Like [Warning SPG] Nagising ako dahil sa hapdi na nararamdaman mula sa aking tuhod, napalikwas ako ng makita ang isang batang lalake na tingin ko ay kasingedad ko lamang na nakatitig sakin. Nang makita niyang may malay na ako ay agad itong naalarma. "Yaya Sol! Gising na po yung babae!" sigaw niya sa di kalayuan. Tinakpan ko ang aking katawan dahil sa nakakailang. Mukhang malinis ang batang lalake sa aking harapan, maayos ang pananamit nito at maputi ang kaniyang kutis. Agad namang dumating ang tinawag niyang Yaya kasama ang isa pang matandang lalake at dinaluhan nila ako. "Diyos ko! Anong nangyare sayo, Iha?" nag-aalalang tanong ng babae. "Huwag kang matakot! Hindi ka namin sasaktan! Sumama ka samin at gagamutin namin ang mga sugat mo!" dugtong nito. Inalalayan nila

