"Liezel, patawarin mo ako kung nagsinungaling ako sayo." bigla niyang sabi. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. "Noong araw na nagising ako, natatandaan kita. Kilala kita, nagpanggap lang ako na may amnesia para hindi ka madamay sa problema ko. Gusto ko munang patunayan na si Carla at si Dave ang may kagagawan ng aksidente ko." Sabi niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko matanggap na pinaglaruan niya ako. Na mas ginusto niyang unti-unti akong namamatay dahil sa pag aakala kong hindi niya ako nakikilala. Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya, "Pak! Para yan sa panloloko mo sa akin, ang kapal ng mo! Pinagmukha mo akong tanga! Nakikita mo araw araw na halos madurog ako sa kakaisip kung bakit of all people ako lang ang bukod tanging hindi mo nakikilala. Yun

