ISA

826 Words
"Ha!" Pagpantig na aking paghinga. Nagulat ako at umupo na lamang. Nagising akong bigla mula sa napaka-himbing na pagtulog. Nagising ako na may luha na lamang, na pumapatak mula sa mga mata ko. Ang mga luha ay kusang tumutulo patungo sa pisnge ko. Pumapatak ito sa aking mga hita ng hindi ko namamalayan. Para akong nasa isang balon na walang tubig at walang kasamang iba, bukod sa sarili ko. Ang buwan lamang ang nagsisilbing liwanang ko. Ang buwan lamang at ako ang nakakaalam ng nararamdaman kong kalungkutan. Ang buwan na kasama sama ko sa gabing mapanglaw. Na maski ang buwan hindi ako kilala. Ngunit wala akong magawa kung hindi ipaalam ang itinatago kong nararamdaman. Malayo man ang buwan, inaasam ko na kaniyang malaman ang nais kong ipahiwatig sa kaniya. Sa panahon man na magkalapit kami at magkaroon ng tyansiya na makausap ko siya. Na sa panahong iyon ay ako lamang ang umaasa. "Ang buwan na hindi ko kilala. Ang buwan na hindi ako kilala. O baka naman maski ang sarili ko ay hindi ko pa lubusang nakikilala." "Bakit ako umiiyak?" Ang malalim na katanungan para sa aking sarili. "Naguguluhan ako. Nalilito. Pero anong magagawa ko, kung ang nararamdaman ko ay hindi totoo." "Alam ko na malungkot ang aking napaginipan." Ani ko sa aking sarilu "Nais kong makita kung sino talaga siya. Kung ano ba talaga siya? Pero baka imahinasiyon ko lamang siya?" "Pero lungkot at pasakit na lamang ang aking naaalala" "Maski ang pangyayari at mga katauhan sa sarili nitong istorya, ay hindi na kabilang sa aking memorya" Kaagad ko ng pinahid at inalis ang mga luhang nagmula sa aking mga mata. Pero kahit ano ang gawin ko, kusang naiipon ang mga tubig sa mga mata ko. Ang mga mata na tila nagsisilbing gripo. Patuloy na lumalabas tubig mula dito. Habang pinapahid ang mga luha mula sa aking mga paningin. Biglang may humawak sa aking balikat........ Ang lungkot na aking nadadama, ay napalitan ng takot at kaba. Dahan-dahan akong lumingon ako upang tingnan kung sino ang humawak sa aking balikat...... Sa paglingon ko ay nakita ko ang isang babaeng mahaba ang buhok....... Ang mga buhok na iyon ay nagsilbing pantakip nito sa kaniyang mukha. "Aaaaaah!!?!?" Napasigaw ako sa takot at kaagad naman na natigil ito. Nalaman ko na nakababatang kapatid ko lamang ito. Buti na lamang at masyadong magimig ang tulog ng aking mga magulang, at kung hindi, mapapagalitan ako. Habang patuloy na nakakapit ang mga kamay nito sa aking balikat, ay inalis ko ito "bakit ka naman nangugulat? Mamamatay ako ng wala sa oras dahil sayo eh" wika ko kay Arwen "Bakit ka ba kasi gising Ate nang kalagitnaan nang gabi?" Takang pagtatanong ni Arwen sa akin. Hinawi ko ang nakasabukot niyang buhok at isiningit ito sa magkabila niyang tainga "Nagising lang ako. Eh ikaw?" Sambit ko "Naiihi ako eh" maikling sagot ni Arwen "Umihi ka na nga!" Pasigaw na utos ko rito "Ate wag ka ngang sumigaw baka magising sina Mama" pabulong na pagsasabi ni Arwen. "Oo na, umihi ka na" bigkas ko Naglakad na nga palayo si Arwen sa akin. Hinawi ito ang kurtinang nagsisilbing pintuan sa aming kwarto, at lumabas na nga siya, bitbit ang gaserang sinindihan niya. Patuloy akong nanatili na nakaupo na naghihintay sa pagbalik niya. "Para namang ang tagal nun?" Pag-aalala ko. Pero sa hindi katagalang oras ay nakabalik na ito. Pero sa pagbalik nito may dala-dala ito. Ang isang basong may laman ng tubig. "Iinom ka na nga lang dito pa. Bakit hindi ka pa doon uminom sa kusina?" Ani ko kay Arwen. "Ate sino ba nagsabing ako ang iinom?" "Dinalhan ka na nga ng tubig, nagrereklamo ka pa" dagdag na wika nito sa akin. Lumapit si Arwen sa akin at inabot sa akin ang dala niyang tubig. Pagkatapos kong inumin ang tubig "Paumanhin" kaagad akong humingi ng tawad sa kaniya. "Ate umiiyak ka ba?" Tinanong ako nito. Sa hindi inaasahan ay napansin nya ang medyo namamaga kong mata, buhat ng walang paghintong pagiyak kanina. Hindi ni Arwen napansin ang mga mata ko kanina dahil sa madilim na kapaligiran. Pero ngayon ay may hawak itong gaserang nagsisilbing liwanag namin. Hinipan ko ang apoy mula sa gasera "Ako iiyak? Nasisiraan ka na ba? Sino naman ang iiyakan ko?" Sambit ko kay Arwen. "Sabagay. Pero malay mo naiyak ka sa takot" pabalang na pagbibiro nito. Binatukan ko ito "Nasisiraan ka na talaga noh, bakit nga ba hindi ka pa kinain ng aswang?" Pabalik na pagbibiro ko. "Matulog na nga tayo" dagdag na wika ko sa kaniya. Humiga na ako. Pero si Arwen ay hindi pa bumalik sa kanyang higaan. Muli itong lumabas upang ilabas ang basong pinaginuman ko. Habang nakahiga at nakapikit. Naramdaman ko na tumabi na muli ito sa akin, at sa hindi katagalang panahon. Narinig ko na ito na naghihilik. Si Arwen ay kaagad na nakabalik sa kaniyang pagtulog, sapagkat ako ay patuloy na gising ang diwa. Ipinikit ko na ng matiwasay ang aking mga mata. Nagbabakasakali na baka malaman ko manlang kung saan tungkol ang lungkot na aking nadadama. Kung sino ang nakapaloob sa imahinasyong hindi ko na naaalala. Ngunit, imbis na sagot ang aking makamtan. Ang nakita ko ay kadiliman. Mahimbing na tulog ang aking nakamtan. * ありがち (ARIGATO) -RIESE__C
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD