Chapter o3
ANALYN MAE POV
PAGPASOK NAMIN SA DINNING AREA ay nakita agad namin si sir Larusso habang nagbabasa ng diyaryo na tila tapos ng mag-almusal at nagkakape na lang.
" Hi daddy." Wika ng bata ng makapasok na kami sa dinning area.
" Hi kiddo." Nakangiti naman sagot ni sir Larusso sa anak at binitawan ang hawak na diyaryo saka niyakap ang anak. " How's school?" Tanong agad ni sir sa anak matapos magyakapan. Tuwing umaga na lang niya tinatanong anak dahil gabi na siya umuuwe.
May ngiti sa labi habang nakatingin ako sa mag-ama.
Ganito sila palagi tuwing umaga. Kaya masasabi kung mabuting ama si sir Larusso kahit hindi niya nabibigyan ng time ang anak niya sa subrang busy sa opisina.
Bussiness man ang amo ko at subrang yaman pa kaya nga napaka-busy niyang tao kaya wala siyang time sa anak niya.
Malaki ang mansion niya. Marami 'din iba't ibang sasakyan ang amo ko sa may garahe. Tapos sabi ni manang sakin ay subrang yaman pa ng amo ko dahil may mga resort at maraming lupain ang amo kung lalake. Kaya naman nakakalula ang kayamanan ng amo ko.
" Good, daddy." Tipid na sagot ng bata na umupo sa tabi ng ama. Ganito naman si Rodman kapag kausap ang daddy niya. Matipid magsalita ang bata na tila ayaw na niya magsalita.
Magsasalita lang kapag tinanong ng kanya ama.
Kaagad ko naman inasikaso ang bata para makakain na. Kami lang nandito sa may dinning area dahil busy na ang lahat sa gawain nila. Tapos si manang ay nasa kusina kapag ganitong oras.
Si mang bong naman ay nililinis ang sasakyan ni sir Larusso. Si kuya arnold naman ay sa mga garden. Yung dalawang lalake stay out. Kaming mga babae ay stay in. Malapit lang naman ang bahay ng mag-tiyuhin. Isang sakay lang para makarating dito.
Mag-tiyuhin sina mang bong at kuya arnold. Hinayaan ko naman ang mag-ama na mag-usap matapos kung asikasuhin si Rodman at marunong na siyang kumain na mag-isa. Puro english kasi ang salita nila, nakaka-nose bleed. Nandito lang ako sa gilid ng dinning area para kapag may iu-utos sila ay mabilis akong makakalapit.
Sumasagot lang ako kapag tinatanong ako ni sir Larusso. Tapos nililingon kaya naman ay naiilang ako. Iba kasi siyang tumingin, parang nanghihina ang tuhod ko. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararadaman ko.
" Wala bang mga kailangan sa school si Rodman?" Tanong muli sakin ng amo kung lalake.
Nakangiti naman akong umiling. " Wala po sir. Nakabayad naman po tayo no'ng nakaraan."
Tumango tango naman siya saka muling nag-usap ang mag-ama about sa school. Wala naman problema ang alaga ko sa school dahil subrang bait nito. Tapos nababayaran niya agad ang mga bayarin sa school.
Actually ay ga-graduate na ang alaga ko sa elementary. 10 years old palang pero ga-graduate na agad siya. Maaga daw kasi nag-aral ang bata sabi ni manang at subrang talino pa kaya palaging honored sa school. Mukhang balekdektoryan pa siya ngayun.
Nakita kung tumayo na si sir Larusso sa kanyang kinauupuan at hinalikan sa ulo ang anak. Tapos ay lumingon pa sakin bago umalis.
Palagi siyang lumilingon sakin kaya kinikilig ako at naiilang. Ang gwapo naman kasi ng amo ko. Hindi ko alam kung bakit siya gano'n tumingin samantalang dati ay hindi naman. Bumibilis tuloy ang t***k ng aking puso at nanghihina ang mga tuhod ko.
Sorry, babe.
Sabi ko sa isip.
Nang makita ko naman tumayo na rin ang alaga ko ay lumapit na ako sa kanya saka sumigaw.
" Manang tapos na po sila kumain."
Tapos ay inaya kona ang alaga ko sa taas dahil papasok pa siya. Inaasikaso ko siya kapag papasok na siya sa school pero hindi kona siya pinapaliguan dahil malaki na siya.
Atsaka ayaw niya. Siguro nahihiya na siya sakin dahil malaki na siya.
Kahit 10 years old palang si Rodman ay ang tangkad na niya, mana sa kanyang ama. Malapit na niya ako maabutan.
Tapos ay ihahatid ko lang siya sa school tapos iiwan na saka kona lang babalikan kapag uwean na nila. Hapon pa naman ang uwean niya dahil maghapon ang pasok niya.
Ang naghahatid samin sa school ay si mang bong pero iniiwan 'din dahil kailangan niyang sumunod sa opisina ni sir Larusso.
Then nagco-commute na lang ako pauwe. Alam ko na naman dahil isang taon na ako sa manila.
