"Oo," sagot niya. "Ibig bang sabihin ayaw mo akong maka partner? Kinakahiya mo ba ako? Porket ba mas matanda ako sayo,." Sabi ko na parang nagtatampo. "Mahal, hindi naman sa ganoon. Natatakot lang kasi ako na makita ng ibang tao na kasama ka at malaman na naging kabit mo ako noon." Sagot niya sa akin. "Babe, huwag mong isipin na naging kabit kita. Gaya nga ng sabi ni Mommy, ikaw at minahal ko mula noon hanggang ngayon. Mas maganda ng masanay silang makita na magkasama tayo para masanay na sila. At para maitama natin ang maling iniisip nila." Sabi ko sa kanya. Kahit labag sa loob niya ay sinabi niya na papayag na siya. Napangiti na lang talaga ako at hilakin ko siya sa buhok niya. "Nakakamiss din umuwi sa Laguna, lalo na noong mga panahon na sinusundan pa kita sa university mo." N

