HINDI pa rin siya sigurado kung mananatili ba o babalik na sa Mexico. Bago siya natulog kagabi ay nanaig kay Daryl ang huli kaya nag-empake na naman siya. Pero kinabukasan, mas maaga pa sa mga manok, nandoon na ulit sa bahay nina Carol si Daryl. Nakita niya si Carol na nasa bakuran. Basa pa ang buhok nito at masiglang nagdidilig ng mga halaman. Hindi na niya ito inabala pa. Binuksan lang niya ang gate at iniabot ang isang tasa ng black coffee with no sugar. Gaya ng dati. Paborito iyon ng dalaga. "Ang aga mo, ah." Napangiti si Carol nang tanggapin nito ang kape. "Akala ko umalis ka na." "I didn't know where else to go," sagot ni Daryl na seryoso ang mukha. Umupo siya sa pang-isahang duyan. "Sa ngayon, ikaw lang ang alam ko na puwede kong puntahan..." Umupo ito sa mababang bato s

