Chapter 11 Diane’s Pov NIYAYA ako ng kaibigan kong si Jamaica na gumala sa park pagkatapos ng klase namin. Nag chat naman ako kay ate Cataleen at sinabi ko sa kanya na niyaya ako ng kaibigan ko. Kinabahan pa ako nong una at baka hindi pumayag si ate Cat. Siyempre, nakakahiya naman kung gumala pa ako kahit alam kong kailangan ko pang magluto ng hapunan. Pero naawa kasi ako sa kaibigan ko kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at naglakas loob na lang ako na mag text. Mabuti na lamang at pumayag si ate Cataleen. Ang sabi ko ay 7PM ako uuwi pero itong si Jamaica ay nagpaalam agad sa akin na uuwi na daw siya. Bigla ba naman may tumawag sa kanya at pinapauwi din siya agad. Kaya ang ending ay naiwan akong mag-isa sa park. Hindi na muna ako umuwi agad dahi nakapag paalam na nga ako kay

