ANALYN MAE ROBLEZ POV
ISANG TAON NA AKO SA mga Larusso bilang tagapag-alaga ng anak ni sir na si Rodman. 10 years old na si baby Rodman at grade 6 na siya ngayun taon. Isang taon na lang ay ga-graduate na siya. Tumagal ako sa mga Larusso dahil mabait naman ang alaga ko pati na si sir Robby. Medyo masungit ang datingan niya pero mabait naman siya.
Gano'n siguro kapag mayaman at busy na tao. Kaya nga wala na siyang time kung minsan sa anak niya kasi anong oras na siya umuuwi sa gabi.
Atsaka mababait ang mga kasama ko sa mansion. Ako ang pinaka-bunso sa lahat kasi 21 years old palang ako. Samantalang ang mga kasama ko ay matatanda na. Pero ang pinakamatanda samin ay si manang Corazon saka si mang bong.
Sila ang mga magulang ko dito sa mansion. Mabuti pa nga sila mababait at mahal na mahal nila ako. Subra rin silang nag-aalala sakin kapag hindi ako kumakain dahil sa pagda-diet ko. Hindi katulad ng ante kona si Marites. Hindi manlang ako minahal at ginawa lang akong katulong sa kanila.
Kamag-anak siya ng mama ko pero iba ang trato niya sakin. Mabuti pa nga ang asawa niya mabait sakin. Kaya lang takot sa ante ko kaya minsan ay hindi ako pinapansin at baka makatikim siya sa ante ko.
Atsaka nagda-diet na talaga ako doon palang sa probinsya at nabawasan ng kaunti ang timbang ko kaya nakakapagsuot na ako ng pang-s*ksi na damit.
Gusto ko pa lalong pumayat dahil gusto ko ay payat na ako kapag umuwe ako samin. Para naman mas mas*ksihan sakin ang boyfriend kung si Lorenzo. Alam ko nahihiya siya kapag magkasama kami dahil mataba ako. Kaya nga nagda-diet pa ako lalo.
Kaya lang sina manang naman ay walang ginawa kundi pakainin ako. Hindi ko tuloy na-achieve ang gusto kung katawan. Patay gutom pa naman ako sa pagkain. Lalo na't ang daming pagkain dito sa mansion at kahit ano ay pwede namin kainin dahil mabait ang amo namin pagdating sa pagkain.
Pati nga pagkain ng alaga ko ay ako ang kumakain kapag ayaw na niya. Paano ako papayat kung maraming pagkain at may mga kasama kang namimilit. Maganda naman daw kasi ako kaya hindi kona kailangan pumayat at bagay sakin ang ganito.
Alam ko naman 'yun na maganda ako dahil maganda ang mama ko. Pero kailangan ko pang mas pumayat para hindi na nahihiya ang boyfriend ko kapag kasama ako.
Medyo pumayat na nga ako at nakakapagsuot na ako ng maeeksing damit o short. Kaya naman lumilitaw na ang kaseksihan ko kapag nagsusuot ako ng gano'n.
Palaging blouse o maiksing short na ang suot ko dahil kapag malalake ang sinusuot ko ay lumalake 'din ako. Kaya mga pangseksi ang suot ko. Mabuti nga ay hindi pangkatulong ang suot namin at pwede pambahay lang.
Pumayag na rin ang amo naming lalake.
" Hello po. Good morning. " Masaya kung bati sa mga kasama ko. Kagigising ko lang dahil puyat ako kagabi. Paano kausap ko na naman ang mahal kung boyfriend na si Lorenzo. Tumatawag lang siya tuwing gabi para makipag-s*ks sakin sa phone. Sabagay sinabihan kona siya na sa gabi lang ako pwede makipag-usap dahil busy ako sa umaga. Kaya naman gabi-gabi kami nag-uusap pero may halong kalibugan. Ginagawa ko 'yun dahil mahal ko siya.
