KINABUKASAN, maaga pa lang ay nasa tapat na ng lumang bahay nina Daryl si Sister Carol. Hindi siya naka-belo o kahit nakasuot ng kuwintas na krus. Isang simpleng puting blouse, maong na palda, at ang lumang rosaryo na nakasuksok sa bulsa ang dala niya, hindi para magdasal nang malakas, kundi para may mahawakan siya habang nanginginig ang mga daliri. Kinakabahan siya sa naiisip niya nang araw na iyon. Kumatok si Sister Carol nang tatlong beses. Mahina lang. Ayaw niyang guluhin ang katahimikan ng umaga. Mukhang tulog pa kasi ang pakay niya. Hindi niya ito nakita kanina na lumabas o kahit sumilip man lang sa bintana ng silid nito. Aktong kakatok uli si Sister Carol nang bumukas ang pinto. Si Daryl. Itim na T-shirt ang suot at naka-pajama, gusot ang buhok, may malaking eyebags sa ilal

