LIEZEL DELA CRUZ "Liezel, para na lang sa mga bata ayusin natin ito, please." Pakiusap ni Josh sa akin. Ramdam ko ang takot sa sa boses niya, habang nakayakap siya sa akin. Gusto kong ibigay ang gusto niya, pero paano naman ako? Hindi naman ganun kadali na tanggapin na lang ang lahat. Mula noon hanggang ngayon... Kailangan ba ako ang mag adjust? Kailangan ba ako lagi ang umintindi? "Nanay..." narinig kong sabi ni Freya kasabay ng kanyang pag hikbi. Parang unti unting dinudurog ang puso ko. Ang mga anak ko ang kahinaan ko, sila din ang lakas ko. Pero paano kung naglalaban ang pag mamahal ko sa kanila at ang sakit ng ginawa sa akin ni Josh. Patuloy ang pag agos ng masaganang luha ko, sa harap ng mga anak ko. Hindi ko gustong makita nila akong ganito, ayaw kong isipin nila na mahina