" Puyat na naman 'to. Late na naman ang gising eh." Saad ni ate Lanie. Maaga'ng nagigising sa mansion ang mga kasama ko. Alas singko palang ay gising na sila. Ako naman ay alas sais o alas syete ng umaga dahil yaya lang naman ako ng bata.
Saka 8 am pa ang pasok ni Rodman kaya pwede ako gumising ng 7pm kapag puyat ako. Pero kapag hindi naman ako puyat ay gumigising rin ako ng mas maaga para tumulong sa kanila. Hindi naman nila ako inoobliga dahil yaya lang naman ako ng bata. Pero dahil marunong ako makisama ay tumutulong ako sa kanila lalo na kay manang corazon. Matanda na kasi si manang.
Ayaw niya pang mag-resign dahil wala naman daw siyang gagawin sa bahay nila at manghihina lang daw siya doon kapag tumigil siya sa pagtatrabaho.
Napangiti naman ako kay ate Lanie. " Syempre kausap ko ang bebe ko."
" Sus, mahal na mahal mo pero hindi ka naman maipagmalaki sa mga kakilala." Paismid naman na sabi ni ate isay. Alam nila ang kwento namin ni Lorenzo kasi nagkukwento ako sa kanila. Nagagalit sila sa boyfriend ko dahil parang hindi raw ako mahal ng binata.
Kasi kung mahal ako ng binata ay ipagmamalaki niya ako at hindi ikakahiya. Pero dahil mahal ko ay ayus lang at pinagtatanggol ko pa siya. Si Lorenzo lang kasi ang nagmahal sakin kesa sa tatay at ante ko.
Naiinis sila sakin pero iniintindi na lang nila ako. Sina ate isay, ate jackie at ate lanie ay may mga asawa na sila. Pero nasa probinsya ang mga pamilya nila. Nagwowork sila dito para mabuhay ang pamilya nila sa probinsya kaya palagi nila ako pinagsasabihan dahil mas marami silang experience sakin.
Sabi pa nga nila ay wag ko daw ibigay ang sarili ko kay Lorenzo at baka iwan 'din ako sa huli. Hindi ko naman binibigay kaya nga naiinis sakin ang binata. Pero nilalambing kona lang siya para hindi magalit. Pagkatapos ay niroromansa niya ako. Tapos ay kinakain ko ang tarugo niya para makaraos siya noong nasa probinsya ako.
Pinag-aralan ko pa iyon para sa kanya dahil 'di ako marunong kumain ng tt. Tapos ngayun nandito ako sa manila. Para makaraos siya ay inuungulan ko siya sa phone. Bale SOP kami sa phone. s*x on the phone. Noong una ay hindi ko gusto kasi baka may makarinig o parang ang sagwa.
Pero dahil mahal ko siya ay nagagawa ko iyon kasi ayaw ko siyang mawala sakin. Mabuti nga ay wala akong kasama sa kwarto ko. Si manang kasi ang kasama sa kwarto si ate Isay kasi pamangkin niya ito. Sina ate Jackie at ate Lanie naman ay magkasama sa kwarto. So ang natirang kwarto ay para sakin. Hindi na kumuha ng isa pang katulong si sir Larusso dahil kaya na naman namin.
" Si ate talaga." Nakasimangot ko naman sambit. " Sige na. Puntahan kona ang alaga ko." Kapagkuwan ay paalam ko sa kanila. Ganitong oras ay nandito sila sa kusina para mag-almusal. Maaga kasi sila naglilinis ng bahay. Tapos ako ay nakaligo na para kapag papasok na si Rodman ay nakaready na ako.
Ang amo ko naman lalake ay alas otso ng umaga umaalis sa mansion para makasabay pa ang anak sa almusal at makita pa niya bago pumasok sa school. Gabi na kasi siya umuuwe at tulog na si Rodman kaya sa umaga siya bumabawe sa anak.