Chapter 2

2476 Words
PAYAPA ring sumama si Agatha kay Baldwin sa Pilipinas. Siya ang escort nito sa halip na si Blandon. May malawak na property ang tatay nito sa Calamba Laguna. May mansyon doon at may tauhan si Xander na namamahala, ganoon din sa businesses na naiwan ng yumaong ama ni Agatha. He can’t imagine how rich this girl was. Her father owned the famous airline company in Tokyo, international hotels in Asia, bars, yacht clubs, malls, condominiums, and a private organization that helps to prevent the different types of trafficking syndicates. Ang kaso, naipasara ang organisasyon dahil sa isinampang kaso ng piskalya dahil umano sa mga ilegal ding negosyo. Sinusuportahan umano ni Mitsuki ang mga terorista at nagbibigay ng mga armas. Hindi siya lubos na naniniwala roon dahil may tiwala siya sa kanyang ama na hindi ito nakikipagkaibigan sa sindikato. Totoong may malaking gun store at laboratories si Mitsuki, pero ang alam niya ay legal iyon. Mitsuki was a ballistic expert, too. Though inamin ni Blandon na talagang may anumalya, naniniwala siya na hindi likas na masama si Mitsuki dahil sa ebidensyang nalakap ng awtoridad. Maaring ang ilang tauhan nito ang gumagawa ng ilegal na trabaho na hindi alam ng ginoo. Pagdating sa Shaturi mansion ay parang ibong nakawala sa hawla si Agatha. Panay ang takbo nito sa malawak na hardin ng ten hectares lot kung saan nakatayo ang three-story house, with Japanese inspired design. Nakangiti siya habang pinapanood ang dalaga na gumugulong sa lupa na nilalatagan ng pinong damo. Siguradong mangangati ang balat nito. Marami raw itong allergies sabi ni Xander. Kumislot si Baldwin nang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng kanyang pantalon. Dagli niya itong dinukot at sinagot nang malamang si Blandon ang tumatawag. “Yes, bro?” sagot niya. “Nakauwi ka na pala bakit hindi mo ako kaagad tinawagan? Ano, kasama mo na ba si Agatha?” kaagad ay papatak nito. “Yes, she’s with me now. We’re here at the mansion,” tugon niya. “Abnormal ka talaga, ano? Sinabi ko na tawagan mo muna ako bago kayo umuwi rito! May ipapagawa pa sana ako!” Nailayo niya sa tainga ang kanyang cellphone. “Puwede ba huwag mo akong sermonan? Ikaw na nga itong nakisuyo sa akin ikaw pa ang demanding. Ano ba kasi ang ipapagawa mo?” Nairita na siya. “Papasukin sana kita sa dating kuwarto na ginagamit ko sa mansiyon ni Mitsuki. May itinago ako roong lumang mapa. Mapa iyon kung saan matatagpuan ang underground facility ni Mitsuki. Naroon ang sinasabi ni Daddy na susi na hiniram sa kanya ni Mitsuki bago siya namatay.” Bumuga siya ng hangin. Saka niya na-realize na ang hirap pala ng trabaho ni Blandon. Maari naman siyang bumalik sa Japan kung may iuutos sa kanya si Xander. Magsasalita sana siya nang biglang may malagkit na bagay na sumalpok sa noo niya. “s**t!” Napamura siya nang maamoy ang mabahong tumama sa kanyang noo. Pagtingin niya kay Agatha ay binibilog nito ang medyo dry na popo ng baka. Binato siya ulit nito pero nakailag na siya. “Tangina!” malutong niyang mura. “Baldwin?” sambit ni Blandon sa kabilang linya. Gusto niyang magwala. “Bwisit ka! Bakit hindi mo ako na-inform na makulit pa pala sa tatlong taong gulang na bata itong babaeng ito?!” asik niya kay Blandon. Pinagtawanan siya nito. Sa inis niya ay pinutol niya ang tawag nito. Patakbo siyang pumasok sa malapit na palikuran at nilinis ang kanyang noo. Gigil na gigil siya. NALIGO na wala sa oras si Baldwin. Sa inis niya’y iniwan niya si Agatha sa katiwala ng mansyon na si Mang Armando. Wala pa silang na-hire na mga