SPIDERMAN

2029 Words
Flash back... NATIONAL HOLIDAY noong araw na iyon kaya walang pasok. Naisip ni Carol na samantalahin iyon para makipagbati kay Daryl. Simula kasi nang huli silang nagkausap ay halos hindi na siya pinapansin nito. Hindi niya alam ang eksaktong dahilan para magtampo ito sa kaniya. Pero ganoon pa man ay susuyuin pa rin niya ito. Hindi sanay si Carol na lumilipas ang araw nang hindi sila nagkakausap ng best friend niya. Tutal, palagi namang si Daryl ang unang nagsusuyo kapag nagkakatampuhan silang dalawa. Siguro naman dapat lang na siya naman ngayon. "Good morning po, Ninang!" masiglang bati ni Carol sa ina ni Daryl nang makatawid siya sa bahay ng mga ito. "Good morning din, hija!" nakangiti nitong tugon. Isa itong Pediatrician sa sariling clinic kaya okay lang na hindi rin ito pumasok kapag ganoong holiday. "Katukin mo na lang sa kuwarto niya si Daryl. Gising na iyon at tinatamad lang lumabas." Napangiti si Carol dahil hindi na niya kailangan pang sabihin dito ang pakay niya. Sanay na ang mga tao sa paligid na makita sila ni Daryl na magkasama palagi. "Thank you po, Ninang." Pagdating ni Carol sa second-floor ay agad niyang nakita na nakaawang nang kaunti ang kuwarto ng kaibigan. Labas-masok na siya roon kaya okay lang na hindi na siya kumatok. Isa pa, gusto talaga ni Carol na bulagain si Daryl. Gusto niyang malaman kung bakit bigla na lang itong hindi namamansin. Sa bungad pa lang ng pinto ay nakita na niya itong nakahilata pa sa kama. Dahan-dahan siyang pumasok. Maingat din ang bawat hakbang na lumapit si Carol at sumampa sa kama. Pagkatapos ay walang paalam na humiga sa tabi nito. Iniyakap pa niya rito ang isang braso niya. Napabalikwas ito ng bangon nang maramdaman na hindi ito nag-iisa. His eyes widened nang makita siya. "C-Carol?!" hiyaw nito at mabilis na nagtalukbong ng comforter. "What are you doing here?!" "Gusto kong makipagbati, eh. Kahit hindi ko alam kung bakit bigla ka na lang hindi namamansin.." Napasimangot siya. "Hindi ka naman nire-regla para biglang topakin." "Eh, 'di sana kumatok ka man lang muna. Hindi 'yong basta-basta ka na lang pumapasok dito," may bahid ng iritasyon na katuwiran ni Daryl. Nasaktan ang dalaga sa narinig. "Bakit ba ganiyan ka kung makapagsalita? Eh, hindi naman ito ang unang beses na pumasok ako dito, ah." Inis na hinila niya ang comforter na nakabalot sa katawan nito. "Ano ba ang itinatago mo diyan?" "Hindi pa ako nagto-toothbrush." "Sus!" Natawa siya. "Ang OA mo naman. Sanay na akong makita kang may panis na laway kaya hindi mo na kailangang magtago. Inihian mo pa nga ako noong grade one tayo at tabi tayong natulog dito." Muli niyang hinila ang comforter. "Carol, ano ba?" asik nito habang nakikipaghilahan ng kumot. "Huwag ka ngang makulit. You're not funny." Pero hindi siya nakinig. Tawa pa nga siya nang tawa habang nakikipaghilahan. "Bakit ka ba kasi nagtatago ka diyan? Naihi ka na naman ba sa salawal mo? Yakkksss, Daryl Eirik! Ang tanda-tanda mo na, umiihi la pa rin sa higaan?" "No! I didn't!" Napipikon na pinandilatan siya ng kaibigan.. Naaaliw na tumawa lang si Carol dahil pati ang tungki ng ilong nito ay namumula na rin. "Eh, bakit nga?" pangungulit niya. "Hinding-hindi mo magugustuhan ang makikita mo kaya mabuti pang umalis ka na!" "Ano pa ba ang meron ka na hindi ko nagustuhan?" giit niya. Pinipigilang matawa. "Iyong pimples o kuliti mo sa mata? O 'yong panis mong laway? Naku! Don't worry, Daryl...sanay na ako diyan. Sanay na sanay." "Basta kapag ipinakita ko sa'yo, huwag kang magagalit, ha?" sa wakas ay hamon nito. "Oo ba!" palaban naman na sagot ni Carol. He chuckled. "Really? Walang pikunan?" "Oo nga! Mas makulit ka pa kaysa mga baby fat ko, eh." Mayamaya ay bumaba ng kama si Daryl. Mabilis nitong tinanggal ang pagkakabalot ng comforter sa katawan at nahulog iyon sa sahig. Nanlaki ang mga mata at umawang ang bibig ni Carol nang natuklasan niyang naka-brief lang ang kaibigan. "Daryl!" malakas na tili ng dalaga at mabilis din na nagtakip ng mga mata. " Ang bastos