Dati kasi ay inaantay pa ako ni mang bong. Pero ng malaman kona ay pinaalis kona siya. Minsan kasi ay may pinupuntahan pa ako kaya matagal bago ako umuwe sa mansion. Okey lang naman iyon kina manang dahil kapag umuuwe na ako ay tumutulong naman ako sa kanila.
Nang matapos maligo ng alaga ko ay nagbihis na siya. Nakahanda na naman ang mga kailangan niya. Tapos ang baon naman niya ay si manang na ang nag-aasikaso. Kaya lang naman kumuha ng yaya para may mag-asikaso kay Rodman. Hindi na kasi siya maaasikaso nila ate Isay, Jackie at Lanie dahil busy sila sa kani-kanilang trabaho.
Maghapon ang pasok ng bata kaya mahaba ang pahinga ko sa mansion. Pero ako na ang naglilinis ng kwarto ni Rodman pagdating at sa iba pang kwarto para kaunti na lang gawin ng mga ate ko.
Atsaka para pumayat pa ako lalo dahil kapag wala akong ginagawa ay pakiramdam ko ay tumataba ako.
Nagulat naman ako ng bumukas ang pintuan at bumungad ang amo kung lalake. Hindi ko napigilan mapaawang ang labi ko dahil ang gwapo niya subra habang nakasuot na siya ng pang-opisina. Mas lalo siyang naging gwapo at hot sa paningin ko.
Pero agad ko rin tinikom ang bibig ko saka umiwas ng tingin at baka makita ni sir Larusso ang pagtitig ko. Tang ina kasi eh. Nakakapanglaway naman ang amo kung lalake.
" Are you done?"
" Why dad?" Balik tanong ni Rodman sa ama. Tapos na siyang magbihis ng uniform niya. Nagsusuklay na lang siya saka nagpapabango. Hindi kona siya inaasikaso dahil ayaw niya kaya nakaalalay na lang ako.
" Nothing, but i'm leaving." Sagot ni sir Larusso sa anak.
" Okey, dad. Bye." Seryoso ang mukha na sabi ni Rodman sa ama. Parang si sir Larusso, hindi rin marunong ngumiti ni Rodman. Parang ang mahal ng kanilang mga ngiti.
" Okey, i'll go ahead." Aniya saka lumapit sa anak at hinalikan ito sa ulo saka ginulo. Nag-reklamo naman ang bata kaya hindi ko napigilan ngumiti pero nawala 'din dahil lumingon sakin si sir Larusso. " Alagaan mo ng mabuti si Rodman."
" Opo." Naiilang na sagot ko sa kanya. Tumango naman siya bago naglakad patungo sa pintuan at lumabas. Huminga naman ako ng malalim ng umalis na ang boss ko.
Hindi naman ganito ang pakiramdam ko dati. Pero ngayun parang bumibilis ang t***k ng puso ko kapag tumitingin si sir Larusso sakin.
Iba 'yung tingin niya ngayun kumpara sa dati. Hindi ko naman masabing nag-iinit sakin ang amo ko. Napaka-assumera ko naman kung gano'n. Atsaka hello? Ang taba ko kaya. Sinong magkakagusto sakin? Si Lorenzo nga ay pilitan pa ata.
" Yaya let's go." Rinig kung sabi ni Rodman kaya natigilan ako saka mabilis na kinuha ang bag niya sa lagayan. Nauna na siyang lumabas ng kwarto habang nakasunod ako. Mamaya kona iligpit ang mga kalat niya pag-dating.
Bumaba na kami sa baba saka pumunta ako sa kusina para kunin ang baon ng alaga ko.
" Aalis na kayo?" Tanong sakin ni manang ng makapasok ako sa kusina. Naglilinis na siya ng kusina.
" Opo." Nakangiti ko naman sagot sa kanya. Tapos ay kinuha ang mga baon ni Rodman bago nagpaalam kay manang. " Sige po."
" Mag-iingat kayo." Bilin ni manang kaya tumango ako.
" Opo." Wika ko saka tumakbo palabas ng kusina. Pagdating sa labas ng mansion ay sumakay agad ako sa kotse. Sa tabi ni mang bong ako tumabi dahil ayaw ni Rodman na may katabi siya sa likod. Medyo may pagka-maarte minsan ang alaga ko. Gusto niya palaging mag-isa na tila introvert.
Hindi naman ako naaawa sa bata dahil binibigay naman si sir Larusso ang mga pangangailangan niya kahit wala ang ina. Hindi katulad ko, maaga akong nangulila sa mga magulang. Hindi ko alam kung buhay pa ang tatay ko.
Sadyang tahimik lang talaga ang alaga ko. Mas gusto niya pang mapag-isa kesa makihalubilo sa ibang bata. Kapag kinakausap ko siya ay hindi niya ako kinakausap. Tapos english pa siya magsalita..
Kapag gano'n kasi ay ayaw niya makipag-usap. Pero kapag may kailangan naman siya ay tagalog pero slang nga lang mag-salita niya.
Kahit kina manang at sa iba pang katulong ay hindi siya nakikipag-usap. Bukod tange lang ang daddy niya at ako. The rest ay wala na. Para siyang introvert.