babaeng kawaksi sa bahay. Malamang siya ang maghahanap sa mga iyon. Alas-dose na ng tanghali kaya humihilab na rin ang sikmura niya. Pagdating niya ng Pasig City ay sumugod siya sa opisina ng Black Sparrow Organization, na pag-aari nila. Diretso ang pasok niya sa opisina ni Blandon. Napahinto siya nang maabutan ito na kahalikan ang asawang si Lily habang nakaupo sa couch ang mga ito. Natigil ang dalawa. Lily stared at him sharply. Ever since he met this gorgeous lady, he was never been felt comfortable with her. Mabait naman ito pero sadyang mabigat ang loob niya rito. Siguro dahil ang bilis nitong napaibig ang kapatid niya. Imagine, Blandon just met her in a bar, having a one-night stand, then nagpakasal after three months. Hindi kasi siya naniniwala sa love at first sight, lalo sa true love. Kahit isang beses na siyang na-in love, hindi iyon sapat upang maging agresibo siya. Sa huli kasi ay na-realize niya na hindi buong buhay niya ay mapapaligaya ng pag-ibig. Hanggang ligaw-biro lang siya. When he was in Canada, his co-soldier changed his lifestyle. He’s been sexually liberated. Going out with girls, having s*x, flirting a lot yet he’s still loveless. He never found love from those women. Si Amanda lang ang fling niya na nagpaibig sa kanya. Ang kaso, priority ng dalaga ang modeling career nito sa Australia at minsan lang umuwi ng bansa. Nagkikita naman sila kaso ramdam niya na hindi na siya mahalaga sa babae. They had a s****l relationship but not so active unlike before. So he admits that he could not found a serious relationship with her. Naging girlfriend niya ito ng isang taon pero nagdesisyon ang dalaga na maghiwalay sila dahil wala na itong oras sa kanya. Hindi na siya naghabol at nakontento na lamang sa kung ano ang benipisyong maibibigay sa kanya ni Amanda. Hindi niya maintindihan ang babae. Ayaw nito ng seryosong relasyon. Ayaw na natatali, well, ganoon din naman siya kaya siguro hindi sila magkasundo. They were just compatible in bed. “Ano na naman ang problema mo?” iritableng tanong ni Blandon. Naibaleng niya ang atensyon sa kakambal. Sinulyapan niya muli ang mag-asawa na naghalikan. Pagkuwan ay nagpaalam naman si Lily at lumabas. Inilapag niya sa lamesa ang dala niyang backpack. Nanggigigil pa rin siya dahil sa ginawa sa kanya ni Agatha. “Paano ba pinalaki ni Xander si Agatha? Parang hindi ata kilala ang popo ng hayop,” palatak niya. Tumawa pa si Blandon. Naiinis siya sa tawa nito, nakaloloko. Humalukipkip ito at sinuyod siya ng tingin. “You know, bro, you’re overreacting,” komento pa nito. “And what do you expect I am going to do? Binato ako ni Agatha ng popo ng baka!” Tumayo si Blandon. “Alam ko maiksi ang pisi mo sa katulad niya pero intindihin mo siya. Hindi siya lumaki na normal.” Mariing nagtagis ang bagang niya. “I would disagree about that fact, Blandon. Hindi totoong may sakit sa pag-iisip si Agatha. Matagal mo siyang nakasama pero hindi mo napansin ang mga nangyayari.” Kunot-noong tumitig sa kanya si Blandon. “What do you mean by that?” “Agatha was not mentally ill, caused by trauma. She’s in a good mind. Mali lang ang pagpapalaki sa kanya. Hindi siya na-expose sa public, kaya siguro limited lang ang alam niya pero walang malubhang problema sa utak niya, I proved it,” giit niya. Naging uneasy si Blandon. Lumapit ito sa lamesa at lumuklok sa swivel chair. “Nagduda na ako noon pero bihira ko nakakausap si Agatha kaya hindi ko napansin ang ibang bagay. Sa tatlong buwang pagpapanggap ko na tauhan ni Xander, never kong inusisa ang tungkol kay Agatha. Ang alam ko kasi talaga ay may problema siya sa pag-iisip. Hindi siya pinalalabas ni Xander ng kuwarto nito dahil nakagagawa siya ng bagay na mapanganib. May private doctor siya at tutor pero walang tumagal dahil nasasaktan niya. Tama ka, sobrang kulit niya,” kuwento nito. “Yes, given na ‘yon. Pero nabasa ko ang diary niya. Sa pagsasalaysay niya ng senaryo, hindi halatang may tama ang utak niya. Alam nga niya ang mga aparatos sa ospital, eh. Nabanggit niya sa diary na nagkaroon siya ng amnesia. May mali, Bland.” “Ano’ng mali?” curious na tanong ni Blandon. Lalo itong nabalisa. “Hindi ko alam na nagka-amnesia si Agatha. Ang sabi ni Xander, bata pa lang si Agatha ay may problema na sa pag-iisip at lumala dahil sa aksidente, kaya nga meron siyang private doctor.” Bumuntong-hininga siya. Mukhang tama siya, may mali sa pagpapalaki ni Xander kay Agatha. “I think may ginawa sa kanya si Xander kaya siya nagkaganoon.” Bumuga ng hangin si Blandon. “Come on, don’t focus on Agatha. May iba tayong misyon, Bald.” “Alam ko, pero si Agatha ang tulay natin, bro. Maaring isa si Agatha sa makatutulong sa atin.” “Ano ka ba? Lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo. Magiging escort ka ni Agatha dahil isa iyon sa utos ni Xander. Ito lang ang paraan para manatili ang koneksyon natin kay Xander at sa kumpanya ni Mitsuki. Ang importante ay makuha natin ang code para mabuksan ang underground facility. Ang habilin ni Daddy ang kailangan nating tutukan. Mahirap na baka maunahan tayo ng kaaway.” Ngumisi siya at humalukipkip. “Kaya nga tayo dumidikit kay Xander ‘di ba? So, ngayong inatasan ka na maging escort ni Agatha, bonus na ito. May mas malalim tayong access sa businesses ni Mitsuki.” “Ah basta, husayan mo ang pagpanggap baka mahuli ka ni Xander. Hindi puwedeng malaman niya na ikaw ang nakakausap niya. Hindi rin niya maaring malaman na anak tayo ni Daddy. Kaya apelyido ni Mommy ang ginamit ko sa profile ko na hawak ni Xander para safe. Kilala niya si Dad as Mitsuki’s escort. Pero posibleng alam niya ang connections ni Dad maliban sa personal na buhay. Hanggat may tiwala siya sa akin, wala siyang gagawing masama kontra sa atin. Importante rin na hindi niya malaman na meron tayong organisasyon na tumutulong sa batas upang masugpo ang mga sindikato.” “Copy.” Lumapit siya sa divider nang makita ang bote ng red wine. May kopita rin doon. Nagsalin siya saka sinimsim ang serbisa. “Huwag kang mag-alala, mahusay akong umarte,” nakangising sabi niya. “At pakiusap, maging mahinahon ka palagi. Kilala ako na kalmadong tao,” pahabol nito. “Depende sa sitwasyon. Eh kung kasing kulit ni Agatha ang madalas kong kasama, paano ako magiging mahinahon, bro?” angal niya. “Masasanay ka rin sa kanya.” He grinned. “Iyon na nga ang mahirap, ang masanay.” Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. “Loko ka, ginawa mong motel itong opisina ni Daddy, ah,” sabi niya nang mapansin ang kama sa extension ng office. “You know that sometimes I need to work twenty-four hours a day. Hindi mo kasi ako tinutulungan dati,” sabi nito, may tampo pa. Marahas niyang hinarap ang kapatid. Oo nga naman, simula noong namatay ang daddy nila ay si Blandon na mag-isa ang namamahala sa organisasyon. Nangako kasi siya sa daddy nila noon na itutuloy niya ang pagsusundalo kahit hindi niya gusto. Bata pa lang siya ay pangarap na niyang maging doktor, maging surgeon. Nalungkot siya nang maalala na doble ang kayod ng kanilang ama dahil mag-isa lang ito sa pagpapalaki sa kanila. Namatay ang mommy nila saktong naipangak sila. May komplikasyon sa puso ang kanilang ina noon. Their mom was a former lawyer, and her parents were both lawyers, too. Only daughter ang kanilang ina. Katunayan, itinatag ng mommy at ng daddy nila ang Black Sparrow Organization, to help the government to prevent illegal businesses and some other cases involving trafficking and illegal drugs. Isa si Mr. Mitsuki sa partner ng daddy nila sa organisasyon. Pero si Mitsuki lang ang nakaaalam ng private organization nila. “Ang dami kong pinagsisihan sa buhay ko, Bland. Natakot ako noong biglang nawala si Daddy. Na-realize ko na dapat pala noon ko pa siya sinunod sa mga plano niya,” seryosong pahayag niya. Sumandig siya sa pasamano at marahang sinimsim ang inumin. “I understand you, bro. Dad never blame you for being hardheaded. Inaamin naman niya na malaki ang pagkukulang niya sa atin. Hindi rin madali maging ama na walang katuwang sa pagpapalaki ng anak na kambal.” “Oo, ‘tapos parehong masaway,” amuse na sabi niya. Natawa si Blandon. “Mas pasaway ka, hangal,” anito. “Mas hangal ka naman!” ganti niya. Binato siya nito ng kinumot na papel pero kaagad niyang nasalo. Ganoon sila, away-biro pero never nauwi sa seryosong tampuhan. Mas matalas lang ang dila niya kumpara kay Blandon. Ito, mahaba ang pasensya, madaling magtiwala. Siya naman, walang tiyaga, mainitin ang ulo at may trust issue. Well, no one is alike even identical twins. They were just the same faces but never been the same when it comes to behavior. Mas marami siyang flaws, kalokohan kumpara kay Blandon. “Balikan mo na si Agatha baka biglang tumawag si Xander at mahuli ka na malayo sa dalaga,” mamaya ay sabi ni Blandon. “Kailangan ba talagang nakabuntot ako kay Agatha?” angal niya. “That’s necessary, bro. You’re an escort, so be with her all the time.” “Tsk! Sa kulit niyang iyon, baka matuyuan ako ng dugo sa utak.” “Iyan na nga lang ang tatrabahuhin mo nagrereklamo ka pa. Ikaw ang umupo rito at humarap sa stressful na trabaho.” He took a deep breath and poured some wine into his empty glass. “Mas mahirap pa ang trabahong ito kaysa makipagbarilan sa mga terorista,” aniya. Bumungisngis si Blandon. “Minsan sa buhay natin, kailangan ding mag-explore. Grab it, bro. Malay mo baka ma-in love sa ‘yo si Agatha. Imagine how rich she was? Hihiga ka sa ginto at dolyares.” “Silly. I had an investment already, I don’t need Agatha’s wealth,” pagyayabang niya. “Huh! Ang bar and beach resort mong business sa Batangas? Seasonal ang income roon, bro.” “At least I have peace of mind,” depensa niya. “Whatever. Balikan mo na si Agatha, baka nilayasan na ng caretaker dahil sa kakulitan.” Napasintido siya nang maalala na kailangan niyang maghanap ng kawaksi sa mansyon. “Puwede bang ikaw na ang mag-hire ng mga katulong sa mansyon? Kahit tatlo lang, ‘yong gagawa ng trabaho sa bahay, magluto, maglaba, at maglinis,” pakiusap niya sa kapatid. “No problem. Apat na, kailangan ni Agatha ng babysitter,” sabi nito. Napangiwi siya. “Don’t say hindi pa marunong maghubad ng underwear ‘yon?” walang gatol na sabi niya. Humalakhak si Blandon. “Marunong naman, pero siymepre, kailangan may mag-aasikaso sa lahat ng kailangan niya. Maniwala ka, nanonood ‘yon ng erotic movies. Pero huwag mong panonoorin ng horror, mahihirapan kang pakalmahin siya.” “What the heck?” manghang komento niya. “Basta, pag-aralan mo siya. Kapag nakuha mo ang loob niya, magkakasundo kayo.” Iiling-iling na kinuha niya ang kanyang bag. Inisang lagok niya ang laman ng kanyang kopita. Pagkuwan ay nagpaalam na siya kay Blandon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD