Ilang araw din na hindi ko muna tinawagan si Mia dahil sa pangyayaring pagsampal niya kay Belle.Muntik ko rin siyang pagbuhatan ng kamay.
Alam kong nasa bahay siya ng kan'yang kuya Dos ito tumuloy.Tumawag ito sa akin at sinabi na pinaparaya na niya ako.
Nalilito ako sa aking nararamdaman.Mahal ko si Belle, pero ang isip ko na kay Mia.Hindi mawala sa isipan ko na maghihiwalay na kami.
"f**k!"
Gusto ng isip ko na maghiwalay na kami pero ayaw ng puso ko.Parang pakiramdam ko, hindi ko kaya.
Ang limang kapatid na lalaki ni Tamara Mia ay mga kaibigan at kasamahan ko sa Black Mafia.Ang Geller Brothers ang bumuo sa organization.Kahit hindi na kami aktibo sa underground, miyembro pa rin kami ng organisasyon.Si Rhenz Bright ngayon ang may hawak sa grupo.
Nandito ako ngayon sa restaurant ni Jelai.Kapag may problema ako, si Jelai ang nilalapitan ko.
"Punyeta ka talagang German ka, ang ganda-ganda ng mood ng restaurant ko, hinahawaan mo na naman ng kamalasan."
Tiningnan ko naman ng masama ang bungangerang si Jelai.
"Bumalik na si Belle, pero ang hirap na maging akin siya."mahinang saad ko.
Bigla naman niya akong sinapok sa ulo.
Fuck!
"Ang gago mo Daks, may asawa ka na, tapos sasabihin mo na kukunin mo si Belle! Maawa ka naman kay Mia! Buwesit ka, puputulin ko iyang German sausage mo!"
Kinuha ko ang isang boteng alak at diretsong tinungga.
"Kung puwede ko lang turuan ang puso ko na mahalin si Mia, ginawa ko na sana.Pero hindi eh, si Belle talaga ang mahal ko."
"Alam mo Daks, sa huli ang pagsisisi.Kapag ang asawa mo ang sumuko at umayaw, doon mo ma realize ang halaga niya.Kaya kung ako sa iyo, focus ka na lang sa asawa mo, dahil si Belle, mahal niya si Gab."
Napatingin ako kay Jelai.Minsan ko lang ito makausap ng matino.
"Kaloka ka talagang German ka! Magpapaganda pa ako, dahil pupunta ako sa kaarawan ni fafa Josh!"sabay irap niya sa akin.
"Sama ako."ani ko sa kan'ya.
"Baka manggulo ka lang doon! Nandoon si Gab, at syempre lalandiin mo si Belle!"
Napatawa naman ako.
"Magpapakabait ako."nakangising saad ko sa kan'ya.
Nagpaalam na ako kay Jelai at umuwi sa condo ko.
Pagdating sa aking condo gumayak na agad ako maligo.
Nagmessage si Jelai sa akin na daanan ko ito sa condo niya.Pagkatapos ko nagbihis, umalis na ako at pumunta na sa condominium ni Jelaine.
"Grabe ang daming bisita nila."bulong niya sa akin.
Hindi na ako umimik.
"Puntahan ko muna si Fafa Josh."hinila niya ang kamay ko palapit kay Josh na may kaakbay na babae.Nakatalikod ang babae, kita ang sobrang puting balat nito sa likuran.Napakaganda nang hubog ng katawan.
"Hello fafa Josh, Happy Birthday!"sigaw ni Jelai at talagang dumali pa ito ng halik.
Napatingin ako sa babae na hawak-hawak ni Josh.Umigting ang aking panga, ang babaeng hawak-hawak ni Johnson ay asawa ko .
" Hala sir? Hindi ba ikaw 'yung kasama noong isang araw ni ate Belle rito sa mansion? Nagtimpla pa nga ako ng kape para sa' yo, naalala mo?"
Napatingin ako kay Tanya.Buti natandaan pa ako ni Tanya.
"Yeah, thats right...maligayang kaarawan Mondragon."seryosong saad ko.
"Well should I say thank you Alcantara?"nagsukatan kami ng titig
"Hoy Daks! Kung manggugulo ka rito puwede ba lumayas ka na lang? Ikaw ang pumilit sa'kin kanina na samahan mo'ko ha? Nagpabeauty ako kanina huwag mong sirain! Josh..Mia pasensya na kung may naligaw na baliw na German rito sa party!"kinurot pa ako ni Jelai sa tagiliran.
Halos hindi ko na enjoy ang party.Si Belle naman busy ito kay Chase, na panay ang tingin.
Nakita ko si Mia at Josh sa gitna na nagsasayaw.Napahigpit ang hawak ko sa wine glass nang hinalikan ni Josh ang aking asawa sa labi.
Putang-ina talaga!
Nakita ko si Belle na pumunta sa garden, sinundan ko ito at nag-usap lang kami saglit.
Habang masaya kaming nag-uusap napansin ko si Mia na nakaupo ito mag-isa.
Nagpaalam muna ako kay Belle at nilapitan si Mia.
"Let's Divorce."ani ko sa kan'ya.
Pati ako nabigla sa sinabi ko.
Fuck! Gusto ko bawiin ulit ang sinabi ko kay Mia.
Naramdaman ko pagkirot sa aking dibdib.Nakikita ko ang lungkot sa berdeng mga mata ng asawa ko.
Tumayo ito at humarap sa akin.
