Kahit masama ang pakiramdam ko, kailangan ko pa rin pumasok sa university.Malapit na ang graduation namin, at hindi puwede na lumiban ako.
"Kainis ka talaga Mia! Ayusin mo nga ang sarili mo!"galit na saad ni Marga sa akin.
Napabuntong hininga ako.
"Hindi siya kawalan! Imagine your so young, eh ang asawa mo, malapit na mag forty."
Napangiti naman ako.
"I'm okay.Thank you Marga.Ikaw lang ang sandalan ko."nasa ibang bansa lahat ang mga kuya ko.Si kuya Dos pumunta sa Britain para ipakilala si ate Kath sa Daddy namin.
Matanda na rin si Daddy.Baka next month, uuwi muna ako.Or maybe after ng graduation.
"Mauna na ako, kailangan ko pa kase puntahan si tatay sa hospital."
Mahirap lang sila Marga.Nakapunta na ako sa bahay nila.Tinulungan ko ayusin ang kanilang barong-barong na tirahan.Sa ngayon tinulungan ko rin ng medical assistant ang tatay niya sa hospital.
"Marga kapag kailangan mo ng pera, huwag ka mahiya magsabi sa akin."
"Sobra-sobra na ang naitulong mo Mia, maraming salamat ha."niyakap niya ako ng mahigpit.
"Walang anuman."nakangiting saad ko.
Agad na ito pumara ng taxi.Pumunta na ako sa parking lot at sumakay na rin sa kotse ko.Minsan nagtataxi rin ako kapag hindi ko kaya magdrive.
Alas sais na ng gabi.Late na kami nakatapos ng pag-eensayo sa graduation.Naisipan ko muna dumaan sa resto bar kung saan doon kami lagi nakatambay ni Marga.
Hindi naman ma traffic kaya mabilis lang ako nakarating sa restaurant.Masarap naman ang pagkain nila.Ilang beses na rin kami ni Marga na kumakain doon.
Pinark ko muna ng maayos ang kotse ko at pumasok na ako sa loob.Gusto ko muna magrelax.Pumunta ako sa tabing gilid at doon na umupo.Nag-order na lang ako ng pine apple juice at isang slice ng cake.
Nawiwili akong kumakain.Ang ibang mga costumer's nagsitayuan at sumayaw sa gitna.Sobrang nakaka relax ang tugtog.
Napatingin ako sa mga nagsasayaw sa gitna.
Kenjie?
Kinusot ko ang aking mga mata.
Si Kenjie nga, kasama niya si Belle na nagsasayaw sa gitna.
Hawak-hawak ng asawa ko ang bewang ni Belle samantala nakayapos naman ang kamay ni Belle sa leeg ni Kenjie.
Pakiramdam ko, sinaksak ako ng paulit-ulit habang nakikita ko ang pagtataksil ng aking asawa
Nakasandal ang ulo ni Belle sa balikat ng asawa ko at nakita ko kung paano hinalikan ni Kenjie ang babae.
Galit.Galit ang nararamdaman ko sa kanila.
Tumayo ako at pinuntahan sila sa gitna.
Hinablot ko ang buhok ni Belle at sinampal ito ng ubod lakas.
Nakita ko ang galit na mukha ni Kenjie at hinila ako palabas ng Resto.
"K-Kenjie!"
Nanlilisik ang mga mata niya na nakatingin sa akin.
Sasampalin sana niya ako, pero bigla akong yumuko.
"Wala kang karapatan para saktan si Belle!"sigaw nito sa akin.
Itinulak niya ako dahilan na napaupo ako sa semento.
Umiiyak ako habang umiiling.
"Bakit siya pa rin? Ako ang asawa mo."mahinang saad ko.
"Sinusundan mo ba ang bawat galaw ko Mia!"galit na saad nito.
Umiling ako.
"Huwag mo siyang lapitan kapag nalaman ko na may ginawa ka na naman sa kan'ya, malilintikan ka sa akin!"ani nito na tumalikod na ito
Napahawak ako sa aking tiyan.
"Ahhh!"nakaramdam ako ng sobrang kirot.
Halos hindi na ako makatayo.
"Help! Please help me!"
"Hey, are you okay?"
Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa aking harapan.
Si Josh.
"J-Josh! P-please help me."umiiyak na saad ko.
"f**k! Dinudugo ka!"dali-dali niya akong binuhat at sinakay agad sa kotse nito.
"Ahh..Josh please..save my baby!"natatarantang saad ko sa kan'ya.
"Relax..okay...medyo malayo pa ang ospital."natatarantang saad nito.
Napahawak ako sa braso ni Josh.
