SAVING SISTER CAROL

2154 Words
Present time... TAHIMIK ang grupo ni Daryl na nasa loob ng van habang tinatahak ang madilim at lubak-lubak na daan palabas ng Sierra Cristobal. Ang Sierra Cristobal ay isang liblib na lugar sa Mexico na nasa gitna ng kabundukan. Paborito iyong dayuhin ng mga pirata dahil madalas din na puntahan ng mga pilantropo at pribadong organisasyon na nagbibigay ng tulong sa mga komunidad na hindi pa abot ng sibilisasyon. Halos lahat ng mga pirata na dumadayo roon ay mga halang ang kaluluwa. Marami na rin ang napatay na mga inosente at sibilyan. Nabalitaan ni Daryl na nagkaroon ng medical mission sa Sierra Cristobal ang ex-girlfriend niyang si Carol na isa ng madre. Sa kabila ng galit ni Daryl kay Carol ay hindi pa rin niya kayang mapahamak ito. Pumunta sila roon para iligtas si Carol. Pero dahil nasa giyera ang karamihan sa mga tauhan at kaalyansa niya kaya pito lang sila ang lumusob para protektahan si Carol. Akala nila ay kaya lang nila ang grupong Black Kiddz na nabalitaan nilang siyang sumasakop ngayon sa Sierra Cristobal dahil baguhan lamang ang nasabing grupo. Kasama naman ni Daryl ang anim sa matatapat at magagaling niyang tauhan. Kaya nagulat ang grupo ni Daryl nang biglang dumating ang isa sa pinakamalaking grupo ng pirata sa Mexico, ang Maria Cedez. Bilang pinuno ng Los Collazos cartel, wala sa bokabularyo ni Daryl ang umatras sa ano mang laban. Pero kapag nakita niya na nasa alanganin ang buhay ng mga kasamahan niya ay umaatras siya. Pinoprotektahan niya ang kaligtasan ng mga ito hangga't kaya. Mas pipiliin pa niya na mamatay kaysa ang malagasan ng kasama. At isa iyon sa mga ugali niya na nagustuhan kahit ng mga kalaban niya. Kahit pa isa siya sa itinuturing na heartless Mafia Lord ng Mexico pagdating sa mga kalaban. Kaya nga napilitan na si Daryl na umalis sa laban kanina kahit ayaw sumama ni Carol. Bukod doon, nasaktan din siya sa pagpili ni Carol sa mga kasamahan nito, at mapahamak ang sarili kaysa ang maging ligtas at sumama kay Daryl. Pakiramdam niya ay naulit lang ang sakit na ipinaramdam sa kaniya noon ni Carol nang piliin nito ang pagmamadre kaysa sa kaniya at sa pagmamahalan nila. "We need to get out of here. Alive," mariing wika ni Daryl habang nakatitig sa labas ng bintana. Puno ng galit ang mga mata niya. And even if he did not admit it, deep down, he was worried sick about Carol. "Boss D, okay ka lang?" tanong ni Marco, ang Filipino-Mexican na kanang kamay at kaibigan ni Daryl. Lahat ng nasa van sa mga oras na iyon, maliban kay Daryl, ay mga Filipino-Mexican. Tumango si Daryl. Pero hindi siya tumingin kay Marco. Ni hindi siya nagsalita. "Boss, nakita ko ang grupo ng Maria Cedez," sabi ng nasa likod niya, si Mateo. "Sila pala ang bagong kaalyansa ng Black Kiddz kaya iisa sila ng porma at style sa pakikipaglaban." "Matagal na tayong markado ng Maria Cedez dahil sa pagpat*y natin sa dating leader nila kaya siguradong hindi sila titigil hangga't hindi nila tayo nahuhuli," dagdag naman ni Santiago." We're in deep s**t, jefe." Boss "Kaya nga kailangan nating makalayo rito. Siguradong hinahabol na tayo ng mga putang in* na 'yon." Napakuyom siya. "Kailangan nating