LIEZEL DELA CRUZ Bigla akong may nakitang pares ng sapatos habang nakayuko ako. Akala ko ay nurse kaya dahan-dahan akong tumingala para tignan. Nagtama ang aming paningin at para akong nakakita ng kakampi. Hindi ako makapaniwala na nandito ngayon sa harapan ako ang kahuli hulihang lalaking naisip ko na dadamay sa akin. Si Governor Joshua Benitez, siya lang naman ngayon ang nakatayo sa aking harapan. “Are you alright? What happened? If you need anything, I’m just here.” Narinig kong sabi ni Governor Joshua Benitez. Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa harapan ko, hindi ba ako namamalikmata lang. Siya nga ba talaga ang kasama ko ngayon dito? Muli akong tumingala at tumingin sa kanya. Gusto kong siguraduhin na siya nga ang kasama ko ngayon. Tumingin pa ako sa lalaking kasam

