NAGISING si Sister Carol nang may narinig na mahinang kaluskos sa hallway. Hindi siya agad bumangon. Pinakinggan lang niya ang t***k ng orasan at ang paghinga ng mga magulang. One of Sister Carol’s happiness was seeing her parents asleep next to each other, wrapped in each other’s arms. Parang kailan lang iyong mga panahon na tabi-tabi silang natutulog at nasa gitna siya ng mga ito. Mayamaya ay bumangon na si Sister Carol pagkatapos niyang magdasal. Mahimbing pa rin ang tulog ng Mommy at Daddy niya kaya inayos niya ang kumot ng mga ito. Bago lumabas ng silid ay sumilip muna siya sa bintana nang maalala niya ang nakita niya kagabi sa kuwarto ni Daryl. Wala namang bakas na may tao roon kaya baka nga guni-guni lamang niya iyon. PAGLABAS ni Sister Carol ay naabutan niya sa kusina si

