DUMATING si Sister Carol sa gate ng bahay nila. Pasko pa noong huling umuwi siya. Kung tutuusin, wala pang isang taon. Pero pakiramdam ni Sister Carol ay parang ang tagal-tagal na. Birthday kasi ng mga magulang niya ang hindi niya nasaksihan. Kahit sa mga check-up ng ama ay hindi rin niya nasasamahan ang mga ito. May mga oras din na sumasama ang pakiramdam ng Mommy Alessandra niya na wala siya sa tabi nito para mag-alaga. Katulad ng ibang madre, nakakaramdam din ng guilt si Sister Carol kapag hindi niya nakakasama ang mga magulang sa mga espesyal na okasyon o sa mga oras na kailangan nila ang isa't isa. Pinili niya ang buhay-relihiyoso, pero hindi ibig sabihin na nawawala na ang pagmamahal niya sa mommy at daddy niya. Hindi lang sila puwedeng umuwi ano mang oras gustuhin nila dahil

