SUPERHERO

1473 Words
WALANG kasabay si Carol nang pumunta siya sa canteen para mag-recess. Lumabas kasi si Allison. At si Daryl naman ay hindi niya alam kung saan nagpunta. Basta na lang ito nawala sa paningin niya pagka-dismiss ng klase nila. Bungad pa lang ng canteen ay pinagtinginan na si Carol ng mga kapwa estudyante. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa wallet dahil sa pagkailang. Pinipilit naman niya na huwag magpaapekto pero hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na masaktan. Sa mga ganitong pagkakataon niya nasasabi sa sarili na baka kailangan na talaga niyang magpapayat. Baka panahon na para kontrahin niya ang paniniwala ng mga magulang niya. Pero kapag naiisip naman niya na hindi niya kailangang magpa-seksi para sa pagmamadre ay agad iyong nabubura sa utak niya. Ang sabi nga ng parents ni Carol, hindi raw niya kailangang magbago para lang sa paningin ng ibang tao. "Tol, dalian mo! Bumili ka na. Parating ma ang dambuhala. Baka maubusan tayo ng pagkain." Narinig ni Carol na wika ng isang lalaki mula sa isang grupo na nakaupo sa lamesa na nadaanan niya. "Dapat may sariling canteen 'yan, eh," dugtong naman ng isa pang lalaki na sinabayan pa ng malutong na halakhak ang panlalait sa kaniya. Napakagat-labi na lamang si Carol at yumuko para ikubli ang pagkapahiya. Nakahinga lang siya nang maluwag nang marinig niya ang boses ni Daryl. "May problema ba kayo sa girlfriend ko, mga bro?" anito sa maangas at mapang-angkin na boses. Sadyang matapang at maangas talaga ang dating ni Daryl sa tuwing ipinagtatanggol nito si Carol. Hindi ito likas na basagulero. Pero handa itong makipag-away pagdating sa kaniya. Kaya nga napakasuwerte niya at may matalik na kaibigan siya tulad ni Daryl. Puno ng pagtatakang nilingon niya si Daryl. Kailan pa nito ginamit na excuse ang pagiging boyfriend-girlfriend kuno nila para ipagtanggol siya? Pinakiramdaman ni Carol ang sarili dahil baka atakehin siya sa puso sa sobrang lakas ng t***k niyon. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan sa huling sinabi ng best friend niya. "Okay ka lang ba?" puno ng pag-alala na tanong ni Daryl nang lapitan siya. Doon lang niya namalayang hawak na pala nito ang kaniyang mga kamay niya. "Nanlalamig ka kasi. May ginawa ba sa'yo ang mga kolokoy na 'yon?" Napatingin siya sa kinaroroonan ng mga lalaking nam-bully sa kaniya kanina. Napahiya yata nang komprontahin ni Daryl kaya napayuko na lang nang tingnan ni Carol. At umalis na rin agad kahit hindi pa tapos kumain. O baka natakot din kay Daryl. Sitahin ka ba naman ng campus heartthrob, eh. "Sinaktan ka ba ng mga `yon?" tanong ulit ni Daryl habang tinitingnan nang masama ang mga lalaki na palabas ng canteen. "Uupakan ko talaga ang mga iyon." "O-okay lang ako. Sanay naman na ako sa mga katulad nila. Huwag mo na lang patulan," pigil niya rito nang akmang hahabulin nito ang mga lakaki. "Sa'kin, hindi puwede 'yon, Carol. Mananagot sa'kin ang kahit sinong magkamaling awayin o insultuhin ang ma...a-ang bestfriend ko." "Weh?" Inismiran niya ito. "Eh, bakit ikaw? Palagi mo na lang pinagti-tripan ang mga baby fat ko?" Nangggigigil nitong kinurot ang kaniyang pisngi. "Hindi po 'yon panglalait. Paraan ko 'yon para lambingin ka. Hindi ka na nasanay sa'kin," pagtatanggol ni Daryl sa sarili. "Okay, sige na nga. Basta sa susunod huwag mo ng ulitin 'yong ginawa mo kanina, ha?" Kumunot ang makinis nitong noo. "Alin? Iyong ipagtanggol ka?" "H-hindi. Iyong ipagsabing girlfriend mo ako... Baka isipin ng iba na totoo 'yon. Baka pagselosan pa ako ng mga babae mo... lalo na ni Briella," paliwanag niya. "At bawal 'yon sa'kin, 'di ba? Pa'no na lang kung narinig ka nina Mommy at Daddy o kaya ay ni Father Florencio. Nakakahiya." "Ah 'yon ba?" nakasimangot na sagot ni Daryl. "Don't worry dahil ginamit ko lang 'yon na paraan para tantanan ka na nila. Promise, hindi ko na 'yon uulitin," walang kagana-ganang dugtong pa ni Daryl bago ito um-order ng pagkain nila. Nagtataka man sa biglang pagpalit ng reaksiyon ng kaibigan ay sumunod na lang siya rito. ISANG UMAGA, habang nagdidilig ng mga bulalaklak sa hardin si Carol ay nakita niya si Daryl na bihis na bihis. Kumunot ang noo ng dalagita. Wala siyang natatandaang lakad nila ngayon. "Ang pogi natin ngayon, ah. Saan ang lakad?" tanong niya rito at sandaling itinigil ang pagdidilig. "Manonood ng Spiderman," seryosong sagot ni Daryl. Ni hindi man lang siya nginitian o kaya ay binati ng 'good morning'. Samantalang palagi naman itong bumabati sa kaniya kapag nakikita siya sa umaga. Noong nakaraang linggo pa napansin ni Carol na parang umiiwas sa kaniya ang kaibigan. Na hindi niya alam kung bakit. Ang natatandaan lang niya, nagsimula iyon noong nasa canteen sila at ipinagtatanggol siya nito sa mga bully. Simula noon, parang naging suplado na sa kaniya si Daryl. Pero hindi na lang niya pinapansin. Ganoon din naman siya kung minsan. May toyo na, may topak pa. Kumunot ang noo ni Carol. "Ha? Spiderman again? Pero ilang beses na nating napanood 'yon, ah?" "Sasamahan ko lang si Briella. Hindi pa daw kasi siya nakapanood, eh. Magde-date na rin siguro kami." Pakiramdam ni Carol ay kinurot ang kaniyang puso sa huling sinabi ni Daryl. Hindi pala ito umiiwas sa kaniya. Sadyang busy lang sa panliligaw kay Briella. Mukhang nagkakaunawaan na nga ang dalawa. Hindi sinasadyang naapsimangot ang dalaga. "Eh, bakit kailangang ikaw pa ang isama niya? Wala ba siyang mga kaibigan?" Para siyang batang nagmaktol. "Sabihin mong nagsawa ka na sa Spiderman kasi ilang beses na nating napanood." "Wala pa nga gaanong kaibigan 'yon dito, 'di ba? Alam mo naman na bagong lipat lang sila dito sa Greenland," katuwiran ni Daryl. "Kaya wala siyang kasamang manood. Kawawa naman kung 'di ko samahan. Free naman ako today." "Sus! Kunwari lang 'yon. Gusto ka lang talaga makasamang manood ng sine ng Briella na 'yon. Para namang hindi ko napapansin na gusto ka rin niya." "Bakit ba ang init-init ng dugo mo sa kaniya? Nagseselos ka, 'no?" nakangisi nitong tanong. Ngayon lang niya ulit nakita ang kislap sa magaganda nitong mga mata. Pati ang ngiti sa mga labi ni Daryl. "Hindi, 'no!" mabilis naman na tanggi ni Carol. "Hindi ko lang maintindihan kung bakit bigla ka na lang nagkaroon ng crush. Dati naman, kuntento ka nang mga babae lang ang naghahabol sa'yo. Pero ngayon, may pa-date-date ka pang nalalaman. Kasama ba 'yan sa growing up?" He stared at her so stably. "Sino naman ang nagsabi sa'yo na wala akong crush? Na never pa akong nagka-crush?" puno ng kaseryosohan ang mukha na depensa ni Daryl. "Nagkataon lang na manhid siya. That's why I just keep it to myself na lang. Siguradong pagtawanan pa ako no'n kapag sinabi ko." Lalong napuno ng pagtataka ang mukha ni Carol. "Sino pa ba `yong crush mo bukod kay Briella?" Sumimangot ito. "Huwag mo na ngang alamin. Siguradong aawayin mo lang ako kapag nalaman mo." "I hate you!" naiinis na hiyaw niya rito. "Kuwento-kuwento ka tapos bibitinin mo lang ako." "Sige... sasabihin ko sa'yo pero dapat sabihin mo rin sa'kin kung sino ang crush mo." Kinindatan siya ni Daryl. "Ano? Deal or no deal?" Iningusan niya si Daryl. "Seryoso ka talaga, ha? Kung makapagsalita ka naman parang hindi mo ako kilala. Walang space ang puso ko para diyan. I mean, sa crush-crush na 'yan. You know that." May gumuhit na lungkot sa mukha ni Daryl. "Talaga bang desidido ka ng mag-madre? Wala na ba talagang makakapigil sa'yo? Kahit ako?" "Sure na sure na po. At saka teka nga... bakit mo naman ako pipigilan?" natatawang tanong ni Carol. "Nanghihinayang lang kasi ako..." Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. "Nanghihinayang? Saan naman?" "Sa ganda mo," walang gatol na sagot ni Daryl, sabay kamot sa ulo. Her cheeks flushed. And she could not help but smile. "Siyempre best friend mo ako kaya maganda talaga ako." "Pero seryoso, Carol... wala ka talagang crush? Ever since?" pangungulit ni Daryl. Hindi niya maintindihan kung bakit parang sobrang dismayado ito. "Wala nga!" "Pero tao ka rin naman na may feelings. Kaya imposibleng wala kang nagugustuhan o kahit crush man lang," giit nito. "Wala nga!" aniiya sa tonong nakukulitan na. "Wala kang hinahangaang opposite s*x?" giit pa rin ni Daryl. "Puwedeng physical, ugali..." Sandaling nag-isip ang dalaga. "Hmm. Siguro Spiderman, at ikaw. Kasi parehas kayong guwapo at superhero." "Seriously?" tila dismayado na bulalas ni Daryl. "Hindi ba puwedeng wala ng Spiderman?" "Ano? Bakit naman?" Pumalatak lang ito. "Diyan ka na nga. Ang labo mong kausap!" anito at tumalikod na. Ni hindi man lang nagpaalam nang maayos. "Hoy, Daryl!" malakas na tawag ni Carol sa kaibigan pero nagbingi-bingihan lang ito. "Tingnan mo ang taong 'yon. Tatanong-tanong tapos magagalit sa sagot ko. May nasabi ba akong mali?" bubulong-bulong si Carol sa sarili habang hinahatid niya ng tanaw ang papalayong kaibigan. Napakamot na lang siya sa ulo bago tinapos ang pagdidilig nang tuluyan na itong nawala sa paningin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD