LIEZEL DELA CRUZ Sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang panahon ay natulog akong katabi si Josh. Parang bumalik ang lahat sa akin. Yung mga panahong bago pa lang kaming nagsasama. Ang sarap sa pakiramdam na kahit wala siyang maalala tungkol sa akin, mas pinili niya pa rin ako. Tahimik lang kaming dalawa sa una. Nakahiga siya sa tabi ko, nakatingin sa kisame. Ako naman, palihim siyang pinagmamasdan, iniisa-isa ang bawat detalye ng mukha niya na matagal kong hindi nasilayan nang ganito kalapit. “Hindi ka pa rin ba inaantok?” mahina niyang tanong, hindi man lang ako nililingon. “Hindi pa,” sagot ko, pilit na pinapakalma ang t***k ng puso ko. “Ikaw?” “Hindi rin. Ewan ko… parang may kulang pero hindi ko maintindihan kung ano.” Napangiti ako nang bahagya. “Siguro naninibago ka lang.”