makarating sa hangganan bago pa man dumilim. Mas kabisado nila itong kabundukan kaysa sa'tin." "Pero paano naman si Sister Carol, Boss?" baling uli sa kaniya ni Marco. "Iiwanan ba talaga natin siya? Siguradong hindi siya bubuhayin ng mga hinay*pak na 'yon." "She wants to throw her life away? Her choice, then. Not my problem," malamig na tugon ni Daryl. Natahimik muli ang grupo. Tanging ang tunog ng makina ng van ang naririnig sa mga oras na iyon. Noon pa man ay hindi inilihim ni Daryl sa matatapat niyang tauhan ang tungkol sa kanila ni Carol. Kaya nga hindi siya nahirapan na kumbinsehin ang mga ito na samahan siyang iligtas ang dating nobya. "Sigurado ka, Boss D? Kapag nalaman ng Maria Cedez ang kaugnayan ni Carol sa'yo, siguradong pahihirapan muna siya bago patayin," paniniguro ni Marco. Napakuyom si Daryl. Umigting ang kaniyang panga. He could not bear the thought of Carol being tortured by his enemies. Images flashed in his mind like a nightmare. Her screams, her tears, her pain... Pinagpawisan siya nang malapot sa noo. "No," he growled. Binalingan niya si Marco. "We're gonna save her, no matter what it takes." Napalingon siya nang marinig ang ugong ng sasakyan na nakabuntot sa kanila. Napamura siya nang bigla na lang pinaulanan ng bala ang van nila. Kung liliko sila at babalik sa pinanggalingan, para na rin silang nagpakamatay. Pero paano naman si Carol? "Iliko mo ang sasakyan. Ngayon na!" utos niya kay Marco. "We gotta get back there!" Agad namang tumalima ang kaibigan niya. Halimaw ito pagdating sa pagmamaneho. Isa si Marco sa kilala at hinahangaan na car racer sa buong Mexico kaya nga ito ang itinuturing na runner ng Los Collazos. Ramdam na ang tensiyon sa loob ng van habang kaniya-kaniya na ng hawak ng armal*te ang mga kasamahan niya. They were outnumbered. And Maria Cedez was not a group to be messed with anymore. Hawak na ito ng mas malalaking organisasyon simula nang patayin ni Daryl ang leader ng mga ito. Mabilis na pinatakbo ni Marco ang van habang humahabol sa kanilang likuran ang mga bala ng baril. "We're not gonna die here. Not today, cabrones." Buddies. Nilingon ni Daryl ang pick-up na humahabol sa kanila. Nasa likuran niyon at nakatayo ang mga lalaking bumabar*l sa kanila. Inilabas niya ang dulo ng kaniyang bar*l at sunod-sunod na nagpaputok. Hindi pa siya nakuntento nang matamaan niya ang dalawa sa mga iyon at nahulog sa kalsada. Binuksan niya nang malaki ang bintana. Inilabas niya ang kalahati ng katawan at matapang na nakipagbar*lan. "Kami na ang bahala dito sa likod, Boss D," sabi ni Mateo. "Kailangan mong protektahan ang sarili mo. You're the boss." Tumango si Daryl. Pero bago siya sumunod ay pinatumba muna niya ang may hawak ng machine g*n. "Cachè!" Gotcha! "Ang galing mo talaga, Boss D!" sabay-sabay at humahangang saad ng mga kasamahan niya. Lima na lang ang sakay ng pick-up na bumabar*l sa kanila. Tatlo sa likod at dalawa sa loob, kasama ang driver. Pero may isa pang sasakyan ang biglang lumabas mula sa kalsada na nadaanan nila at pinagbabaril din sila. At hindi lang iyon. May sumalubong pa sa kanila na mga motorsiklo. Nagpaulan din ng bala. Wala talagang balak na paalisin sila