JOSHUA BENITEZ Matapos ang nangyari sa amin ni Liezel ay mas naging bukas na kami sa isa’t isa. Hindi ko man masabi sa kanya ang tunay kong kalagayan na hindi naman talaga ako nawalan ng alaala, sinisigurado ko namang maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal. Sa harap ng ibang tao, lalo na kapag may dumadalaw na pamilya ko, maayos pa rin ang pagitan namin. Isa lang siyang nurse na nag-aalaga sa akin. Pero kapag kaming dalawa na lang ang naiiwan sa kwarto, hindi namin mapigilang maging malapit sa isa’t isa. Isang araw habang inaasikaso niya ako ay nagbibiruan kaming dalawa. Pinupunasan niya ang braso ko habang inaasar ko siya tungkol sa pagiging sobrang seryoso niya sa trabaho. “Gov, huwag po kayong makulit,” sabi niya habang napapangiti. “Gov na naman?” sagot ko. “Ilang beses ko n

