Mamayang gabi na ang kaarawan ni Josh.Kahit masama ang pakiramdam ko kailangan makapunta sa birthday niya.Tinawagan ko ito na huwag niya lang ako sunduin, dahil pupunta rin si kuya Tiger gawa ni ate Cathalea.
Matalik na kaibigan ni ate Cathalea si kuya Tiger.Sobrang ganda ni ate Cathalea.
"Tam?"
Napatingin ako kay kuya, kasalukuyang kumakain ako ng almusal.
Ang haba na ng buhok niya, hanggang balikat na ito, pero lalo lang itong gumuwapo.
"Hi ate Cath!"nakangiting bati ko.
"Hi Tam.How are you baby?"humalik pa ito sa aking pisngi.
"Mabuti naman po."tumayo ako at sinalubong nang yakap si ate Cath, ganoon din ang ginawa ko kay kuya Tiger.
"Punta kayo sa birthday ni Josh, wala pala si Dalawa."ani ate Cath.
"Nasa Britain po.Isinama si ate Katherine at ang baby nila, para ipakilala kay Daddy."
Tumango lang si ate Cathalea.
"Uwi na ako.Mamaya sa party, magkita na lang tayo doon."ani ni ate Cathalea.
"Bye po ate, ingat ka."
Nang umalis na si ate Cathalea, seryoso naman nakatingin si kuya Tiger sa akin.
"Saan ang asawa mo Tamara?"seryosong tanong ni kuya.
"N-nasa ibang bansa po."
Nakataas naman ang kilay nito.
"Huwag ka magsinungaling, kapag nalaman ko na may ginawa itong kalokohan, magtago na siya!"
"Kuya please, ayoko po ng gulo."mahinang saad ko.
"Hindi ko talaga gusto si Alcantara! Lalo na iyong Kenzo na kakambal niya, kung hindi lang iyon asawa ni Nina!"galit na saad nito.
Mabait naman si Kenzo.Sikat na modelo ito.Si ate Nina ay asawa ni Kenzo pero parang hindi sila okay.
"Sige na magpapahinga muna ako dahil mamayang gabi pupunta tayo sa birthday ni Josh."
Tumango lang ako.
Ilang araw na wala kaming komunikasyon ni Kenjie.I try to leave without him.
Madalas na rin ako na may morning sickness.Kahapon pumunta dito si Josh at nagdala ng prutas sa akin.
Tinapos ko na ang pagkain ko at bumalik na ulit sa aking silid.Ginayak ko ang aking susuotin mamaya.Kinuha ko ang moss green na dress na may slit na mahaba sa unahan ng hita.Sleeveless style siya then kita ang buong likuran.
Nakaramdam agad ako ng antok.Sa umaga madalas ako natutulog.Pagkalapat nang aking likuran sa kama agad ako hinila ng antok.
Hindi ko na namalayan ang oras, ginising ako ng katulong para kumain ng tanghalian.
Gosh! Alas kuwatro na pala ng hapon.Si kuya Tiger, tulog pa rin ito.Kumain lang ako ng kaunti at bumalik na sa aking silid.Gumayak na ako maligo at mamayang alas siyete ang start ng party ni Josh.
After ko naligo, inayos ko na ang aking sarili.Kinuha ko ang aking gold pouch at stiletto.Sinuot ko na ang gown ko at naglagay lang ng light make up.Tinanggal ko na rin ang aking salamin.Okay lang na hindi ako magsuot na salamin, medyo malabo lang ang paningin ko sa pagbabasa.
"Tam, ready kana?nakasilip si Kuya sa Tiger sa pinto.
"Opo."nakangiting saad ko sa kan'ya.
"Wow, your so pretty Tam."
"Thank you.Ang guwapo ng kuya ko."
Napatawa naman si kuya Tiger.
Alas sais kami umalis sa mansion, halos mag alas siyete na kami nakarating sa mansion nila Josh.
Agad kami sinalubong ni ate Cathalea.
Nakita ko si Josh na malapad ang ngiti na papunta sa amin.
"Happy birthday bro."bati ni kuya.
"Thanks man!"
"Happy birthday Josh."ani ko naman.
"Thank you, your so pretty tonight."nakangiting saad nito sa akin.
"Tiger halika, kuya Josh ikaw na bahala kay baby Tam."
Hinawakan naman ako ni Josh sa siko.
"Napakaganda mo."bulong nito sa akin.
Ngumiti lang ako sa kan'ya.
Dinala ako ni Josh sa mga kaibigan nito at ipinakilala.
Pumunta muna kami sa unahan.Sobrang yaman ng mga Mondragon-Jordan, pero parang normal lang ito sa akin.Ang Daddy ko ang pinakamayaman sa buong Britain, kaming anim na magkakapatid ang tanging tagapagmana sa lahat na kayamanan niya.Halos kalahati ang mamanahin ko dahil nag-iisa akong babae.
"Arayy!"
Napatingin ako sa babaeng muntik na matumba ito.Nakasuot ito na katulad ko na kulay moss green ang dress.Nakatitig ako sa kulay berde niyang mga mata.Maybe she's a half, sobrang ganda niya.
"Be careful Tanya! Napakaclumsy mo!"saad ni Josh sa babae na Tanya ang pangalan.
Nahihiya itong ngumiti sa amin.
"Happy birthday senyorito Josh!"ani ni Tanya.
"Thanks Tanya!
Nakatingin ito sa akin at nakangiti.Ngumiti rin ako sa kan'ya.
"Well, nandito pala ang baby ko. Been looking for you everywhere Tanya!"ani nang lalaki na bigla lamang sumulpot sa likuran ni Tanya.
"Hello fafa Josh, Happy Birthday!"
Napalunok naman ako nang sumulpot si ate Jelai at kasama niya si Kenjie.Umiwas ako ng tingin nang magtama ang aming paningin.
" Hala sir? Hindi ba ikaw 'yung kasama noong isang araw ni ate Belle rito sa mansion? Nagtimpla pa nga ako ng kape para sa' yo naalala mo?"
Napatingin ako kay Kenjie.Noong isang araw na nakita ko na magkasama sila ni Belle.Noong araw na muntik na mawala ang anak ko.
"Yeah, thats right...maligayang kaarawan Mondragon!"seryosong saad ni Kenjie kay Josh.
"Well should I say thank you Alcantara?"nagsukatan ng titig ang dalawa.Hinawakan ko naman ang braso ni Josh.
"Hoy Daks! Kung manggugulo ka rito puwede ba lumayas ka na lang? Ikaw ang pumilit sa'kin kanina na samahan mo'ko ha? Nagpabeauty ako kanina huwag mong sirain! Josh..Mia pasensya na kung may naligaw na baliw na German rito sa party!"saad ni ate Jelai.Nakita ko ang awa sa mga mata ni ate Jelai na nakatingin sa akin.
"Tanya baby..tara na, tabi nalang tayo sa table!" hinila naman ng lalaki si Tanya.
Ngumiti si ate Jelai sa akin at hinila si Kenjie.Nakasunod lang ang tingin ko sa kanila.
"Let him! Huwag mo ipakita sa kan'ya na nasasaktan ka."ani ni Josh sa akin.Tumango naman ako.
Nakita ko ang paghalik ni Kenjie kay Belle.Agad ko naman ibinaling ang mga mata sa unahan.
Hinila ako ni Josh umupo sa lamesa namin.Parang bigla akong nanghina nang makita ko na harap-harapan na hinalikan ni Kenjie si Belle.Nagpasalamat ako na wala si kuya Tiger.Hindi ko na rin napansin si kuya.
Nag-umpisa na ang maiksing pagbati kay Josh.Tumayo kaming lahat, nakahawak naman si Josh sa aking bewang.Nakangiti ako sa kan'ya.
"May gusto ka bang kakainin?"malambing na tanong nito sa akin.
Umiling naman ako.
"Juice na lang."mahinang saad ko sa kan'ya.
Tumayo ito at kumuha ito ng inumin.Tumingin ako kung saan nakaupo si Kenjie.Malungkot akong nakatingin habang nakatingin si Kenjie kay Belle.
Ibinaling ko ang paningin ko kay Tanya na parang sa akin din ito nakatingin.Umiwas ito ng tingin nang magkasalubong ang paningin namin.
Pagkatapos ng kainan, dumilim ang paligid, kasabay nito ay ang pagtugtog ng romantic na musika.
