"Gago ka kasi!" singhal ni mommy sa akin. "Saan natin hahanapin si Mikay ngayon ha?" sabi pa niyang gigil na gigil sa akin. Isang linggo ng nawawala si Mikay at lahat kami ay naghahanap. Pinuntahan namin ang huling pinag-withdraw-han niya ng pera ngunit ilang araw na kaming pabalik-balik at nagtatanong-tanong doon ay wala pa rin. Hindi pa rin siya makita. Hindi ako kinakausap ni Tita Helen sa tuwing pumupunta ako sa kanila para makibalita kay Mikay. Alam kong galit siya at naiintindihan ko naman iyon gan'on rin ang galit ni mommy sa akin everytime mabanggit sa usapan si Mikay at ang pag alis nito. "Kung hindi ka ba naman sira ulong hayop ka!" singhal ni Mae at nilapagan ako ng beer. "Iinom mo na lang 'yan!" Nandito kami sa bar dahil birthday ni Say, hindi sana ako pupunta pero mapilit

