Chapter 2
Diane’s Pov
GANADO akong nakikinig kay sir Greg habang nag di-discuss siya sa harapan. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi ko inaalis ang tingin ko upang mabusog ang mata ko.
Siya kasi ang happy pill ko. Masaya ako dito sa school pero mamaya sa pag uwi ko sa bahay ay ipagdarasal ko na naman na hindi makita ang alagad ni Satanas.
Naramdaman kong siniko ako ng classmate kong babae. Kaibigan ko siya at siya lang ang nakakaalam na crush ko si sir Greg. Siya si Jamaica, siya ang nag-iisa kong kaibigan sa school na sobrang close sa akin. Para na nga kaming magkapatid eh. Kilala din siya ni mama.
“Kilig na kilig ka na naman dyan, te!” Bulong na sabi ng kaibigan ko.
Napangiti ako at agad na lumingon sa kanya. “Sino ba namang hindi kikiligin, kung nakikita ko si sir Greg. Alam mo namang crush na crush ko siya.” Sabi ko sa kaibigan ko.
“Oo na, crush na crush mo na. Tutulo na nga ang laway mo eh,” sabi niya sa akin sabay siko.
Napanguso naman ako at ibinalik na lamang ang tingin sa Professor namin na nagdidiscuss pa rin sa harapan. Ngayon pa lang ay kumpleto na ang araw ko. Makita ko lang ang mukha ni Sir ay masaya na ako.
Dumating ang pinakamalungkot sa buhay ko, ang matapos ang klase namin kay sir Greg.
“That’s all for today. Goodbye, class. See you next meeting.” Pagpapaalam ni Sir Greg na may ngiti sa labi.
“Goodbye, sir!” Sabay-sabay din naming sabi. Masaya ang mga classmate ko na tapos na ang klase, pero ako hindi. Hindi ko na kasi makikita si sir Greg.
Naunang lumabas si sir kaya halos magmadali na akong magligpit ng gamit ko dahil kailangan kong sundan siya. Gusto ko munang matitigan si sir kahit nasa likod lang niya ako. Tumayo agad ako at tumakbo palabas ng classroom. Hindi ko na hinintay pa si Jamaica dahil alam ko naman na masusundan niya pa rin ako. Ito kasi ang daily routine ko sa t’wing lalabas si sir Greg. Alam na alam ng kaibigan ko ang ginagawa ko.
Naglakad ako at nakita si sir Greg na naglalakad papunta sa hallway. Sinundan ko agad siya. Kahit makita ko lang siya na papasok siya sa sunod niyang klase. Ako kasi ay uuwi na sa bahay. Tapos na ang klase ko ngayong araw kaya uuwi na ako. Kaya ko gustong makita muna siya saka ako uuwi. Para may energy ako kapag nakita ko na naman ang kampon ni Satanas.
Habang naglalakad ako ay bigla kong naramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko. Nasa loob ito ng bag kaya ramdam na ramdam ko. Napahinto ako sa paglalakad at baka si ate Cataleen ang tumawag o di kaya ay si mama. Sila lang kasi ang may phone number sa akin. Ang kaibigan ko ay meron din naman pero hindi yun tatawag sa akin lalo na’t alam niyang sinusundan ko si sir Greg.
Binuksan ko na muna ang bag ko at agad na kinuha ang cellphone kong may tumatawag. Agad na kumunot ang noo ko ng makita kong unknown number ang tumatawag.
Sinagot ko pa rin ang tawag at baka importante. Dinala ko sa kaliwa kong tenga ang phone habang tinatanaw ko si Sir Greg. “Hello!” Bungad ko agad.
“Hoy! Nasa’n ka na?” Biglang tanong ng nasa kabilang linya. Agad kong inilayo ang phone sa tenga ko at tinignan ko pa ito. Pamilyar sa akin ang boses.
Ibinalik ko muli ang cellphone sa tenga ko. “Bakit ayaw mong magsalita?” Tanong niya sa akin.
Kumunot naman ang noo ko. “Paano mo naman nakuha ang phone number ko, ha?” Tanong ko sa animal.
