KAGABI pa lang ay tinawagan na ni Daryl ang numero na ibinigay sa kaniya ni Briella. Walang kaalam-alam ang kaibigan niya na ang kontak na iyon na ibinigay ng boss nito sa bar na si Aldo ay may malaking papel sa pagbabalik ni Daryl sa Pilipinas. Si Estong. "Boss D," bungad nito sa kaniya sa kabilang linya nang tawagan niya. "Alam ko na kung saan makikita si Rafa. Sa Tondo. Likod ng palengke. Sa itaas ng karinderya ni Aling Rosa." Sinabi na rin ni Estong ang eksaktong address. "Hindi basta-basta nakikipag-usap iyang si Aling Rosa. Kailangan ng pampadulas. Alerto rin ang matandang iyon, Boss D. Mamimili o papatay lang ang tingin niya sa bawat lumalapit sa karinderya niya," dugtong pa ni Estong na may babala sa boses. Isinulat ni Daryl lahat ng mahahalagang detalye na ibinigay sa kani