"Can we dance?"bulong sa akin ni Josh.
Ngumiti naman ako.
Nauna kaming pumunta sa gitna.Parang nakayapos na ang posisyon namin.
"It's okay, alam ko nasasaktan ka.I'm here."ani sa akin ni Josh.
Napatingin ako kay Josh.Nagulat ako nang siniil niya ako ng halik.
"Mia?"
Nakatingin ako kay Josh.Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Don't cry, makakasama sa baby."
Tumango naman ako.Napalingon ulit ako kay Kenjie, malungkot itong nakatingin kay Belle na habang nagsasayaw kasama ang guwapong lalaki.
"Cheer up."nakangiting saad ni Josh sa akin.Dinampian niya ng halik ang aking labi.
"Josh, upo na tayo."mahinang saad ko.
Ibinalik ako ni Josh sa aking upuan.Nagpaalam rin ito para kamustahin ang ibang bisita.
Nakita ko si Kenjie na tumayo ito at pinuntahan si Belle.
Tumayo ako at sinundan si Kenjie.
Napatigil ako sa likod ng halaman nang nakita ko nag-uusap ang mga ito.Hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan.Maya-maya lang narinig ko na humalakhak si Belle, nakita ko rin ang saya sa mukha ng asawa ko.
Bumalik na ako sa aking upuan.
Napatingin ako sa aking tabi nang may umupo.
"Let's Divorce."
Malabo ang mga mata ko na nakatingin sa kan'ya.
Hindi na ako nagulat.Dahil inaasahan ko na ito na siya mismo ang mag-aalok ng divorce.
Masakit.Sobrang sakit, na hindi mabubuo ang pamilya na pinangarap ko.Mararanasan din ng anak ko ang naranasan ko na lumaki na hindi kasama ang ama.
Tumayo ako at humarap sa kan'ya.
"I-ipadala mo na lang s-sa bahay ni kuya Dos."
"Mia, I'm sorry."
"No.Huwag ka h-humingi ng tawad.Noon pa lang alam ko na hindi mo ako minahal.G-good bye, sana maging masaya ka ng tuluyan."tumalikod na ako at lumabas na sa gate.
Nakatayo ako sa harap ng gate habang umiiyak.
"Don't sacrifice your time for a man who wouldn't do the same for you."
Napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko habang naninigarilyo ito.
Si ate Samara Bright, ang kapatid ni kuya Rhenz.
Dali-dali ko naman pinunasan ang mga luha ko.
"A-ate, nandito din po pala kayo."mahinang saad ko.
"Yeah, Cath invite me, pero putang-ina ang boring!"
Si ate Samara ay FBI agent ito at sabi ni kuya Dos katulad din ito ni ate Zia at ate Cath na Assassin'.
"Putang-ina huwag mo iyakan si Alcantara, sa ganda mong iyan."
Umiwas naman ako ng tingin.
"You know what Tam, huwag kase lagi pairalin ang kahinaan, minsan matuto kang lumaban."
"S-salamat po."
"Oh putang-ina ayan na naman, kaya inaapi ang mga katulad ninyong mga mahihina, come on, hindi na uso ang martyr.Isa kang Geller, lahat ng mga kuya mo ay miyembro ng Black Mafia.Kung tutuusin sila ang unang bumuo sa grupo kaso si kuya Rhenz ang nagpatuloy."nakangising saad niya.
Ngumiti lang ako sa kan'ya.
"Bumalik ka sa loob, lumandi ka! Maraming boys doon.Halika samahan kita."nakangising saad ni ate Samara.
Napangibit naman ako.
Hawak-hawak niya ang kamay ko habang papasok sa loob.
"Kita mo iyang si Tristan, kapangalan ni kuya mo.Lapitan mo at akitin, artista yata iyan.Sige na!"
"Ayoko po."
Tawa naman ng tawa si ate Samara.
Ang kulit ni ate Samara, kaya magkasundo sila ni ate Zia dahil sa ugali nila.
Nagpaalam ako na iihi muna.Mamaya ko na pupuntahan si Josh.
Napahawak ako bigla sa aking tiyan nang nakaramdam ako ng pagkirot.
Dahan-dahan ang ginawa kong paglalakad.Parang kumirot ito lalo.
"Ahh..!"
Napaungol ako sa sakit.