“Sa basurahan ko nakuha. Pwede bang paki bilisan mo na dyan! Kanina pa ako sa labas ng school mo.” Sabi niya sa akin. Biglang namatay ang tawag kaya hindi ko na natanong pa kung bakit nasa labas siya ng school. Bwisit talaga ang animal na yun.
Nagmadali nalang akong maglakad para makalabas ako ng school. Dapat ay sinusundan ko si sir Greg pero dahil kay Claw ay hindi ko na nagawa pa dahil nasa labas siya.
Nakarating agad ako sa gate. Hiningal pa ako dahil sa pagmamadali kong maglakad. Nakita ko ang pamilyar na kotse na naka parada sa likod ng bahay ni sir Remus. Malamang ay ito ang ginamit ni Claw.
Naglakad na lamang ako at tumawid sa kabilang kalsada para makarating ako sa kotse na dala ni Claw. Tinungo ko agad ang passenger seat at agad na binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang lalaking gwapo pero halatang hindi naliligo.
“Bakit ka naman nandito? Ano na naman bang trip mo sa buhay?” Tanong ko sa kanya sa masungit na boses.
“Wag kang feeling dyan! Hindi kita sinundo dahil gusto ko. Sinundo kita dahil utos ni Cataleen. Binigay din niya sa akin ang phone number mo,” Pagpapaliwanag niya habang hindi nakatingin sa akin.
Hindi naman ako nakasagot at walang nagawa kundi ang sumakay na lamang. Sinabi ba naman ang pangalan ni ate Cataleen. Talagang sasakay ako at baka gumawa pa ng kwento ang pangit na ‘to at isumbong ako kay sir Remus.
Umayos ako ng upo at isinara ang pinto. Ikinabit ko nalang muna ang seatbelt. Wala kasi akong tiwala sa pagmumukha ng lalaking ‘to.
Binuhay niya ang makina ng kotse at agad na pinausad. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Hindi ko inaasahan na ipapasundo ako ni ate Cat sa unggoy na ‘to. Alam naman kasi ni ate Cat na hindi kami magkasundo ni Claw. Pakiramdam ko nga ay siya ang magiging dahilan kung bakit ako malalagutan ng hininga. Napakayabang ba naman kasi akala mo napaka perfect niya.
Tumingin ako sa harapan saka ko sinulyapan si Claw na tahimik na nagmamaneho. Himala yata ngayon. Hindi niya ako inaaway masyado. Siguro ay pinagsabihan siya ni ate Cataleen.
Napansin kong nakasuot siya ng leather jacket kaya nalukot ang mukha ko. “Ikaw ba si Tanggol?” Tanong ko sa kanya.
Agad naman siyang lumingon sa akin, nakakunot ang noo. “Tanggol? Sino naman ‘yun?” Tanong niya, halatang hindi nanonood ng mga palabas sa TV.
“Yung bida sa drama. Laging nanonood ang nanay ko no’n, eh. Idol mo siguro ‘yun ‘no? Mukha kang timang d’yan sa leather jacket mo. Kahit mainit ang panahon, naka-jacket ka pa rin,” wika ko na may kasamang pang-aasar.
“Huwag mo akong simulan, bata ka ha!” Asik niya.
Napanguso naman ako. “Wala namang masama sa sinabi ko ahh.. mukha ka naman talagang timang d’yan sa suot mo. Alangan namang magsinungaling ako.”
“Porma ko ‘to, kaya wala kang pakialam sa susuotin ko. Palibhasa kasi, poor kang babae ka. Hindi mo afford ang mga mamahaling ganitong jacket.” Sabi niya na para bang minamata ako.
“Oh ‘di ikaw na ang mayaman, ako na ang poor. Hindi mo naman madadala sa kabilang buhay ‘yang leather jacket mo eh. Wag kang masyadong mayabang!” Sabi ko sabay irap sa kanya.
“Tsk.” Mukha talaga siyang tanga. Mayaman daw pero mukha naman siyang hindi naliligo. Nai-imagine ko na nga ang itlog niya eh, malamang maalat. Kadiri talaga!
Napansin kong lumiko ang kotse kahit hindi naman talaga kami liliko. Diretso dapat kami kaya bigla akong kinabahan. Baka i-salvage pa ako ng unggoy na ‘to.
“Hoy! Bakit ka lumiko?” Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na tanungin siya.
