Chapter 36 ANALYN MAE POV NAGISING AKO NG TUMUNOG ang cellphone ko. Akala ko alarm clock, hindi pala. Tumatawag pala ang tiyahin ko. Mukhang hihingi na naman ng pera dahil iyon naman ang gawain nila. Panay lang ang hingi ng pera pero wala naman pakialam sakin. Hindi ko sana sa sagutin ang tawag ngunit makulet ang ante ko. Kaya naman napilitan akong sagutin na lang. " Hello po?" Humikab pa ako para malaman niyang natutulog ako. " Ang tagal mo naman sagutin. Ano bang ginagawa mo?" Inis na tanong sakin ng ante ko mula sa kabilang linya. " Natutulog po." Pairap ko naman sagot. Siya pa ang nagagalit samantalang siya naman ang may kailangan. Kung susundin ko naman ang sinasabi nila manang ay baka nga gawin ko pero nakukunsensya naman ako dahil kapamilya ko parin sila. " Hapon na, tulog k

