THIRD PERSON Hindi pa makakalabas ng ospital si Liezel. Nagpaalam sa kanya si Josh na ihahatid muna sa bahay niya ang mga bata at agad na naman siyang pumayag. "Liezel, ihahatid ko lang ang kambal at kukuha lang ako ng gamit mo, babalik din ako agad." paalam ni Josh. "Okay lang ako, kahit hindi ka na bumalik. lalabas na rin naman ako bukas ng umaga." Malamig na sabi ni Liezel. "No! Babalik ako para alagaan ka, babawi ako sayo ngayon. Sa mga taon na hindi kita kasama at hindi kita naalagaan." mabilis na sagot ni Josh. Bitbit ang mga anak niya ay lumabas na sila ng room ni Liezel, ihatid ito sa bahay nila. Pagkalabas ni Josh ng ospital, tahimik ang naging biyahe nila ng kambal. Parehong pagod ang mga bata, pero halata pa rin ang saya sa mukha nila. “Tatay…” mahinang tawag ni Fr

