“ANAK, nandiyan pa ba si Daryl?” tanong ng ina ni Sister Carol nang makauwi siya galing sa bahay nina Daryl. Hindi naman niya inilihim sa mga magulang niya ang pagbisita ni Daryl sa lumang bahay ng mga ito. Naintindihan din naman ng mga ito kung ayaw pang humarap ng binata kahit sa mommy at daddy niya. Malungkot na tumango si Sister Carol. “Opo, ‘My. Pero hindi pa rin siya handa na humarap sa inyo. Galit pa rin siya sa’kin, eh.” “Hayaan muna natin si Daryl, anak. Baka naman nabibigla pa lang siya sa muling pagkikita n’yo,” sabat naman ng kaniyang ama. Napayuko siya. Ang totoo niyan, bumubuwelo na siya para aminin sa mga ito ang mga nangyari noon sa Mexico. Hindi na kaya ng konsensiya ni Sister Carol sa tuwing iniisip ng kaniyang mga magulang na iyon ang unang pagkikita nila ni Daryl

