PROLOGUE

814 Words
"Para akong isang asong gala, Na nakawala At nawala Maihahalintulad ko ang sarili ko sa isang asong gustong bumalik sa kanyang amo, Ngunit sa pagbalik nito ay maaring nakahanap na ito ng bago, O baka naman nakalimutan na sya nito, Pero ang isang bagay na pinakamamahal mo ay nawala, Hindi mo ito makakalimutan, Dahil sa sakit ng alaalang kanyang iniwan Sa iyong puso at isipan Ang isang bagay na aking itinigil, hindi ko alam kung ito ay aking itutuloy, O ito pa ba ay matutuloy, Ang isang bagay na naudlot dahil sa maling akala, Ako ngayon ay nababahala, Dahil dun ikaw sa akin ay nawala, Habang lumabas sa aking bibig ang mga salita, Hindi ko namamalayang nakagawa na pala ako ng tula" Habang sinasabi ko ang mga salita, ay may takip na maskara sa aking ilong at mata. Na tila ba tinatakpan ko ang aking mukha, tinatakpan ko ang aking pagkatao. Habang ako ay nakatayo sa entablado, nakaharap sa maraming tao. Habang nakikinig ang maraming tao, isang tao lang ang gusto kong makarinig nito. Habang maraming nakatingin na tao, isang tao lamang ang tinitingnan ko. Habang nakatingin ako sa kanya, nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Nakikita ko na nakatingin sya sa akin dahil hindi nya ako nakikilala, dahil alam ko na pag nagpakilala ako ay hindi nya ako gugustuhing makita, Pero pano ko sya haharapin? kung ang mukhang ito ay nakatago sa maskarang may mapait na damdamin Habang nakatingin sa kanya ay inalis ko ang aking maskara, kaagad ko ng inisip na ganun ang magiging reaksyon nya, pagkaalis ko nito ay kaagad nga itong umalis na may galit at lungkot sa kanyang mga mukha, kaagad akong bumaba sa aking kinakatayuan at hinabol ko sya. Na tila ba para akong tumatakbo, ng walang makukuhang titolo, walang makukuhang pagkapanalo, ngunit lumalaban ako kahit sa umpisa alam ko na ako ay talo. Pagkalapit ko sa kanya ay hinawakan ko ang kanyang pulsuhan, ng hinawakan ko ito ay kaagad nya akong tiningnan ng may kalungkutan, kaagad nitong inalis ang aking mga kamay. "Ang kamay na dati niyang pinanghahawakan, ngunit ang kamay na ito ang bumitaw sa kanyang dating kinakapitan" Tumingin ako sa kanya at sinabing "Mahal, patawarin mo ako" ang mga salitang sinabi ko sa muli naming pakikita, hindi ko alam kung bakit, pero kusang pumapatak ang mga luha sa mga mata ko "Patawarin! Naririnig mo ba ang sinasabi mo" galit na galit na sigaw ng taong hindi ko dapat sinaktan "Oo, naririnig ko ang sarili ko, at alam ko na nagkamali ako, nagkamali ako na hindi nagawang ipaglaban ka, na hindi ko nagawa na pagkatiwalaan ka, na hindi ko nagawang paniwalaan ka, na hindi ko nagawang alamin ang katotohanan bago kita hinusgahan at iniwanan" Habang sinabi ko ang mga salita na dapat na matagal ko ng sinabi, nakikita ko sa kanyang mga mata ang lungkot na iniwan ko sa kanya "Sana naisip mo ang salitang patawad nung panahong humihihingi ako sayo ng tawad, kahit na alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang kasalanan" ang mga luha at galit na bumabalot sa kanyang mukha, alam ko na sa akin nagmula kung bakit nahihirapan at nasasaktan ang taong noon ay ayaw kong bitawan "Patawarin mo ako, nabalot ako noon ng galit at lungkot dahil ang akala kong taong mamahalin ako ng lubusan, ay siya palang makakasakit sa akin ng lubusan, pero mali ako ng akala, ikaw pala ang aking nasaktan ng hindi ko namamalayan" ang mga luha at pagsisisi sa aking sarili ay tila ba emosyon na dapat ko ng isarili, dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit parehas kaming nasasaktan "Ang relasyong ito ay matagal ng natapos, matagal mo nang tinapos, ngayon nandito ka para ito ay maayos, anong akala mo na para lang itong galos, na kahit anong oras ay ito ay gagaling, upang makabalik ka sa dati mong kapiling, sana inisip mo rin na yung sugat na iyong iniwan, ay nagiwan ng marka ng ako'y iyong iniwan, nung ako'y iyong sinaktan, sana inisip mo na ang iyong markang iniwan, ay tila ba hindi maalis sa aking katawan, at isipan, ang sakit na aking pinagdaanan, Nung nawala ka sa aking tabi kinaumagahan" habang binibigkas nya ang malulungkot na wika sa kanyang bibig, ang mga matatalim na salita na tila ba tumutusok sa aking puso, ang wika na naghuhukay at bumabaon sa aking isipan, ang mga salitang kasing ganda ng kayang mga labi, ngunit kasing sakit ng kanyang mga pighati dahil sa damdaming kanyang pinaparamdam ay hindi nya namalayan, na nakagawa sya ng tulang walang sukat ngunit may tugma, ang mga salitang iyon na dapat hindi ko narinig sa kanya kung sana noon ay pinakinggan ko siya. "Kung sana maibabalik ko lang ang nakaraan, Ngunit wala na akong magagawa kundi baguhin na lamang ang kinabukasan, Alalahanin na lamang ang mga nagdaan, At gunitain kung paano namin sinumulan, Ang aming matatamis na pinagsamahan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD