JOSHUA BENITEZ Sa kabila ng aking pagpapanggap na hindi ko maalala si Liezel, sinikap kong maging malapit sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, pero sa bawat araw na kasama ko siya, lalo ko lang nararamdaman kung gaano ko siya nami-miss kahit magkatabi na kami. Kapag dumadalaw ang pamilya ko, normal lang ang pakikitungo namin sa isa’t isa. Isa lang siyang nurse na nag-aalaga sa akin. Maingat siya, tahimik, at propesyonal. Pero kapag kaming dalawa na lang ang natitira sa kwarto, nagiging iba ang lahat. Mas nagiging magaan ang usapan. Minsan nagbibiruan kami. Minsan inaasar ko siya hanggang sa mapikon siya at mapasimangot. At sa mga sandaling iyon, pakiramdam ko bumabalik kami sa dati. Hanggang sa dumating ang araw na halos mawalan ako ng kontrol sa sarili ko. Inaayos