"Mia?"napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko.Si Kenjie.Nagtataka itong nakatingin sa akin.
"Are you okay?"
Tinabig ko ang kaniyang kamay.Paika-ika akong bumalik sa lamesa ko.Umupo muna ako habang hinahaplos ang aking tiyan.
Nasa harapan ko pa rin si Kenjie.
"s**t! Tell me! Anong nangyayari sa iyo!"galit na tanong nito.
"Mia?"dali-dali namang lumapit si Josh at kuya Tiger sa akin.
"f**k! You're bleeding!"natatarantang saad ni Josh at agad niya akong binuhat.
"Josh, natatakot ako."mahinang saad ko sa kan'ya.
"Shhh..malakas kumapit ang baby mo."ani nito sa akin.
"Ako na magdrive."diin na sabi ni kuya Tiger.
Ipinikit ko ang aking mga mata.Naramdaman ko ang malakas na pagdaloy ng dugo sa aking hita.
Gusto ko pumalahaw ng iyak.Kahit sobrang kirot na ang tiyan ko, tiniis ko hanggang hospital.
Dinala ako sa emergency room.Nakita ko pa si Kenjie, si Ate Cath at ate Samara na kakapasok lang sa loob ng hospital.
"Mrs.I'm sorry.Nawala na ang isang kambal, pero ang isa malakas pa ang kapit niya."saad niya sa akin ng Doctor.
Hindi ko napigilang umiyak.Yes, kambal ang magiging anak ko, pero bumigay ang isa.
Hinawakan ko ang kamay ni Doktora.
"Sabihin niyo po na nakunan ako, huwag niyo po sabihin na may natira pang isa."mahinang saad ko.
Tumango naman si Doktora
Pagkatapos akong linisan at pinainum ng gamot, dinala na ako sa private room.
"Doc, kamusta ang baby?" agad na tanong ni Josh.
"I'm sorry, mahina talaga ang kapit ng baby." aniya ni Doktora.
Nagulat kami na sinuntok ni Kuya Tiger si Kenjie.
"You mother fucker! Babawiin ko na ang kapatid ko!"
Nakatulala lang si Kenjie.
Lumapit sa akin si Josh.
"I'm sorry, hindi natin na save si baby." malungkot na saad ni Josh.
Umiwas lang ako ng tingin.
Narinig kong may kausap si Kuya Tiger sa cellphone niya.
"Putang-ina niyo, umuwi kayo lahat dito sa Pilipinas!" Sigaw ni Kuya Tiger.
Alam kong sila Kuya ang kausap niya.
"M-Mia?" tawag sa akin ni Kenjie.
Blangko lang ang mukha ko na nakatingin sa kan'ya.
"Ano pa ang ginawa mo dito Alcantara? Umalis ka na!" Sigaw ni Kuya.
"Huwag mo paalisin Tigre, gusto ko pa makita kung paano susuntukin ng bastardo brothers si Crimson." Nakangising saad ni ate Samara.
Napapailing naman si ate Cath.
Lumapit ito sa akin.
Malungkot akong nakatingin sa kan'ya.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Cry as hard as you want, but make sure when you stop crying, you never cry for the same reason again." diin na sabi niya.
Doon na ako napahagulhol. Sobrang sakit na nawalan ng isang anak.
Panay naman ang hagod ni ate Cath sa likod ko.
Tumingin ako kay Kenjie.
Nagsusumamo ang kan'yang mga mata.
"Kuya?" mahinang tawag ko kay kuya Tiger.
"Yes baby."
"Gusto ko na po umuwi kay Daddy."
"M-Mia!" agad lumapit si Kenjie sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"B-baby, I'm sorry, h-huwag mo akong iwan!"
Hinila naman ni Kuya Tiger si Kenjie.
"Too late Alcantara, sa ayaw at gusto ni Mia, kami pa rin ang masusunod. Uuwi siya sa Britain at huwag kang maglakas loob na pumunta sa teritoryo namin." Diin na saad ni kuya Tiger.
Gusto ko muna ingatan ang natitirang anak ko. Ayoko na mawala pa ito sa akin.
Alam ko naman na awa lang ang nararamdaman ni Kenjie sa akin. Mas mabuting tama na siguro ang paghihirap namin sa isa't isa.