Chapter 54 KAYA PALA WALA SI MANANG kanina dahil kinausap niya si sir Larusso na wag na ako paalisin dahil mahihirapan daw maghanap ng bagong yaya si Rodman. At maninibago na naman daw ang bata kapag bago ang katulong nito. Pumayag naman si sir Larusso basta daw ay ayusin ko ang aking trabaho. No cellphone sa loob ng bahay kahit tapos na ang trabaho ko. Wala na rin daw bisita na pupunta sa bahay niya at wag akong pakalat-kalat sa mansion. Nagtaka man ako ay sumang-ayon 'din ako kesa mawalan ako ng trabaho. Actually hindi lang naman ako, damay 'din sina ate's at kuya Arnold. Kapag nakita daw ni sir na pakalat-kalat kaming mga katulong ay automatic na tanggal na kami. Nagreklamo sila pero hindi nila sinabi sa amo namin dahil wala naman sila magagawa at mga katulong lang kami. " Ano ba '

