JOSHUA BENITEZ “Mahal, patutulugin ko lang ang mga bata, inaantok na kasi sila,” paalam ni Liezel. Tumango lang ako. Pinanood ko silang tatlo habang paakyat ng hagdan. Hawak niya ang kamay ng kambal. Tahimik sila, pero kita ko na mas kampante na sila ngayon. Sa wakas… okay na sila, nakaramdam ako ng awa sa pamilya ko. Yung tahimik ang buhay nila sa palawan tapos inuwi ko sila dito dahil gusto kong magkakasama na kami, pero problema agad ang sumalubong sa amin. Pero pinagpapasalamat ko na rin at nangyari ang lahat ng ito na kasama ko sila. Hindi ko lubos maisip na ang simpleng pagmamahal pala ay pwedeng mauwi sa isang disorder, na pwede nilang saktan ang taong mahal nila para lang hindi sila mapunta sa iba. Naiwan akong mag-isa dito sa sala. Kumuha ako ng alak at nagsalin sa baso.