“Kakain muna ako,” sagot niya sa bored na boses.
“Ah..” tanging sagot ko nalang. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko ‘yun. At least, hindi niya tatapusin ang buhay ko. Sakto, nagugutom na rin ako. May silbi din pala si Claw.
Ilang sandali pa ay huminto ang sasakyan. Nakapili na si Claw kung saan kami kakain. Agad niyang i-pinark ang sasakyan saka siya bumaba ng kotse.
Bumaba na rin ako. Excited na akong kumain eh. Parang fast food din ‘tong napili ni Claw. Okay na sa akin ang burger.
Nauna pang pumasok si Claw kaya sumunod ako sa kanya. Nang makapasok ako ay lumingon pa siya sa akin. Hindi ko siya inirapan dahil ililibre niya ako ng pagkain. Hindi ko na muna siya aawayin.
Nakahanap ako ng bakanteng table kaya lumapit ako saka ako umupo. Tumingin ako kay Claw na nasa counter at umoorder ng pagkain namin.
Natapos na siyang mag order kaya naglakad siya papunta sa akin. Hindi ko siya nginitian, hindi ko din siya sinimangutan.
Hinila niya ang upuan na katapat ko saka siya umupo. Nag iwas nalang ako ng tingin. Ayaw kong maka-eye to eye ang tulad niyang nilalang.
Lumipas lang ang 20 minutes ay may lumapit na waiter at inilapag ang dala niyang tray. Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ng waiter dahil nakatuon ang atensyon ko sa pagkain.
Palipat lipat ang tingin ko kay Claw at sa pagkain na nasa mesa. Agad na kinuha ni Claw ang burger at inamoy amoy pa niya ito bago kumagat.
“T-Teka.. wala ba sa akin?” Tanong ko, hindi ako makapaniwala na wala akong burger. Ang inorder niya ay coke, burger at fries. Pero para sa kanya lang.
Tinaasan naman niya ako ng isa niyang kilay. “Bakit, sinabi ko bang kasali ka? Akala mo talaga ay ililibre kita?” aniya sa sarkatikong boses.
Nalukot ang mukha ko. “Bwisit ka talaga! So, anong ginagawa ko rito? Audience mo habang kumakain? Wow ha!” sarkastiko kong sabi. Halatang-halata ang inis ko sa boses ko. Sino ba namang hindi maiinis kung sarili lang niya ang binilhan niya. Akala ko pa naman bibilhan din niya ako.
“Hindi naman kita girlfriend para ilibre ka ng pagkain. Kung gusto mong kumain, bumili ka ng sa’yo.” Sabi niya saka muling kumagat nang malaki sa hawak niyang burger.
Isinandal ko na lamang ang likod ko sa upuan at pinagkrus ang mga braso sa dibdib ko. “Hindi mo naman talaga ako girlfriend, dahil hinding-hindi kasi kita papatulan! Isip bata! Ang laki-laki nga ng katawan mo, pero kung mag-isip ka parang elementary!” Nakasimangot kong sabi.
Hindi naman siya sumagot at kumagat muli sa burger. “Hmm.. ang sarap ng burger nila.” Sabi pa nya kaya napalunok na lamang ako ng laway habang pinapanood siyang kumakain.
Ang sama talaga ng ugali niya. Naiiyak ako kasi feeling ko kawawa ako. Sino ba namang hindi magiging kawawa eh kumakain siya, samantalang ako ay nakatitig lang sa kanya. Hindi man lang siya naawa sa akin.
Kahit kailan talaga hinding-hindi ko magugustuhan ang animal na lalaking ‘to. Nakakapang-init siya ng ulo. Siguro, gumaganti siya dahil inukray ko ang leather jacket niya. Nagsasabi lang naman sana ako ng totoo. Mukha naman talaga siyang timang. Bwisit siya! Nagugutom pa naman ako. Ayaw ko din naman bumili ng pagkain dahil nanghihinayang ako lalo na’t ilang oras na lang ay maghahapunan na.
Sana lang ay makayanan ko na hindi tumulo ang laway ko habang kumakain si Claw machine. Mabilaukan sana siya para hindi na makahinga. Ililibing ko talaga siya agad kapag nangyari yun.