Matapos ng gabing iyon ay lagi ko nang napapansin ang pagiging balisa ni Mikay, para bang lagi siyang takot. Malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman doon ang nangyaring pangha-harass ni Troy sa kanya. Humingi ng pasensya si Troy sa akin ng minsang magkita kami sa isang okasyon. Gusto niya rin daw mag-sorry kay Mikay pero hindi ko ito pinayagang makapunta pa sa bahay dahil pakiramdam ko na-trauma talaga si Mikay sa ginawa niya base sa kilos at takot na nakikita ko sa kanya. Para akong biglang natauhan sa nangyaring iyon, nagagalit ako sa sarili ko dahil ako mismo ay nagawan siya ng pagkakamali at napagsalitaan ko pa siya ng hindi maganda. Wala naman siyang kasalanan sa mga nangyayari pero bakit ko ba siya pinahihirapan? Kung tutuusin ako ang nakabuntis pero bakit siya ang dapat kong s

