Chapter 17 Diane’s Pov NANDITO kami ngayon ni Claw sa isang palengke. Sabi niya ay unahin na muna daw namin ang pagbili ng mga karne. Bibili daw siya ng paglalagyan at lalagyan daw niya ng yelo. Hinayaan ko na lang siya at hindi na ako kumontra pa dahil siya ang driver ko. Mahirap ng mangialam, baka sabihin bida-bida ako. Hindi ko siya kinakausap simula pa ng makaalis kami sa bahay nila ate Cataleen. Nainis kasi ako dahil pinaghintay pa niya ako ng 20 minutes. Akala ko ay kakain pa siya pero nagulat ako nang makita ko siyang bagong ligo, iba na rin ang suot niyang damit at hindi na naka leather jacket. Ewan ko kung anong nakain niya, kung bakit niya naisipan maligo. Nakita yata niyang bagong ligo ako. Marunong din pala siyang mahiya. “Pogi.. bili ka na sa akin.” tawag ng tindera