mo, ha! Isusumbong kita kay Ninang." Mangiyak-ngiyak na dumapa siya sa kama nito para itago ang mukha na pulang-pula. Pero bumunghalit lang ng tawa si Daryl. "Ang kulit mo kasi, eh. Sinabi ko na nga sa'yo na huwag mo akong pilitin." "Isusumbong kita kay Ninang! Pati na rin kay Mommy, kay Daddy. At kay Father Florencio!" Parang bata na pinadyak-padyak ni Carol ang mga paa niya. First time niya kaya makakita ng lalaking naka-brief lang. At hindi pa man siya madre, pakiramdam ni Carol ay nagkasala na agad siya. "Ah, walang ganiyanan... Ang sabi mo, walang pikunan." Tawa ito nang tawa na halatang aliw na aliw sa reaksiyon niya. Kapagkuwan ay may narinig siyang kaluskos. "Sige na, puwede ka nang tumayo diyan. Hindi mo na makikita ang alindog ko," biro pa nito sabay tawa na naman nang malakas. Habang nakadapa, hinagilap ni Carol ang unan at ibinato rito. "Perv!" Lalo lang siyang tinawanan nito. "Sige na. Promise, nakasuot na ako nang disente. Wala ka ng makikitang makasalanan sa mga mata mo." Dahan-dahan siyang bumangon at nagdilat ng mga mata. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang naka-shorts at T-Shirt na si Daryl. Dumampot uli siya ng malalaking unan at isa-isa na ibinato sa kaibigan. Nakita na pala niya si Daryl na naka-brief lang. Pero mga bata pa sila noon. Lalo na sa tuwing naliligo sila sa ulan. Naghahabulan sila, nagsasabuyan ng tubig. Wala tuloy sa oras na napangiti si Carol nang maalala ang masayang kabataan nila. "Wow! You're smiling, huh? Mukhang nagustuhan mo ang nakita mo, ah," tudyo nito sa kaniya nang mahuli ang pagngiti niya. Muli niya itong binato ng unan. "You're bad, Daryl! Natatawa lang ako kasi naalala ko na Pokemon nga pala ang brand ng mga underwear mo noong mga bata pa tayo." Natawa siya nang malakas sa alaalang iyon. "Favorite character mo 'yon, 'di ba? Idol na idol mo rin noon si Ash Ketchum," panunukso pa niya sa kaibigan na ang tinutukoy ay ang batang-lalaki na bida sa nasabing anime series. Siya naman ngayon ang humagalpak ng tawa. Lalo siyang naaliw nang makita ang napipikong reaksiyon ni Daryl. "Asar-talo!" ani Carol at tumawa na naman. Pero agad din naman itong bumawi. "Palibhasa inggit na inggit ka sa'kin noon. Kasi walang mga animated undies ang magkasya sa'yo. Baby ka pa lang kasi pero adult diaper na ang suot mo. Tabachingching ka kasi, eh." Ito naman ngayon ang bumunghalit ng tawa. Ganoon lang talaga sila kung mag-asaran. Walang preno-preno. Kaso sa kanilang dalawa, si Carol itong totoong asar-talo. Lalo na kapag tinitira ni Daryl ang ka-cute-an ng katawan niya. "Okay, fine!" napipikong mamaktol ni Carol. "Ako na ang mataba! Ako na ang baboy!" At saka akmang magwo-walkout. Pero mabilis na iniharang ni Daryl ang katawan nito sa pintuan. Kakamot-kamot ito sa ulo. "Tingnan mo 'to. Ang lakas-lakas mong mang-asar tapos magwa-walk out ka. Pikunin ka talaga," reklamo ng kaibigan niya. "Nakaka-hurt naman kasi ng feelings yong biro mo, eh. Parang wala ka na ring pinagkaiba sa mga taong tumatawag sa'kin na dambuhala," mangiyak-ngiyak na reklamo rin ni Carol. Lumamlam ang mga mata ni Daryl at saka siya hinawakan sa kamay. "I'm sorry... I didn't mean it. Nadala lang ako sa biruan natin." "Huwag ka nang bumawi. Totoo naman ang sinabi mo, eh. Tabachingching ako," nanghahaba pa rin ang ngusong saad ni Carol. "Tanggap ko naman 'yon pero masakit talaga kapag ikaw ang nang-asar." "Joke lang 'yon. Gusto mo, patunayan ko pa sa'yo na cute ka lang at hindi tabachinghing, eh." At bago pa man niya mahulaan ang gagawin ni Daryl ay binuhat na siya nito at ibinalik sa kama. Walang nagawa ang dalaga kundi ang tumili na lang "See? Hindi ka mataba kasi nabuhat kita." Hinampas niya ito sa braso. "Malamang! Ang laki-laki niyang katawan mo, eh." "Macho ba ako?" pilyo nitong tanong bago tumabi ng higa sa kaniya. Ipinatong ni Daryl ang braso sa ibabaw ng noo at bumuntong-hininga habang nakatitig sa kisame. "Hah! Time flies so fast, doesn't it? Parang kailan lang noong mga bata pa tayo na naglalaro dito sa kuwarto ko." She sighed deeply as an old feeling filled her heart completely. Ang saya-saya nila noon ni Daryl habang walang sawang nagtatalon dito...sa parehas na kama. "I really miss those days..." emosyonal na sambit niya. "Magagawa pa kaya natin ito? Ang magkatabing humiga kapag tumanda na tayo?" curious na tanong ni Daryl. "Imposible na siguro. Kasi may asawa ka na no'n. Ako naman ay siguradong nasa kumbento na at nagsisilbi sa Diyos." Mula sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita ni Carol na lumingon at tumitig sa kaniya si Daryl. "Baka hindi na rin ako mag-asawa," biglang pahayag nito. Awtomatiko siyang napatingin dito nang mahimigan ito ng kalungkutan. "Ha? Bakit naman?" "Hmm. Depende siguro...kung ang babaeng mahal ko ang ihahatid ko sa altar," seryoso nitong tugon habang titig na titig sa kaniya. "Pero kung hindi lang naman siya ang mapapangasawa ko, mas okay pa na maging single forever na lang ako." "What? Seryoso ka?" hindi makapaniwalang bulalas ni Carol. " Ang guwapo mo. Sayang ang lahi kung hindi mo pararamihin." She made him smile. "I just can't imagine sharing my life with another woman," kapagkuwan ay seryoso na naman na wika ni Daryl. "Baka manibago ako kapag hindi ikaw ang kasama ko araw-araw..." As Daryl stared at her so fixedly, her heart started to rumble. Napalunok si Carol at mabilis na umiwas ng tingin. Mahirap ipaliwanag pero mayroon sa mga tinging iyon ng best friend niya na hindi niya mahulaan kung ano. Maging ang katumbas ng mga salitang iyon ay parang humaplos sa kaniyang puso. She was feeling it now, in a way that felt romantic... OMG, she's your bestfriend, Carol Grace Ocampo. At lalong hindi puwede itong nararamdaman mo. You shouldn't be feeling this way. Magtatampo sa'yo si God. mabilis niyang saway sa sarili. "Anyway, bakit nga pala wala ka ng mga poster ng Spiderman? Wala na rin 'yong mga stuff collection mo," pag-iiba niya ng usapan habang iginagala ang mga mata sa paligid ng kuwarto ni Daryl. Naramdaman ni Carol ang paghigit nito ng malalim na hininga. "Simula ngayon, ayaw ko na sa Spiderman. Lalo na sa Tom Holland na 'yon." Kumunot ang noo niya. "Ha? Bakit naman?" "Basta. Kaya simula ngayon ayaw ko na rin na nagbabanggit ka ng tungkol sa kaniya, okay?" Nagtataka man sa bitterness ni Daryl ay napatango na lamang si Carol. Hindi na siya nag-usisa pa. "Okay, kung 'yan ang gusto mo. You know naman, gaya-gaya lang ako sa mga gusto mo." Napangiti rin ito sa wakas. Kinurot siya nito sa pisngi. "Oo nga, eh! Anyway, bakit nga pala ang aga mong nambulabog?" "Yayayain sana kitang mamasyal. Funny World tayo?" Kumislap ang mga mata ni Daryl. "Wow! Ang pogi ko naman... May magandang binibini ang maagang nagyaya ng date sa'kin." "Tse! Sira! Ano? Let's go?" "Cool! Maligo ka na para makaalis tayo nang maaga at makadami ng rides." Tinulungan siya nitong makatayo. Inalalayan din siya ni Daryl pagbaba ng kama. Excited siyang humakbang palabas ng kuwarto. Ngunit muli siyang tinawag ng kaibigan. "Carol..." "Bakit?" baling niya rito. "Huwag mo ng ulitin 'yon, ha?" Kumunot ang noo niya. "Iyong pagpasok mo basta-basta dito sa kuwarto ko."We're not kids anymore. I hope you know what I mean," he explained gently. Napatango na lang si Carol bago lumabas ng kuwarto ni Daryl. Noon lang niya naunawaan kung bakit ito nagalit sa kaniya kanina. Hindi na nga pala sila mga bata. Marami ng mga bagay ang akward na makita o gawin nila sa isa't-isa. Nang makalabas siya sa bahay nina Daryl, kumunot ang noo niya nang makita niya sa basurahan ang mga Spiderman collection nito. Nagtataka siya kung bakit itinapon ng kaibigan niya ang mga iyon. Samantalang pinaghirapang ipunin ni Daryl ang mga iyon. May mga pagkakataon pa na nagtitipid sila ng mga baon nila para lang mabili ang mga iyon. Pinulot ni Carol ang poster ni Tom Holland. Punit-punit na iyon. Mukhang kinarate ni Kung Fu Panda. Galit ba si Daryl sa bida ng Spiderman? Pero bakit naman? Napakibit-balikat na lang si bago pumasok sa bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD