit siya, dahil ilang beses niya sinabi sa akin na ayaw niya pa magkaanak.
I'm a Geller.Kaya ko tumayo kahit sobrang nasasaktan na.
Kailangan ko makausap si Belle.Kailangan niya malaman na kasal na kami ni Kenjie!