Buti na lang mabilis magmaneho si Josh, nakarating agad kami sa hospital.
Agad ako dinala sa emergency room.
"Doc please save my Wife and my baby!"natarantang saad ni Josh.
Ang huling naalala ko ay dinala na ako sa loob.
Paggising ko may nakita akong naksubsob sa gilid ng aking hinihigaan.
Tinapik ko ang balikat nito.
"Hmmm...glad your awake now! May nararamdaman ka ba? May masakit ba sa iyo?"
Ngumiti lang ako sa kan'ya.
"Thank you Josh."
Ngumiti ito sa akin."Your baby is safe now.Kumakapit talaga siya ng mahigpit."natatawang saad nito sa akin.
Hinawakan ko ang aking tiyan.
"Mia? Nasaan si Alcantara?"seryosong saad nito.
Mapait akong ngumiti kay Josh.
"H-hiwalay na kami."sabay iwas ko ng aking mga mata.
"Alam niya bang buntis ka?"
Umiling ako.
"Hindi niya dapat malaman pa."maiksing sagot ko.
"J-Josh puwede ba ihatid mo ako sa bahay ni kuya Dos ko?"
"Sure baby.Hintayin mo ako dito, aayusin ko lang ang bills mo."ano nito.
Tumango na lang ako.Mamaya ko na babayaran si Josh.
Bago kami umuwi, tinurukan muna ako ng pampakapit.Binigyan din ako ng mga gamot para sa baby ko.
Tinawagan ko muna si manong Mando na kunin ang aking kotse sa resto bar, may hawak naman siya na extra key.
"Josh, please huwag mo sabihin ang nangyari sa akin at about sa baby ko."pakikiusap ko rito.
"I respect your decision.Take care, okay? Kung may kailangan ka nandito lang ako."seryosong saad niya.
"Thank you."mahinang saad ko.
Hinatid ako ni Josh sa mansion ni kuya Dos.
"Mia?"
Bubuksan ko sana ang pinto nang hinawakan nito ang kamay ko.
"I'm sorry about two years ago, na nilagyan ko ng drugs ang wine."
Napangiti naman ako.
"It's okay, bakit mo ginawa iyon?"natatawang saad ko.
Napatawa naman ito.
"Gusto lang kita akitin."natatawang saad nito.
Napatawa na rin ako.
"That's it.Huwag mo kalimutang tumawa.Your so beautiful."seryosong saad nito.
"T-Thank you."
"Puwede ka ba pumunta sa birthday ko?"tanong ni Josh.
"Sure."nakangiting sagot ko sa kan'ya.
"Susunduin kita okay?"
Tumango naman ako.
Nagulat ako nang dinampian niya ako ng halik sa noo.
"Be strong, para sa baby mo."mahinang saad nito.
Malungkot naman akong tumango.
Binuksan ko na ang pinto ng kotse at bumaba na.Pinaalis ko muna si Josh bago ako pumasok sa loob.
"Good evening Senyorita."bati sa akin ng guwardiya.
Nginitian ko lang ito.Dumiretso na agad ako sa aking silid.Sa bahay ni kuya Dos, meron akong sariling kuwarto at sobrang laki ito.
Pagkapasok ko sa silid doon ko binitawan ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Tiningnan ko ang cellphone ko kung may text message si Kenjie sa akin.Pero wala.
Sinubukan ko tawagan ang kan'yang numero at agad naman nito sinagot.
"Gusto ko lang sabihin na, pinapalaya na kita."mahinang saad ko sa kan'ya.Pinipigilan kong umiyak.
Wala akong narinig na sagot sa kan'ya.
"Ginawa ko na ang lahat para ayusin ang pagsasama natin, pero ikaw ang sumuko, sana maging masaya ka sa kan'ya."
Agad ko pinatay ang tawag.
Napahagulhol ako ng malakas.Tama lang na bumitaw na ako.Kay'sa pareho kaming nasasaktan at hindi masaya.
Napatingin ako sa aking cellphone.Umiilaw ito.Tumatawag si Kenjie sa akin.
Nanginginig ang mga kamay ko na sinagot ito.
"Where are you."malalim ang boses nito.
"Huwag ka mag-alala sa akin.Okay lang ako."mahinang sagot ko.
"Where are you."ulit na tanong nito.
Pinatay ko na ang tawag at tinanggal ang sim card.
Humiga ako sa aking kama.Nakatulala ako na nakatingin sa kisame.
Kailangan ko magparaya para maging masaya siya.Kailangan ko bumitaw para sa sarili ko.Nakalimutan ko na ang aking sarili dahil sa pagmamahal ko kay Kenjie.