CHAPTER 72

1011 Words

LIEZEL DELA CRUZ Nakalipat na ako dito sa bayan. Ilang buwan na rin akong nakatira sa bahay ni Adrian. Nakapasok na rin ako bilang nurse sa isang malapit na ospital dito sa tulong pa rin niya. Maglilimang buwan na rin pala ang tiyan ko. Kahit nahihirapan akong pumasok minsan ay kinakaya ko pa rin para sa paghahanda sa panganganak ko. Sa ngayon maayos naman ang pagbubuntis ko. Hindi ako pinababayaan ni Adrian. Simula nang dito na ako tumira, sa wakas ay nagkaroon na rin ako ng peace of mind. Malayo sa magulong nakaraan. Malayo sa kanya. Paminsan-minsan ay napapahawak ako sa tiyan ko habang nakaupo sa nurse station ng ospital. “Malikot ka na naman ah,” mahina kong bulong. Parang sumagot ang bata sa loob ko dahil bigla itong gumalaw. Napangiti ako. Ikaw na lang ang meron ako ngayon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD