Be my wife
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sakaniya. Someone would pay me half a milion just to be with him? Huh! He's probably insane!
"Ah eh. Mr. Ezra at Mr. Franco! Excuse lang ha. Kausapin ko lang itong si Eva.." nahihiyang sabi ni Mamang sabay hatak sakin sa may gilid.
"Ano ka ba? Nasisiraan ka na ba ng bait? Yung mga parokyano mo na nag aalok sayo ng palima limang libo para mauwi ka kahit isang gabi ay ayos lang sakin na tanggihan mo! Pero ito? Eva! Sampung libo! Bente! At kahit kalahating milyon pa! Maglalabas siya para lang sumama ka! Baka nakakalimutan mo na kailangan mo ng pera! Hindi mababayaran ng pride mo ang renta mo sa bahay!" pangungumbinsi niya.
May point naman si Mamang. Sa totoo lang ay bahagya akong natauhan sa sinabi niya. Kung totoo man na bibigyan niya ako ng ganung halaga, hindi na ako mahihirapan pang magbayad ng aking upa sa bahay. Makakapagpadala pa ako kay Tiya Beth.
"Ano? Kahit tumabi ka lang!" pangungulit ni Mamang Ruby. Kaya siya ganyan dahil malaki ang mapupursyento niya dito malamang.
Tumango na lamang ako.
"Yes!" masayang sabi nito.
Wala namang masama diba? Tatabi lang naman ako at kung hahawak siya ay bahala siya.
Ang 20,000 para sa isang gabi ay hindi na masama. Kahit siguro hindi ako mag sayaw ng ilang gabi ay ayos lang. Pero syempre hindi ko iyon gagawin.
Lumapit na kami sa table nila, ang ngiti ni Ezra ay nangingibabaw. Tila alam niya na nakumbisi na ako.
"Pasensiya na! Eto payag na si Eva! Basta tabi lang ha! Hindi ko pa talaga kasi siya pinapasama kung talagang ayaw niya!" paliwanang ni Mamang.
"Sure! No problem! Eva? You may now sit beside Mr. Franco." sambit ni Ezra. Taas noo akong lumapit at tumabi kay Franco.
Ang mga kasamahan naman nila ay may kaniya kaniya ng mundo dahil may mga babaeng nadin itong katabi. Nag iwan ako ng kaunting agwat sa pagitan namin. Hindi talaga ako sanay ng ganito.
"Closer, Eva." ngising tapik nito sa agwat na nilagay ko.
Gusto ba talaga niya ay magkadikit pa kami? Tss!
Fine! Sige! Pagbibigyan kita! Tutal ay bibigyan mo naman ako ng malaking halaga!
Nakadikit na halos ang katawan ko sakaniya ng tabihan ko siya.
Naramdaman ko agad ang paglapat ng kaniyang maiinit at malalaking palad sa aking likod at gumapang patungo sa aking baywang. Napatuwid ako ng upo dahil sa pagkagulat.
"Don't worry. Gusto ko lang masulit ang pera ko." nakangisi niyang sabi sabay simsim sa alak na hawak niya sa kabilang kamay. Ngayon naman ay hinarap ko na siya.
"So for the half billion that your saying? What's the catch? I'm sure there is." mataray kong tanong.
Tumawa pa ito ng bahagya.
"Tama nga sila. Matalino kang babae. Ofcourse my Eva. Pero hindi natin dito iyan paguusapan." ani nito.
"Oh! Sorry Mr. Montecillo. Pero as I've said hindi ho ako pwede itake home!" mariin kong sabi.
"Hindi naman kita iuuwi." walang kaabog abog niyang sabi.
"Dahil ikaw.. Ikaw mismo ang magsusuko ng sarili mo sakin.. Remember that.. Eva.." dinikit niya ang kaniyang bibig sa aking tenga at dun siya nagsalita.
Kinilabutan ang aking leeg. Tumayo na ito at akmang aalis na.
"I want you in my office tomorrow if you have made up your mind." mariin niyang utos bago siya tumayo at lumabas.
"Miss Eva." nag abot si Ezra sa akin nang isang puting sobre. Binuklat ko ito at napanganga ng makita ang makapal na pera.
He is indeed true to his words!
Narito rin ang kaniyang calling card.
Franco Nicodemo Montecillo. CEO, President. Realm Malls Incorporated.
------
"Eva.. Isang putok lang ay masaya na ako!" nag hubad na si Tiyo Enteng ng kaniyang damit pang itaas ang mala demonyong ngiti ay hindi nawawala.
Bakas ang kaniyang katandaan dahil sa kulubot nitong pangangatawan.
"Tiyo! Maawa ka! Pamangkin mo ako!" sigaw ko ng nabuga ko ang bimpong nilagay niya sa aking bibig.
"Manahimik ka! Si Beth ang may pamangkin sayo!" sigaw niya pabalik sabay sampal sa akin ng malakas.
Hinawakan niya ang aking magkabilang binti at pinaghiwalay ito.
Gamit ang aking buong lakas ay tinadyakan ko siya. Tumilapon ito sa lapag. Ginamit ko ang pagkakataong ito para tumayo at kuhanin ang aking panty at isang t-shirt na nakasabit sa isang upuan.
Ginamit ko ang pagkakataon na nakalumpasay pa siya sa sahig!
Akma akong tatakbo palabas ngunit napatili ako ng nahawakan niya ang aking paa at pinigilan ako sa akma kong pagtakas.
"Aaah!!" sigaw ko.
"Hindi ka makakatakas sakin Eva! Akin ka!" nakakakilabot nitong utas.
--------
Napabalikwas ako mula sa aking pagkakatulog. Isa na namang masamang panaginip. Pawisan ang aking noo. Agad ko itong pinunasan.
Unti unting bumagsak ang aking mga luha. Lumayo man ako sakanila ay hindi padin ako nilulubayan ng masasamang alaala. Niyakap ko na lamang ang aking sarili. Tuwing dinadalaw ako ng masamang bangungot ay ang ako lang magisa ang humaharap dito.
Impit akong umiyak.
Ayaw ko ng maalala lahat ng iyon! I want a new life to begin with! Gusto ko iyong buhay na pinangarap ko! Maging masaya at payapa! Hindi ko na kayang mabuhay sa bangungot.
Bukas na bukas din ay tatanggapin ko na ang offer ni Franco. Gagamitin ko ang pera at magpapakalayo layo.
Suot ang isang high waist jeans at isang off shoulder blouse. Nagtungo na ako sa address na nakasaad sa calling card niya.
Isang mataas na building ang aking nadatnan.
Pagpasok ko sa loob ay halos manliit ako. Mapalalake at babae ay kapwa sopistikado ang pananamit. Napatingin ako sa aking sarili. Mukhang mali ata na ngayon ako nagpunta? Babalik na lamang ako bukas.
Akma akong tatalikod nang may bigla namang tumawag sakin.
"Eva?" lumingon ako at nakita si Ezra na naka coat and tie at may dalang mga papel. "Hi. Ah.. Si Franco?" nahihiya kong tanong.
Lumiwanag ang mukha nito.
"Oh! Nandun siya sa taas. Tara samahan na kita! I guess you have made up your mind?" ngisi nito habang papasok kami sa elevator.
"Ah. Hindi pa. I still need to know the terms." diretsa kong sabi.
"Don't you worry Eva. This is a win win. I assure you." nakangiti nitong sabi.
Bago makapasok sa double doors ay may nilapitan muna kaming babae sa front desk.
"May kausap ba si Sir Franco?" tanong ni Ezra.
Umiling naman ang babaeng kausap nito.
"Wala. He's all clear for the rest of the day." sabay baling sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. I smiled shyly. Ngumiti naman ito pabalik.
"Great! Let's get in." nanguna si Ezra sa pagpasok.
"Sir. You have a visitor." bakas ang mapanuyang tono ni Ezra.
Abala sa kaniyang laptop si Franco. Mabilis lamang itong sumulyap sa aming gawi at nagbalik ng tingin ng makita ako na nasa likod ni Ezra.
"Eva." the surprise on his voice is very evident. Sumandal ito sakaniyang swivel chair at nilagay niya ang kaniyang kamay sa kaniyang labi.
Nilahad ni Ezra ang upuan na tila nagsasabing umupo na ako sa harap ni Franco. Ginawa ko naman ang sinabi niya.
"Hi, I just want to ask the terms of your offer. Hindi basta basta ang limang daang libo kaya alam kong mabigat din ang kapalit nito." diretsa kong sabi.
Tumango tango lamang ito bago inangat ang kaniyang kamay tila may hinihingi kay Ezra.
"Do you have it there Ezra?" tanong niya.
Agad namang inabot ni Ezra ang isang envelope kay Franco.
Binuksan niya ito at kinuha ang lamang mga papel. Tinignan niya ito at binasa.
"Genieva Alyona Soraya... 23 years old... Nanirahan ka sa piling ng iyong tiyahin sa probinsiya ... Your parents are dead.. Wala kang kapatid.. You are working as a pole dancer sa isang exclusive bar sa loob ng tatlong taon.. Hindi ka nagpapatake home or escort. Ikaw ang pinakamahusay na pole dancer sa inyong club... HIV negative.. And lastly... You are a virgin. Did I missed anything?" mapanuya nitong tanong.
Nagulat ako sakaniyang mga sinabi! Ibig sabihin ba ay pinasusundan nila ako? Kung ganun. Yun lang kaya ang alam niya tungkol saking nakaraan? Tumikhim ako bago sumagot.
"Paano mo nalaman lahat ng iyan? Ano ba talagang kailangan mo?" seryoso kong tanong.
"Let me introduce myself first formally. I am Franco Nicodemo. CEO, co owner of this company. Realm Malls Incorporated. Pamilyar kanaman siguro sa RM? Kilala ang aming malls kahit saan. Kaya lang mayroon akong problema. I have an older brother. Our parents has their condition. The one who'll marry first, siya ang magmamana ng aming business dahil mas kailangan daw namin ito for building our family. Workaholic ang aking kapatid. Kaya I want to take this chance to take advantage..." ngumisi ito at tumitig sa akin.
"So? Ano ang kinalaman ko dito?" nagtataka kong tanong.
Tumuwid ito ng upo. Niluwagan nito ang kaniyang necktie at seryoso akong tinapunan ng mabibigat na titig.
"Be my wife Eva..I can give you the best of life that you could ever imagine. I promise you that."