Chapter 02
ANALYN MAE POV
MAY MALUWANG NA NGITI ako sa labi ng makita ko si sir Larusso na pababa ng hagdanan habang ako'y paakyat sa taas. Ang gwapo talaga ng amo kung lalake. Kung wala lang siguro akong boyfriend ngayun baka pinagpantasyahan kona ang amo ko ngayun dahil subrang gwapo niya. Mahihilig pa naman ako sa mga gwapo kaya nga sinagot ko si Lorenzo.
Pero mas gwapo ang amo kung lalake. Kahit 30+ na siya at may anak na ay hindi mo masasabing 30+ na siya kasi subrang gwapo niya at ang lakas ng dating niya.
Subrang tangkad niya pa. Parang nasa 6ft ata si sir kasi kailangan ko pang tumingala sa kanya kapag kausap ko siya. Tapos bumagay pa dito ang buhok niya na medyo kulot. At hindi lang 'yun, pati ang tattoo niya ay mas lalong bumagay dito kaya mas lalong naging hot si sir Larusso.
Kaya nga pati sina ate Lanie, ate Isay at ate Jackie. Kahit may mga asawa at anak na ay kilig na kilig parin sila kay sir Larusso.
" Hi sir. " Nakangiti kung bati sa amo ko ng magtapat na kaming dalawa.
" Good morning, Analyn. Gigisingin muna ba si Rodman?" Tanong niya sakin habang nakaseryuso ang mukha niya. Kaya nga crush na crush ko siya dahil ang lakas ng dating ni sir Larusso. Kahit nakaseryuso ang mukha niya.
" Opo." May ngiti sa labing sagot ko sa kanya habang naiilang. Medyo nahihiya at naiilang ako kapag nakatingin sakin ang mga mata niya ng matiim. Ewan ko, pero naiilang talaga ako kay sir Robby. Siguro dahil crush ko siya at subrang gwapo niya pa.
" Sige para sabay na kaming kumain." Anito na tumingin pa sakin ang mga mata niyang nakakapanghina ng mga tuhod. Pag-gano'n siya tumingin ay parang nanghihina ang tuhod ko at parang may kung anong nangyayare sa loob ko.
Wala rin nakakaalam na crush ko siya at baka asarin ako ng mga kasama ko sa mansion. Malakas pa naman mang-asar sina ate.
" Sige po." Sabi ko saka umakyat na ng tuluyan at baka mahimatay pa ako sa harapan niya. Hindi kona nga nakitang nilingon ako ni sir Larusso na para bang ang s*ksi s*ksi ko.
Pagdating sa taas ay pumunta agad ako sa kwarto ng alaga ko. Mahal na mahal ko ang aking alaga dahil mabait ito kahit na katulong lang ako.
Atsaka subrang talino rin ni Rodman. Kaya nga na no-nosebleed ako kapag kinakausap niya ako. Marunong naman siya magtagalog pero mas gamit niya ang wikang english.
Hindi ko siya kinakausap kapag english na ang salita niya. Dahil hirap na hirap akong kausapin siya. Hindi naman kasi ako nakapagtapos ng pag-aaral at mahina ako sa english. Ganda lang ang merun ako.
At subrang tahimik rin ng alaga ko. Para siyang introvert. Kaya nga wala siyang kaibigan sa school. Mas gusto niyang mag-aral kesa makipag-kaibigan. Kaya naman palagi siyang may award dahil sa subra niyang talino.
Kapag nasa bahay naman siya ay puro aral parin siya. Hindi ko siya nakitang makipaglaro o maglaro manlang basta puro libro ang hawak niya sa bahay. Tuwang tuwa naman si sir Robby kasi matalino at mabait ang anak niya.
Minsan ay naaawa ako sa bata kasi puro lang siya aral at hindi ini-enjoy ang pagiging bata niya. Para na siyang matanda kung kumilos at mag-isip kahit 10 years old palang siya.
Pati nga si sir Larusso, kapag english ang salita ay hindi ako sumasagot. Bahala siya diyan.
" Hi baby." Bati ko sa bata ng buksan ko ang pintuan ng kwarto niya. Maaga siyang nagigising sa umaga kaya hindi na ako nahihirapan sa kanya. Maaga siya natutulog dahil 'di naman siya nagpupuyat.
" Hello yaya." Walang emosyon na sagot niya sakin. Ito ang batang palaging seryuso. Parang daddy niya seryuso.
Ngumingiti naman siya pero mas madalas na hindi.
" Tara kain kana kasi papasok kapa at nasa baba na si daddy mo." Ani ko naman sa kanya.
" Okey po." Magalang niyang sagot. Kahit seryuso rin ang batang ito ay magalang naman siya kaya love na love ko ang batang ito. Hindi katulad ng mga anak ni ante, mga maldita at maldito katulad ng nanay nila.
Bumaba na siya sa kama at tumakbo patungo sa pintuan.
" Carefull, baby." Sabi ko kasi baka madapa siya.
" Yaya, don't call me baby." Parang inis na sabi niya sakin. Ayaw na ayaw niyang tinatawag na baby dahil big na raw siya. Ewan, nakasanayan kona kasi eh. Feeling close kasi ako sa alaga ko.
" Sorry, hayaan muna si yaya." Naglalambing kung sabi sa kanya. Kahit naman isang taon palang ako dito ay halata naman gusto na niya ako bilang yaya niya.
Mabait kasi siya. Pero subrang tahimik naman. Akala ko nga ay mahihirapan ako noong una pero hindi naman pala. Basta ayaw niya lang ginugulo kapag tahimik siya.
Umismid lang ang alaga ko saka lumabas na ng kwarto. Napangiti na lang ako saka sinundan siya.
Pababa na kami ni Rodman sa hagdanan habang nakasunod ako sa kanya.
Kahit naman kasi walang time si sir Larusso sa anak niya mahal na mahal niya ang bata.
Palagi niyang tinatanong sakin at inaalala. Palagi niya rin binibigay ang lahat ng mga pangangailangan ni Rodman tapos ay kapag may free time siya ay nilalabas niya ang anak.
Sanay na naman si Rodman sa daddy niya. Hindi rin siya pasaway o demand sa kanyang ama. Kung ano ang ibigay ng daddy niya ay kinukuha niya tapos ay magkukulong sa kwarto. Kaya naman palagi ko siyang kinakausap kahit medyo nahihirapan ako kapag nag-eenglish siya. Kasi pakiramdam ko ay nalulungkot ang bata, hindi niya lang sinasabi sa kanyang ama dahil ayaw niyang makagulo o magbigay ng stress sa ama.
Kaya naman palagi lang siya sa kwarto at nag-aaral ng mabuti. Sabi ni manang ganito raw talaga si Rodman, tahimik at walang imik simula ng maghiwalay ang mga magulang niya.
Nahuli daw ni sir ang asawa niya na may ibang lalake kaya mabilis niyang hiniwalayan ang asawa. Limang taon no'n si Rodman at limang taon na rin hiwalay si sir Larusso sa asawa ngunit wala pa siyang asawa hanggang ngayun.
Puro trabaho lang daw si sir larusso sabi ni manang. Which is nakikita ko naman kung paano maging hardworking ang amo ko sa trabaho. Kasi kapag umalis siya ng mansion ay gabi na siya umuuwe. Minsan 10pm o kaya hanggang 12 ng madaling araw.
Sabi 'din ni manang, ang mga kasama daw palagi ni sir Larusso ay ang mga kaibigan niya.
Naiinis nga ako sa Ex wife ni sir kasi ang gwapo ng amo kung lalake ay nakuha pang ipagpalit sa iba. Na kay sir na nga ang lahat ng pinapangarap ng mga babae eh.
Gwapo, hot, matangkad at mayaman tapos pinagpalit lang ang amo ko sa iba. Nako kung ako 'yan? Hindi kona ipagpapalit at iiwan si sir Larusso kahit tumanda pa kami.
Kahit sabihin pang maliit lang ang hinaharap nito, gwapo naman. Sayang nga, may boyfriend na ako. Kung wala, baka inakit kona siya. Char.
Syempre joke lang hehe.