JOSHUA BENITEZ Walang pagsidlan ang kaligayahan ko ng pumayag si Liezel sa gusto ko, alam kong wala siyang pagtingin sa akin at natatakot siyang masira ang pamilya ko. Hindi ko pa masabi sa kanya ang totoo, hahayaan ko na lang muna na umayon sa akin ang panahon. Gusto ko munang matapos ang problema niya, saka ko naman iisipin ang para sa aming dalawa. Handa na ang lahat para sa paglipat ng kanyang ama sa Makati Med. I want to give the best health care facilities to her father. Noong sinabi kong ako na ang bahala sa lahat, I meant it. Ayos na ang lahat, hinahanda na rin ang pasyente para sa gagawing paglipat sa kanya. “It’s all done, ililipat na ang papa mo ng ospital. Sa akin ka na sasakay at ako ang maghahatid sayo sa ospital. Si Dan na lang ang sasabay sa ambulance,” I said to Liez