"I-ipadala mo na lang s-sa bahay ni kuya Dos."mahinang saad niya.Gusto ko sabihin sa kan'ya na nabigla lang ako.
"Mia I'm sorry."
"No.Huwag ka h-humingi ng tawad.Noon pa lang alam ko na hindi mo ako minahal.G-good bye, sana maging masaya ka ng tuluyan."tumalikod na ito at lumabas.
Susundan ko sana ito pero binigyan ako nang nagbabantang tingin ni Samara.Nandito din pala si Samara Bright, ang kapatid ni Rhenz.
Tumayo ako at pumunta sa isang sulok.
Nalilito ako.Hindi ko talaga sinasadya na sabihin kay Mia na magdivorce kami.
Napansin ko si Mia na naglalakad ito pero hawak-hawak ang tiyan, parang nasasaktan ito.
Agad naman akong lumapit sa kan'ya.
"Ahh..!"
Narinig ko ang pag-ungol nito na parang namimilipit sa sakit.
"Mia? Are you okay?"
Hahawakan ko sana siya sa braso pero tinabig niya ang kamay ko.Paika-ika itong bumalik sa lamesa at umupo habang hinahaplos ang kan'yang tiyan.
Nasa harapan niya ako nakatayo.Sobrang nag-aalala ako.
"s**t! Tell me! Anong nangyayari sa iyo!"galit na tanong ko sa kan'ya.
"Mia?"dali-dali namang lumapit si Josh at Tiger.
"f**k! You're bleeding!"natatarantang saad ni Josh at agad niya binuhat si Mia.
Galit na nakatingin si Tiger sa akin.
Nanlalaki ang mga mata ko.Hindi ko napansin na dinudugo siya.
Halos mabaliw ako nang nalaman ko na buntis ito at na miscarriage.
Parang biglang gumuho ang lahat sa akin, nang makita ko ang galit sa berde niyang mga mata.Nakikta ko ang pagkamuhi sa mga mata ng aking asawa.
Halos patayin ako sa bugbog ni Dos nang umuwi ito ng Pilipinas.Ganoon din ginawa sa akin ni Tobby.
Ilang araw na hindi ako makalapit kay Mia.Bantay sarado ito ng magkakapatid.Lalo akong nagalit nang nakita ko si Josh na pabalik-balik ito sa hospital.Halata naman may gusto si Johnson sa asawa ko.
Pumunta ako sa restaurant ni Jelai, dahil kailangan ko nang makakausap.Tamang-tama naabutan ko rin si Belle.
"Susmaryosep! Daks anong nangyari sa peslak mo! Jusmiyo, ang German sausage mo buhay pa ba? Kaya pa ba magflag ceremony iyan?"
Napairap naman ako kay Jelai, mas nag-alala pa ito sa aking sandata kay'sa sa akin.
"What happened?"seryosong saad ni Belle na kasalukuyang ginagamot ang aking mukha.
Buong katawan ko puro pasa at sugat.Ano pa kaya kung limang Geller ang bumugbog sa akin.Si Tiger, si Dos at Tobby pa lang ang gumawa nito.Hindi pa nakauwi si Terrence at Timothy.
Napabuntong hininga ako.
"Na miscarriage si Mia."mahinang saad ko.
Nagulat naman si Belle at Jelai.
"Wala na ang anak namin, ako ang pumatay sa anak ko."mahinang saad ko.Hindi ko napigilang tumulo ang aking mga luha.
"Kainis kang German ka, iyan ang sinasabi ko sa iyo! Kawawa naman si Mia."ani ni Jelai.
"Nasaan ang asawa mo?"tanong ni Belle.
"S-sa hospital pa."
"Hala, baka ilayo nila si Mia, naku Daks, parang gan'yan ang nangyayari sa pinapanood kung teleser-"
Hindi ko na pinatapos magsalita si Jelai, agad ako tumayo at dali-daling lumabas ng restaurant.Agad akong sumakay sa kotse ko at pumunta sa hospital.Pero wala na akong naabutan, nailabas na si Mia kahapon pa.
Dumiretso ako sa mansion ni Dos.
"Nandiyan ba si Mia?"tanong ko sa guwardiya.
"Ay wala na Sir, kahapon pa po umalis si Senyorita Tamara, umuwi daw sa Britain."
"W-what!"
Nanigas ang katawan ko.
Iniwan na ako ng asawa ko?
Shit!..
Bakit ang sakit, puta!
"Mia!"nagsisigaw ako sa labas ng mansion ni Dos.
Baka tinago lang siya ni Dos!
"Sir wala na po talaga si Senyorita."mahinahong saad ng guwardiya.
Nanghihinang bumalik ako sa aking sasakyan.
Pagkapasok sa kotse ko, agad ko pinagsusuntok ang manibela.
Hindi ako makapunta sa Britain.Halos hawak ni Tamil Michael Geller ang buong Britain.Hindi itong ordinaryong negosyante lang ang Daddy ng mga magkakapatid na Geller, dahil isa rin itong founder sa Mafia World.
Alam kong gagawin ng mga Geller ang lahat na hindi ako makalapit sa kapatid nila.
Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang pinagkakatiwalaan ko sa pag-aayos ng aking papeles papuntang abroad.
"Boss Crimson, banned ka sa Britain at blocked listed ka."ani ni Jethro.
Fuck! f**k!
Sabi ko na ba!
Putang-ina ng mga magkakapatid na Geller!
Napasubsob ako sa manibela.
It's too late.Wala na siya! Iniwan niya na ako!