nang buhay sa lugar na iyon! "Kailangan nating makabalik agad sa Sierra Cristobal. Si Carol..." Napuno ng galit at pag-alala ang mukha ni Daryl. "I can't lose her again. Not like this." Napailing siya. "No way." Bakit kasi umalis pa siya at iniwan si Carol sa bundok na iyon? Bakit nagpadala siya sa emosyon? Biglang tumigil ang van kung kailan naman nakalayo na sila sa mga kalaban. "Boss, roadblock!" sigaw ni Marco. "F*ck!" Napamura si Daryl nang makita niya ang malalaking punongkahoy na nakaharang sa kalsada. Sariwa pa ang mga iyon kaya siguradong kagagawan iyon ng mga kalaban. He looked around. Wala na silang ibang puwedeng daanan. Pero kung babalik sila, puwede silang mag-short cut sa kalsadang nadaanan nila kanina. Hindi na nila kailangang salubungin ang mga kalaban. Pero paano naman si Carol? "Ako na lang ang babalik sa Sierra Cristobal. Umuwi na kayo," bilin niya sa mga kasamahan. Lumabas ng van si Daryl. Nakahanda na ang baril niya. Pero mabilis naman na sumunod sa kaniya sina Marco. "Hindi ka namin iiwan. Magkakasama tayong pumunta rito kaya magkakasama rin tayong lalabas. Buhay man o patay," puno ng determinasyon na wika ni Santiago. Ganoon din ang sinabi ng iba pa. At alam ni Daryl na hindi niya mapipigilan ang mga ito kaya pumayag na lang siya. Hindi na kakayanin ng oras kung tatanggalin pa nila ang mga nakaharang sa daan at pipiliting sumakay sa sasakyan. Kaya iniwan na lang nila ang van at sabay-sabay na tumakbo. Hindi naman na iyon ganoon kalayo sa kinaroroonan nila ni Carol. Malapit na sila nang makita ni Daryl isang grupo ng mga armadong lalaki na nakabantay sa paligid. Pero hindi niya nakita si Carol o ang mga kasamahan nito. Galit na galit na pinaulanan sila ng bala nang makilala ang grupo niya. "Daryl! Sumuko ka na!" sigaw ng isa sa mga ito. Halos lahat sila ay mga Mexicano at miyembro ng Maria Cedez. "Hindi ka makakalabas nang buhay dito. You're surrounded!" "F*ck you! Hindi ako sumusuko. Alam n'yo 'yan. Uubusin ko kayong lahat!" nanghahamon na sigaw din ni Daryl habang nagkukubli sa damuhan. Nasa tabi niya si Marco at nagsesenyasan sila ng dapat na gawin. Habang nasa likuran naman nila sina Mateo at iba pa. Naghihintay ng iuutos ni Daryl. "Boss, nasa likod natin ang Black Kiddz," bulong ni Marco. "Nakapalibot sa'tin." Pagkarinig niya sa sinabi ni Marco ay agad niyang sinenyasan si Mateo na pumunta sa malaki at mataas na bato. May bitbit ito na sniper rifle dahil ito ang sniper ng kanilang grupo. Bagaman at kaya rin naman ni Daryl na maging sniper pero si Marco talaga ang pinakamagaling sa kanila. Ilang sandali pa ay narinig na lang nila na may mga umigik na sa paligid nila. Saka sila sinenyasan ni Mateo na puwede na raw umalis sina Daryl at Marco para hanapin si Carol. Ba-back-up-an naman daw sila ng mga kasamahan nila. Pagkaalis nila ni Marco ay sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Nakita niya na nakikipaglaban ang grupo niya sa mga natirang miyembro ng Black Kiddz. Samantalang si Mateo naman ang ang taga-baril sa mga Maria Cedez na humaharang sa daraanan nina Daryl at Marco. "Boss, maghiwalay tayo. Para mabilis natin mahanap si Carol," suhestiyon ni Marco. Tumango siya. "Mag-ingat ka." Tinapik niya sa balikat ang kaibigan bago nagmamadaling umalis para hanapin si Carol. Patuloy na pumuputok ang mga baril sa paligid. Daryl ran. Where was Carol? May nakita siyang maliit na bahay. Basag ang salamin ng bintana. Tumakbo siya papasok habang iniingatan na maglikha ng ingay ang mga paa. "Carol!" sigaw niya nang makapasok siya sa loob pero walang tao. Wala ring sumasagot. His heart thundered in his chest like a drum. Where the hell was Carol? May nakita si Daryl na maliit na pinto. Dahan-dahan niyang itinulak iyon gamit ang isang paa habang nakatutok ang dulo ng baril at binubuksan niya ang pinto. Nakita niya ang isang babae sa sulok na takot na takot. "Carol!" "Daryl!" gulat na gulat din ito nang makita siya. Lalong napuno ng takot ang mga mata nito. "Umalis ka na dito! Papatayin ka nila!" Pero huli na ang lahat. Naramdaman na ni Daryl ang isang lalaki sa likuran niya at nakatutok ang baril sa ulo niya. Saka naman lumabas ang isa pa at tinutukan din sa ulo si Carol. "Sumuko ka na, Daryl," sabi ng lalaki sa likuran niya. "Or else, we're gonna kill that woman. It's your call." Napalunok si Daryl. Napuno ng takot at galit ang puso niya. Simula nang pumasok siya sa mundong ito, noon lang niya naramdaman ang ganoong klase ng takot. "No la toques, pendejo! Es inocente la morra." Don't touch her, assh*le! She's innocent. Ngumisi lang ang lalaki na tila nang-aasar pa. "Sige na, sumuko ka na lang..." Umigting sa galit ang panga niya. "Leave her alone. Ako ang kailangan n'yo, 'di ba?" "Just drop your weapon, assh*le." Nakita ni Daryl si Marco na nagtatago sa labas ng bintana. Sinenyasan siya nito na ito raw ang bahala sa lalaking nasa likuran niya. "Tengo a tu amigo, y harás lo que yo diga..." I've got your friend, and you'll do what I say... pagbabanta uli ng lalaki. Mayamaya lang ay umilag si Daryl. Kasabay ng pagputok ng baril ni Marco mula sa labas ng bintana ay ang pagputok din ng baril niya. At kasabay din ng pagtumba ng lalaki sa likuran niya ay ang pagbagsak sa sahig ng lalaking may hawak ng baril na nakatutok kay Carol. They're both bloodied and lifeless. Tumakbo siya palapit kay Carol. Sandaling nakalimutan ni Daryl ang sitwasyon nila at ang galit na naramdaman niya rito. Niyakap niya ito. "Carol! Are you okay?" Umiiyak na tumango ito. "O-okay lang ako, Daryl. Salamat at bumalik ka." Mayamaya ay kumalas ito. "P-pero 'yong mga kasamahan ko... kailangan natin silang iligtas." Eksaktong dumating ang mga tauhan ni Daryl at kasama ang mga taong tinutukoy ni Carol. "Boss, okay ka lang?" tanong ni Mateo. Tumango siya. Nagyakapan naman sina Carol at mga kasamahan nito. "Kailangan na nating umalis dito. Dehado tayo kapag inabutan tayo ng gabi at dumating ang back-up ng mga kalaban," sabi ni Marco. "Hindi natin kabisado ang buong lugar." Nang mapatingin si Daryl kay Carol at nagtagpo ang kanilang mga mata, saka lang niya naalala ang katayuan nila. Unti-unting nawala ang emosyon sa kaniyang mga mata. "Daryl—" "Vamos! Vamos!" Let's go! Let's go! malakas na sigaw ni Daryl at mabilis na umiwas nang akmang lalapitan siya ni Carol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD