Chapter 1

1395 Words
Chapter 1 Diane’s Pov NAGISING ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Nag alarm kasi ako kagabi para hindi ako malate ng gising. Nasa ibang bahay na kasi ako at hindi na katabi ang mama ko para gisingin ako kapag tanghali na. Kinuha kasi akong katulong ng mag-asawang Valconeri para makapasok ang tiyahin ko sa private resort kung saan nagtatrabaho ang mama ko. Mabuti nalang at mabait si ate Cataleen at nagbigay agad siya ng tulong. Ngayon, hindi na namin po-problemahin si tita. May mapapasukan na siyang work at hindi na mabubugbog ng lasinggero niyang asawa. Kailangan kong gumising ng maaga para magluto ng almusal nila ate Cataleen at ng asawa niya na si sir Remus. Natatakot pa naman ako kay sir dahil laging seryoso ang mukha niya. Mabuti nga at natagalan siya ng asawa niyang ubod ng ganda. Siguro ay ganun lang talaga ang ekspresyon ng mukha ni sir Remus. Ayaw kong magkamali at pinangako ko kay mama na hindi ako tatamad tamad dito sa bahay ng mag-asawa lalo na’t sila na ang magpapa-aral sa akin. Para sa amin ni mama ay malaking bagay na pag-aaralin ako. Hindi na po-problemahin ng nanay ko ang tuition ko pati na rin baon. May sahod naman ako dito kaya ako na ang bahala sa sarili ko. Maganda ang nangyayari sa buhay ko, pero may isang tao lang ang nakabara sa paghinga ko rito sa bahay ng mag-asawang Valconeri. At yun ay ang lalaking ubod ng yabang at para bang hindi naliligo. Sayang, gwapo pa naman siya pero mukhang dirty. Pero yung gwapo ng mukha niya ay hindi papasa sa taste ko. Hindi kasi ako mahilig sa mga ganung mukha, mukhang aso na gwapo. Palagi nalang niyang pinapainit ang ulo ko nong nando’n sila sa resort ni sir Levon. Nakakairita siya. Pati ang kulot kong buhok ay pinapansin ng animal. Sana nga ay hindi ko na siya makita pa dito sa bahay. Pero mukhang malabo yun dahil tauhan yata siya ni sir Remus. Bumangon na ako at agad na tinungo ang banyo para maghilamos. Ang nagustuhan ko sa kwarto ko ay may sarili itong banyo. Doon kasi sa kwarto namin ni mama sa private resort ay nasa labas ng kwarto namin ang banyo. Kaya kapag naiihi kami sa gabi ay kailangan pa naming lumabas. Naghilamos kaagad ako at nag toothbrush na rin. Nang matapos akong maghilamos ay agad akong lumabas ng banyo para magpalit ng damit. Mamaya pa naman ang pasok ko kaya mamaya na lang ako maliligo. Tatlong araw na din kasi akong nandito sa bahay nila ate Cataleen. Alam ko naman na ang gagawin ko kapag papasok ako ng klase. Wala kasing sasakyan na dumadaan dito kaya tinutulungan ako ni ate Cataleen. Mamaya ay mag bo-book na lang ako ng sasakyan ko para makarating ako sa school. Sa ngayon ay maghahanda na muna ako ng almusal nilang mag-asawa para paggising nila ay kakain na lang. Lumabas agad ako ng kwarto ko at tinungo ang kusina. Ang tahimik ng bahay kaya sigurado akong tulog pa ang mag-asawa. Naglakad na lamang ako papunta sa kusina. Nakita ko pa ang aso na may pangalang Cookie. Ngumiti pa ako sa aso para hindi niya ako habulin. Natakot pa naman ako nong una kong nakita ang aso pero hindi ko lang pinahalata at naging kalmado nalang ako. Nang makarating ako sa kusina ay lumapit agad ako sa ref. Kagabi pa ako nag-iisip ng lulutuin ko ngayong umaga. Ang plano ko ay mag prito ng talong, ham at itlog ang lulutuin ko. Uunahin ko na muna ang talong dahil hihiwain ko muna ito. Kinuha ko ang talong mula sa ref. Nang mailabas ko ay agad kong dinala sa sink para hugasan na muna. Nang mahugasan ko ang talong ay kinuha ko na muna ang tadtaran at kutsilyo saka ako pumunta sa mesa para doon ako maghiwa. Ngunit nagulat ako nang makita ko ang lalaking kinaiinisan ko. Pumasok siya sa kusina at nalukot pa ang mukha nang makita niya ako. Halatang hindi niya gustong makita ang pagmumukha ko. Hindi ko nalang siya pinansin at hinila ko na lamang ang upuan para makapag hiwa na ako. Dala-dala ko pa ang talong. Nang makaupo ako ay sinipat sipat ko pa ang talong na hawak ko dahil ang haba nito at mataba. “Ang aga-aga, kapangitan agad ang nakikita ko. Sakit talaga sa mata!” Dinig kong sabi ni Claw. Talagang sinisimulan na naman ako ng animal. Lumingon pa siya sa akin. Pinapatamaan na naman niya ako kahit hindi ko naman siya inaano. Itinaas ko ang talong na hawak ko at sinipat sipat ulit. “Buti pa ang talong na hawak ko, malaki at mataba. Hindi katulad sa isa dyan na kasing liit ng daliri ng bata.” Pagpaparinig ko sa kanya. “Anong sinabi mo? Nagpaparinig ka ba, ha?” Sabi ni Claw na halatang tinamaan sa sinabi ko. Siguro maliit talaga ang sandata niya. Dapat pututoy ang tawag ko dahil maliit. “Bakit, papalag ka? Nagparinig ka nga rin sa akin pero hindi naman ako nagalit, ah? Tapos ngayon na gumanti ako, magagalit ka? Gurang na nga, may maliit na pututoy pa!” Bulyaw ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin. Akala yata niya natatakot ako sa kanya. “Anong pututoy ha? Akala mo talaga may maliit akong kaibigan sa ibaba?” Aniya habang nakataas ang isa niyang kilay. Hindi naman ako sumagot at hinanda ang kutsilyo saka ko hiniwa ang talong. Iniisip ko na ito ang talong ni Claw. Gigil na gigil ba naman akong hiwain. “Siguro sinasadya mo akong asarin na maliit ang kargada para mapikon ako at ipakita ko sa’yo ang tinatago ko,” sabi niya sabay tawa nang mahina. “I get it. Kaya siguro panay ang pang-aasar mo. Sabi ko na nga ba, eh... may pagnanasa ka sa akin kaya kunwari nang-aasar ka. Iba rin ang technique mong bata ka, ah?” dagdag pa niya. Bumuntong-hininga ako bago ibinalik ang tingin kay Claw na napaka-feelingero. “Unang-una, bakit ko naman gugustuhing makita ’yang pututoy mo? Baka mabulag lang ako kapag nakita ko ’yang kulubot mong itlog! ’Wag ka ngang feelingero, hindi bagay sa’yo. Nagmumukha ka lang timang.” Singhal ko sa kanya. Pinandilatan na naman niya ako ng mata niya. Sa inis ko ay malakas kong hiniwa ang talong na hawak ko habang hindi inaalis ang tingin kay Claw. Napaigtad pa siya ng tumama ang kutsilyo kong hawak. “Hindi ganyan ang paghiwa ng talong. Hindi ka naman yata marunong magluto eh. Dapat talaga hindi ka kinuha ni Mrs. Valconeri.” Aniya kaya sinamaan ko siya ng masamang tingin. “Marunong ako magluto. At isa pa, wala ka ng pakialam kung kinuha man ako ni ate Cataleen bilang katulong dito sa bahay nila. Kaya pwede ba, tigilan mo na ang panggugulo sa akin.” Walang emosyon kong sabi saka ako naghiwa muli ng talong. “Malas talaga. Tangina!” Dinig kong sabi ni Claw saka ko narinig ang yapak niya na naglakad palabas ng kusina. Nakahinga ako ng maluwag dahil lumabas na siya. Matatahimik na ang kaluluwa ko. Ito yata ang magiging routine ko araw-araw, ang makipaglaban sa kampon ni Satanas. Natapos na akong maghiwa ng talong at hindi na bumalik pa si Claw sa kusina. Mabuti nalang talaga at baka siya pa ang matadtad ko kapag bumalik siya rito. Nagsimula na akong magluto at baka bumaba na sila ate Cataleen at Sir Remus. Kailangan ay tapos na akong magluto at nakahanda na ang mesa. Mukhang dito din yata kakain ang alagad ni Satanas na si Claw. Ang sarap lagyan ng bitsin ang pagkain niya kung sakali para bumula na ang bibig ng animal. Badtrip na naman tuloy ako pero sigurado akong mawawala din ang inis ko kapag nando’n na ako sa school. Syempre, makikita ko ang crush kong Professor. Siya lang naman kasi ang dahilan kaya ako nagsisipag mag-aral. Pinapansin kasi niya ako lalo na kapag nagtuturo siya. Kapag siya na ang nag ka-klase ay nakikinig talaga ako para kapag tinawag niya ako ay may isasagot ako at hindi ako mapapahiya. Siya talaga ang inspirasyon ko kaya ganado akong mag-aral. Kaya kailangan kong agahan pumunta sa school para makita ko na si sir Greg at mawala na ang negative energy ko kapag nakikita ko ang pagmumukha ni Claw. A/N: Pa add po sa library ninyo ang story para mag notif po bawat update. Salamat po..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD