Chapter 55 ANALYN MAE POV ILANG ARAW NA AKONG walang dilig at hindi na kami nagpapansinan ng amo ko. Parang walang nangyayare samin dati. Kapag nakikita ko siya ay umiiwas agad ako dahil ayaw niyang pakalat-kalat ako sa mansion. Mahirap na, baka matanggal ako sa trabaho. Pero subrang namimiss kona siya lalo nasa gabi. Wala na kasi akong kausap dahil sumampa nasa barko si Luis. Minsan nagkakausap pa kami pero madalas hindi na, kasi busy na siya. At kapag naglilinis naman ako ng kwarto ni sir Larusso ay hindi kami nag-uusap. Kung dati ay sinasalubong niya ako ng yakap at halik. Ngayun ay tingin na lang na tila walang nangyare samin dati. Kaya naman nalulungkot ako dahil parang wala na ako sa kanya. Sabagay, parausan lang naman niya ako. Ano pa bang aasahan ko? Papaalisin na nga niya ak

