Chapter 37 ANALYN MAE POV INABALA KO MUNA ANG AKING sarili sa paglalaro ng online game habang inaantay ko ang aking amo. Late na siya ng 5 minuto, siguro nagkakasiyahan pa sila ng mga kaibigan niya mag-inuman. Mabuti na lang talaga ay may pinagkakaabalahan na ako ngayun. Salamat kay kuya Arnold. Dati kasi tamang nood lang sa sosyal media ng mga vlog at palabas. O kaya naman ay sa netflix. Iyon nga lang ay inaantok ako kaya naman ngayun ay hindi na kasi nag-eenjoy ako habang naglalaro. Minsan nakakainis kapag palagi akong dead. Sabagay, baguhan lang ako at hindi ako katulad ni kuya Arnold na magaling na sa ganitong laro. At habang nag-eenjoy ako sa paglalaro ay bigla naman dumating ang amo kung lalake. Ayaw ko pa sanang tumayo mula sa kama ay napilitan na ako at baka magalit ang amo ko

