JOSHUA BENITEZ Hindi ako umuwi ng bahay namin, ayaw ko munang makita si Carla. ngayon lang ako naging masaya ng ganito, ayaw kong masira dahil kay Carla. "Gov, aga mo magising ah? Ano ba nakain mo at dito tayo umuwi ngayon? Hindi ka ba papasok sa kapitolyo? Tanong ni Dan, papalapit siya sa akin at may dala siyang dalawang tasa ng kape. Nandito kami ngayon sa may Farm ko, gusto ko lang magrelax kaya dito ako pumunta kagabi. "Saan ka naman nanggaling kagabi? Sino naman ang pinuntahan mo? Chix ba?" Natatawang sabi pa ni Dan. "Aminin mo Gov, timaan ka kay Liezel noh? Di naman siya alanga sayo, maganda siya, sexy at higit sa lahat mabait at balita ko hindi pa siya nagkaka boyfriend." Dagdag pa ng kaibigan ko na bodyguard ko pa. "Ang dami mong tanong, isa-isa lang mahina ang kalaban." nat

