Fiance [Warning SPG] Galit na galit si Franco ng hinarap ako. Walang salitang lumalabas sa aking bibig dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman. Bigla na lang ako nakaramdam ng pagkahilo at natumba. Matapos non ay wala na akong maalala. Nagising na lang ako sa aking kwarto, madilim na at ang ilaw na lamang sa banyo ang nagsisilbing liwanag. Napabangon ako mula sa pagkakahiga bago agad binalot ng lamig na nagmumula sa aircon. Nakalihis ang kurtina sa aking kwarto kaya naman ang ilaw na nagmumula sa buwan ay pumapasok mula sa labas at tumatagos papasok sa glass window. Maya maya pa ay naamoy ko ang pamilyar na halimuyak ni Franco. Kakatapos lang niyang maligo at nagpupunas pa ito ng buhok bago lumapit sakin at umupo sa aking paanan. Binitawan niya ang tuwalya at agad akong

