bc

Claw's Distraction (SPG)

book_age18+
385
FOLLOW
1.9K
READ
HE
age gap
fated
opposites attract
badboy
mafia
gangster
sweet
bxg
no-couple
lighthearted
genius
campus
office/work place
professor
like
intro-logo
Blurb

​“Hindi kita magugustuhan! Bukod sa gurang ka na, ang sama pa ng ugali mo! Kinamumuhian talaga kita, Claw Samaniego!”​Iyan ang mga katagang laging ibinabato ni Diane Velasquez tuwing magtatagpo ang landas nila ni Claw, ang lalaking walang ibang ginawa kundi sirain ang araw niya. Isa siyang working student sa mag-asawang Valconeri, payapa sana ang buhay ni Diane kung hindi lang dahil sa presensya ng antipatikong tauhan ng kanyang amo.​Araw-araw ay para silang aso’t pusa, bangayan dito, batuhan ng gamit doon. Para kay Diane, ang labing-apat na taong agwat nila ay sapat na dahilan para ituring itong "gurang" at hindi kailanman papasa sa kanyang panlasa.​Ngunit paano kung ang dating asaran ay biglang mapalitan ng kakaibang tingin? Ang dating nambubuwisit, bigla nalang naging sweet sa kanya. ​Sa t’wing lumalapit si Claw, hindi na asar ang nararamdaman ni Diane kundi ang mabilis na kabog ng dibdib na hindi niya maipaliwanag. ​Hanggang kailan mananatiling "kaaway" ang turing niya kay Claw, kung ang puso at isipan niya mismo ay nagsisimula nang magtaksil dahil pangalan na ni Claw ang sinasambit.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue INIS NA INIS ako habang nakatitig sa lalaking sumulpot dito sa park at ginugulo ang buhay ko. Kasama ko pa naman ang crush kong Professor dahil nagkataong nagkita kami rito. Hindi ko inaasahan ang pagkakataong ito kaya kanina pa ako tuwang-tuwa at panay ang pa-cute sa kanya. Pero biglang sumulpot ang animal na lalaking kinaiinisan ko. Masyado talaga siyang kulang sa pansin. Nakakabwisit na talaga siya. Balak pa yata niyang sirain ang moment ko ngayong gabi. Biglang lumapit sa akin si Claw at walang pasabing inakbayan ako sa balikat. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Hindi ko akalain na aakbayan niya ako gayong kung makapang-asar siya ay wagas, na tila diring-diri pa sa presensya ko. Halos mapatalon ako sa gulat, pero mas nangingibabaw ang hiya dahil sa harap pa mismo ni Sir niya ito ginawa. Gusto ko siyang sikuhin upang alisin niya ang braso niya na nasa balikat ko. KSP talaga ang animal na gurang na ‘to. “Sino siya, baby girl?” Biglang tanong ni Claw kaya nanlaki ang mata ko at agad siyang nilingon nang may halong pandidiri. “A-Anong baby girl ang pinagsasabi mo?!” Madiin kong bulong sa kanya, sapat lang para kami lang ang makarinig. Isang nakakalokong ngiti lang ang isinagot sa akin ni Claw. Halos maduling na ako sa pagtitig nang masama para lang iparamdam na hindi ako natutuwa sa sinasabi niya. Paano kung maisip ni Prof na boyfriend ko ang lalaking nakaakbay sa akin? Paano nalang ang pantasya ko na mapansin ni Prof. Panira talaga ng moment si Claw. Ngumiti si sir Greg kay Claw. “Ako nga pala ang Professor ni Diane. I’m Gr—” “Nevermind. Hindi ko kailangan malaman ang pangalan mo,” saad ni Claw kaya mas lalong nanlaki ang mata ko. Binastos ba naman niya ang Prof kong pogi. Piste talaga siya! “Anyway, mauna na kami ng baby girl ko.” Sabi pa ni Claw at agad akong hinila kahit ayaw kong umalis sa harapan ni Prof. Wala naman akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya dahil mas malakas siya kaysa sa akin. Napalingon nalang akong muli kay Prof at kumaway na lang sa kanya. Hindi man lang kami nagbigyan ng moment ngayong gabi. Sayang talaga. Naging bato pa talaga. Nang makalayo layo na kami ni Claw ay walang sabi-sabi ko siyang siniko sa tagiliran. Agad siyang napahinto sa paglalakad at inalis