Eyes on you Matapos kumain ay hinila ako ni Franco sa rooftop ng Hotel. Naisip ko kung pwede ba kaming magpunta dito pero siya pa ba? Lahat naman ay kaya niyang gawan ng paraan. Pagkarating namin sa rooftop ay humampas agad ang malamig at malakas na hangin. Nanginig ang buo kong katawan, it's nearly midnight kaya naman malamig na talaga. Hila hila niya ang aking kamay patungo sa may b****a kung saan makikita namin ang mailaw na siyudad. Ang liwanag na nagmumula sa buwan at bawat gusali ay nagpaganda lalo sa gabing ito. "You like it?" Marahan niyang tanong at saka ipinulupot ang kaniyang mga braso sa aking baywang bago ipinatong ang kaniyang mukha sa aking balikat. Bahagyang naibsan ang lamig na aking nararamdaman. "Oo. Ang ganda dito." Malumanay kong sagot bago tumango.

