Ligtas Natakot ako sa maaaring gawin ni Nicola. I know to myself that I am brave pero paano kung ikasisira ito ni Franco? Napaupo na lamang ako sa sofa habang malalim ang aking iniisip. Tumunog ang aking cellphone at lumitaw naman dito ang pangalan ni Ezra. "Hello, Ezra?" mahina kong sabi. "Eva, okay ka na? Pupunta tayo sa mall ngayon. Mamimili ka ng mga damit at magsusukat kana ng wedding gown mo. I am on my way now. Siguro mga 10-15mins ay nandiyan na ako." paalala nito. "Sige lang, Ezra. Ready naman na ako. Ako lang ba? How about Franco?" nagbabakasali kong tanong. "Hindi daw siya pwede eh. Busy." napabuntong hininga na lamang ako as I ended the call. Minsan ay napapatanong ako kung seryoso ba talaga si Franco sa mga sinabi niya sa akin o nadala lang siya sa ala