ang braso niyang nasa balikat ko. ​Lumayo ako sa kanya nang kaunti at mabilis na sinipa ang kaliwa niyang binti sa sobrang inis. “Bwisit ka talagang gurang ka! Bakit ba napaka-epal mo?!” Nanlilisik ang mga mata ko habang kaharap siya. ​“Hoy! Huwag mo nga akong tawaging gurang! Thirty-three years old pa lang ako! Maka-gurang ka naman!” depensa niya habang nakapameywang sa harapan ko. ​Simula talaga nang magkakilala kaming dalawa ay wala na siyang ginawa kundi painitin ang ulo ko. Ngayon naman ay ginugulo na naman niya ang gabi ko na dapat sana ay nag eenjoy ako dahil nandito ang crush kong Prof. ​“Dapat nakauwi ka na sa bahay nina Boss, ah? Bakit nandito ka pa sa park, ha?!” tanong niya na akala mo ay siya ang boss ko. ​“Bakit ko naman sasagutin ’yang tanong mo? Bakit... amo ba kita? Ikaw na ba ang nagpapasahod sa akin?!” ganti ko sabay pandilat sa kanya. ​“Aba’t loko kang bata ka, ah! Palasagot ka talaga!” aniya sa tonong naiinis. ​Pinagkrus ko naman ang dalawa kong braso sa harap ng dibdib ko. “Eh ’di inamin mo rin na gurang ka!” bulalas ko. ​Hindi siya sumagot, pero isang nakamamatay na tingin ang ipinukol niya sa akin. “Isusumbong talaga kita kay Boss Remus. Dapat ay nagluluto ka na ng hapunan sa bahay nila ngayon, pero nandito ka sa plaza at nagpapa-cute sa mukhang engot na lalaking ’yun!” Wika niya dahilan para pumitik ang ugat ko sa noo. “Ano nga ulit ang tinawag mo sa Prof ko?” Madiin kong tanong sa animal. “Engot. Mukha naman talaga siyang engot sa checkered niyang suot. Hindi ko alam na ganun pala mga type mo. Nakakatawa naman.” Sabi pa niya na halatang nang aasar. Nakangisi pa talaga siya habang sinasabi niya yun. Hindi ko mapapalampas ang tinawag niya sa Prof ko. Ayos lang kung ukrayin niya ang buhok ko pero wag na wag lang niyang tatawaging engot ang crush ko. Dahan-dahan akong lumapit kay Claw. Nakangisi pa rin siya sa sinabi niya. Akala yata niya ay natutuwa ako sa sinabi niya sa Prof ko. Walang sabi-sabi kong hinawakan ang itlog niya at malakas na pinisil ito. “Fvck!” Bulalas ni Claw at napahawak sa braso ko dahil sa ginawa kong paghawak sa itlog niyang bugok. “Tangina..” sabi pa niya ngunit pinandilatan ko lang siya ng mata ko. “Babasagin ko talaga ‘tong itlog mong bugok, Claw. Bawiin mo ang sinabi mong engot ang Prof ko!” Matalim kong sabi at mas lalong pinisil ang itlog niya. Mahinang dumaing si Claw at tumingin pa sa paligid. “Baliw kang babae ka! Dito talaga sa plaza? Maraming tao na dumadaan.” Sabi pa niya kaya napalingon ako sa paligid at nakita ang mga taong nakatingin sa amin ni Claw. Mabilis pa sa alas-kwatro kong binitawan ang itlog ni Claw. Agad akong nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa ko, pero dala lang ng bugso ng damdamin kaya ko nagawa ’yun. “Piste ka talaga, Claw! Sa susunod na tatawagin mong engot ang Prof ko ay gagawin kong stress ball yang itlog mo!” Pagbabanta ko kay Claw saka ako naglakad at binangga siya. Hindi ko na nilingon pang muli si Claw. Diretso lang ang lakad ko dahil nakaramdam ako ng hiya sa mga taong nakakita sa akin na hinawakan ang itlog niya. Nakakahiya ang ginawa ko. Hindi ko din alam kung ano bang pumasok sa isipan ko kung bakit ko nagawa yun. Kadiri talaga! Mukhang kailangan kong maghugas nang maigi pagdating ko sa bahay nina Boss. Lalagyan ko talaga ng alcohol ang kamay ko at baka tubuan pa ng butlig-butlig sa sobrang dumi ng Claw na ‘yun. Kadiri pa naman ang binatang ‘yun.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.2K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.0K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.3K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook