Offer
"Ano makakapagbayad ka ba ngayong buwan? Kung hindi ay sabihin mo lang! Ang dami diyan na gustong umupa dito na kayang mag-bayad sa tamang oras!" bulyaw nang aming landlady.
Isang apartment na may ibat ibang pinto ang aming tinitirhan ni Molly. Magkasama sila ng kaniyang boyfriend samantalang ako may magisa lamang.
Ngayon ay bayaran na ng bahay pero dahil nagbayad ako ng bills ay wala na akong extrang natira. Namomroblema tuloy ako kung paano mababayaran ang tatlong libong upa rito.
"Bukas po pangako magbabayad na ako." malumanay kong sabi.
"Siguraduhin mo lang! Kung hindi ay ako mismo magbabalot ng gamit mo!" sabay labas at dabog ng aking pinto.
Napaupo ako sa kama at hinilamos ang aking kamay sa aking mukha.
Mukhang kailangan kong galingan pa lalo sa performance ko mamayang gabi para malaki laki ang tip na makuha ko.
It's 9pm already and our show starts at 10pm onwards. Kaya naman ay nag gayak na ako at tumungo na sa club.
Sa labas ay maingay na at labas pasok na ang mga babae.
Ang mga bouncers at security guards ay nakatayo na sa hamba incase may mang gulo.
Escort man, servers or dancers ay nakabihis na ng kanikanilang costume. Revealing kung revealing.
Sanay na kami sa mga pagtingin ng mga lalake na nagtatagal at tila halos hubaran na kami.
Ang iba naman ay nagpapalipas lamang ng oras kaya naninigarilyo muna sa labas gaya
nang mga kasamahan na namataan ko na agad ko naman nilapitan.
"Sino ng nakasalang?" tanong ko kay Lexi.
Binuga niya muna ang usok palabas sakaniyang bibig bago ako sinagot.
"Si Audrea na. Aga mo ah! Pang huli ka pa naman 'diba? Mamaya ay dadating nanaman yung mga mayayaman na nag aabang sayo! Yosi?" alok nito agad naman akong umiling bilang pagtanggi.
"Mamaya na. Pasok muna ako. Baka tumulong muna ako sa pagserve." sambit ko.
"Wow! Nagpapayaman!" asar nito sabay ngisi. Ngumiti lamang ako at pumasok na sa loob.
Hinanap ko agad si Mamang Ruby para magpaalam kung pwedeng tumulong muna ako sa mga babaeng servers para madagdagan ang kita ko ngayong gabi.
Namataan ko naman siya sa isang VIP room na may kasamang grupo ng matatandang intsik. Nakahawak na ang isa sa kaniyang hita at ang kaniyang dibdib ay nakadikit sa braso nito. Napailing na lamang ako.
Sumilip muna ako mula sa salamin at ng magawi ang tingin niya sakin ay agad naman itong tumayo at lumapit tila alam na may kailangan ako sakaniya.
"Wow! Ang aga naman ng star of the night ko!" pambobola niya sakin.
"Mang, baka pwede muna ako mag server ngayon bago mag pole. I need extra cash." paalam ko.
Lumawak ang ngiti nito.
"Bakit server? Bakit hindi ka nalang magescort! Mas malaki ang kita nun! Kaunting himas lang ay may pera ka na!" mapang uto nitong sabi.
Umiling lamang ako.
"No thanks mang, server will do." desidido kong sabi.
"Oh siya! Hindi talaga kita makuha! Nasa likod ang damit! Kuhanin mo yung pula na makintab at mababa ang dibdib para pag yumuko ka ay masisilip nila ang hitik na hitik mong hinaharap!" hagikgik nito.
Sinunod ko naman ang gusto niya.
Kinuha ko nga ang damit na kaniyang nilarawan.
Indeed!
This dress really revealed almost half of my boobs!
Nag make up muna ako at naglipstick na kulay pula.
Lumabas na ako at nagtungo sa bar counter para tumanggap ng mga iseserve na drinks sa costumer.
"Oh! Eva! Server ka ngayon?" tanong ng bartender namin na si Bert.
"Ngayong gabi lang, magpopole padin naman ako mamaya. Bigyan mo ako ha! Kailangan ko ng madaming tip!" biro ko.
Nag abot na siya sakin ng mga hard Liquors at mula sa order slips ay nalalaman ko naman saan ito ihahatid.
Nilagay ko ang aking maalong buhok sa likod upang mas maexposed ang aking suot. Lumapit na ako sa grupo ng mga naka suit and tie na tila kagagaling lamang sa opisina.
"Hi! Here's your Bacardi Breezer Cranberry." I smiled sweetly to their group.
"Hey! Pamilyar ka! 'Diba pole dancer ka dito?" masayang tanong nung isang lalakeng bigotilyo.
"Yup! Nood kayo mamaya ha!" malambing kong sabi.
"Oo naman! Gustong gusto konga yung mga giling moves mo eh kahit pag nasa pole kana!" gigil nitong sabi.
"Tara! Dito ka muna samin!" kindat ng isang kasama nito. I just smiled at them.
"Naku! Sorry I am not an escort eh. Madami diyan oh, pwede ko kayong hanapan."
"Parehas lang iyun! Ikaw ang gusto namin eh!" tinalikuran ko na lamang sila.
Hay! Mga lalake talaga!
Nagpatuloy na lamang ako sa pagseserve. Mga isang oras din siguro ang tinagal ko. Nang malapit na ang oras ko na magperform ay agad ko muna binilang ang mga nakuha kong tip.
Naka 1500 din halos ako sa isang oras lang na pag liyad at pagyuko!
Galing mo talaga Eva!
Ngumisi ako at agad nang nagbihis.
Dalawang libo ang bayad sakin kada performance, ibig sabihin makakapaguwi ako ng siguradong 3500 ngayong gabi bukod pa dun ang tips pagkatapos kong magpole.
Nagsuot na agad ako ng aking costume ngayong gabi. Isang gold na bikini lamang at stilettos ang susuotin ko.
"Eva. Ready ka na? Play kona ang intro song ha!" sambit ng aming DJ.
Tumango lamang ako.
Let's do this!
Pagkaplay ng kanta ay agad namang nagbukas ang pulang kurtina.
Dahan dahan at pakendeng kendeng akong lumapit sa aking pole.
Naghuhumiyaw ang mga tao lalo na ang grupong nilapitan ko kanina.
Hinawakan ko ang aking pole at naglakad paikot dito.
"Whoooooo!!! Wanna slap your ass!!"
"Tangina sakin ka nalang! Kahit magkano pa!"
"Damn that boobs! I could rest my face there forever!" ilan lang yan sa mga sigaw na nadinig ko.
Sinadya ko talagang ito lang ang suotin.
The more they fine me attractive and seductive mas madami ang mag tatapon ng pera sakin!
Nag uumpisa pa lamang ako ay may iilan nang naghahagis ng pera sa stage na aking kinatatayuan.
I can see 500 and 1000 bills already!
Matapos kong umikot ay agad naman akong gumiling giling sa paligid nito.
Ang aking kamay ay dahan dahan kong hinahaplos mula sa aking leeg pababa sa aking tiyan hanggang sa aking hita. Hinawakan kong muli ang aking pole at sabay sa beat ng kanta ay nag twerk ako ng mabilis na mas ikinaingay ng crowd.
Mabilis akong sumampa sa pole at ginawa ang aking routine.
For my last act, I danced more sensual and seductive.
Agad namang pumalakpak ang mga nagsisiyahang mga guests.
Namataan ko din si Mamang Ruby na nakahalo sa grupo ng kalalakihan na pormal na pormal.
Some are wearing suit and ties while the others our wearing tux.
I can say that these group are really rich. Itsura palang nila sa pananamit at kumikinang nilang relo.
May nakatayo namang lalake sa tabi ni Mamang Ruby, Tingin ko ay bata pa ito like Late 20's?
Ano kayang pinag uusapan nila?
Matapos nang aking sayaw ay kinuha kona ang aking roba at tinali sa aking katawan.
Ibinilin ko nalang ang mga pera sa stage na mamaya kona kukunin.
Kumaway sakin si Mamang sumisenyas na lumapit ako, sinunod ko naman siya.
"She's here! Our Queen of poles! Eva, ito nga pala si Mr. Ezra Abellana. He works for Realm Malls Incorporations. Yung sikat na mall!" bidang bida ni Mamang.
"Hi! I'm Ezra" pakilala nito sabay lahad ng kamay.
"Hello. I'm Eva." pagtanggap ko.
Napatingin ako sa grupo na kaniyang kasama na nakapo sa couch, ang iba ay abala sa panonood sa mga dancers sa stage.
Nahagip ng aking mata ang isang lalakeng mariin at malalim ang pagtitig sakin.
Nanlamig ako sakaniyang tingin. May hawak itong baso na may lamang alak. Nakaputing longsleeves ito na nakatupi hanggang siko at bukas na ang unang butones ng kaniyang damit.
Naka dekwatro itong nakatitig sakin at pinaiikot ikot ang laman ng kaniyang alak. Nagiwas na lamang ako sakaniya dahil naiilang ako.
"Ang galing ng ginawa mo kanina. Actually madalas kami dito. Sinama ko lang ang boss ko. First time niya and it seems like he wants to meet you too. Sir.." tawag nito sakaniyang boss.
Nanlaki ang aking mata at nangatog ng bahagya dahil sa pagtayo at paglapit nung lalakeng nakikipagtitigan sakin kanina!
Ngayon ay mas malinaw ang aking pagtingin sakaniya.
He is very masculine.
Bakat ang biceps nito sa sout niya. Ang kaniyang adams apple ay mas nakakapagdepina ng kaniyang pagka-lalake. Pinakalma ko ang aking sarili.
C'mon Eva! Sa araw araw mong trabaho ay puro lalake ang nakakasalamuha mo ngayon kapa talaga nagkaganyan?
"Miss Eva. Meet our president Franco Nicodemo Montecillo."
Naglahad naman ito ng kamay at mataman ang tingin sakin. Tinanggap ko ito.
"Eva.." malambing ang tawag ni Mamang Ruby.
"May offer sina Mr. Montecillo satin! They'll be giving us 10,000 for tonight basta tatabi ka sakanila." patuloy nito.
"Oh! I'm sorry! I am not an escort here, we have other girls available for you. I could refer one if you want." suwestyon ko.
Bakas ang dismaya sa mukha ni Mamang Ruby at sa tingin ko'y sikretaryang si Ezra.
Si Franco naman ay nananatiling nakatayo.
"I'll double it. Make it 20,000." mariing sabi ni Franco.
Nagulat ako! Pero hindi natinag.
"Wow! I can't believe you can pay me that much pero kasi hindi niyo rin naman ako mauuwi for s*x dahil yun ang nasa contract ko." taas noo kong sabi.
Hinawakan ni Mamang Ruby ang aking braso bilang pag awat.
"But I want you. Kahit walang s*x. I can even pay you half a million in cold cash right now if you want."
mababaw at punong puno ng awtoridad ang kaniyang pagkakasabi.
Laglag ang aking panga pati ni Mamang Ruby! I can even buy my own house for that amount!
Tila nagbabago na ang aking isip! Ngayon pa ba na kailangan ko ng pera!
Kahit mangha, I still managed to cross my arms and raised my eyebrows.
"And why would you do that?" I asked.
"That's why I want you to seat beside me. I have an offer." sambit nito.