LIEZEL DELA CRUZ Pagkaalis ng magulang ni Josh, mas naging tahimik ang bahay. Parang ngayon lang ulit nagsink in sa akin ang lahat ng nangyari. Pero kailangan kong maging matatag. Para sa mga anak ko. “Mga anak, may masakit ba sa inyo?” tanong ko habang nakaluhod sa harap nila. Umiling si Matt. “Wala po, Nanay.” Sumunod si Freya. “Hindi naman po kami sinaktan ni Daddy Adrian… pero yung babae po…” medyo nag-alinlangan siya. “Ano ‘yon, baby?” tanong ko. “Gusto niya po na tawagin namin siyang mommy. Siya daw po ang totoong mommy namin.” Parang may kumurot sa puso ko. Pero pinilit kong ngumiti. “Huwag niyo na isipin ‘yon, ha?” sabi ko. “May sakit siya, kaya niya nasabi ‘yon. Ipagdasal na lang natin na gumaling siya.” Tumango naman sila. Napansin ko si Josh sa gilid. Tahimik lang

